OSCA Muntinlupa City

OSCA Muntinlupa City

Share

Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) Muntinlupa City Official page

Photos from City Government of Muntinlupa - OFFICIAL's post 01/06/2026
01/06/2026

Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ang programang SuMiKap (Suporta sa Muntinlupeรฑo para sa Inklusibong Kabuhayan Program) bilang tugon sa lumalalang education crisis sa bansa. Nagbibigay din ito ng bagong oportunidad sa mga retired teachers as reading tutors para sa mga batang Muntinlupeรฑo.

Sa ilalim ng programa, pinagsasama ang kabuhayan at edukasyon โ€” livelihood support para sa mga dating g**o, at tulong sa pagpapalakas ng literacy programs ng lungsod. Layunin ng SuMiKap na gawing produktibo ang karanasan ng mga retired teachers habang tinutugunan ang learning gaps sa mga mag-aaral.

Bahagi ito ng mas malawak na adbokasiya ni Mayor Ruffy Biazon para sa edukasyon, na ang bawat batang Muntinlupeรฑo ay may pantay na pagkakataong matuto, bumasa, at mangarap. Para kay Mayor Biazon, ang literacy ay pundasyon ng lahat ng pangarap, at ang Pamahalaang Lungsod ay may tungkuling tiyakin na walang batang maiiwan tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Photos from OSCA Muntinlupa City's post 28/05/2026

Tagumpay na Paghahain ng Kandidatura para sa Senior Election Federation!

Isang opisyal at maayos na paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa Senior Election Federation ang matagumpay na isinagawa sa OSCA Center nitong nakaraang Mayo 26 at 28. Sa loob ng dalawang araw na ito, umabot sa kabuuang 298 na aplikante ang matagumpay na nag-file mula sa ating buong barangay.

Lubos ang ating pasasalamat sa gabay at pag aasikaso ng mga kawani mula sa CADO at OSCA Staff na naging katuwang upang maging mabilis, organisado, at matiwasay ang buong proseso para sa lahat ng ating mga nakatatanda.

Handang-handa na para sa susunod na yugto ng paglilingkod! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

Photos from City Government of Muntinlupa - OFFICIAL's post 28/05/2026

๐‘๐ž๐ญ๐ข๐ซ๐ž๐ ๐“๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐ซ๐ฌ, ๐Š๐š๐ญ๐ฎ๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ฉ๐š๐ฉ๐š๐ฅ๐š๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐‘๐ž๐š๐๐ข๐ง๐  ๐…๐จ๐ฎ๐ง๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง

Kasama na ang mga retired public elementary school teachers sa bagong batch ng SuMiKap (Suporta sa Muntinlupeรฑo para sa Inklusibong Kabuhayan Program) ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa.

Sa pagtutulungan ng Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) at Public Employment Service Office (PESO), nabibigyan ng temporary employment opportunities ang mga sektor na nais muling makapagtrabaho.

Unang pagkakataon na isinama sa SuMiKap ang mga retired teachers, kung saan sila ang magsisilbing reading tutors ng incoming Grade 2 pupils bilang bahagi ng literacy initiatives ng lungsod. Sa loob ng 10 araw, makatatanggap sila ng โ‚ฑ695 na daily wage o kabuuang โ‚ฑ6,950 bilang dagdag kabuhayan.

Bukod sa pagbibigay ng kita, layunin din ng programa na makatulong sa pagpapalakas ng reading foundation ng mga batang Muntinlupeรฑo.

Maaaring mag-inquire sa OSCA offices sa Bayanan Baywalk at South Park Center sa Alabang para sa mga interesadong mapabilang sa programa.



๐Ÿ“ธ: OSCA

Photos from City Government of Muntinlupa - OFFICIAL's post 28/05/2026

๐‘๐ˆ๐ƒ๐„๐Œ๐ž๐, ๐“๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ-๐“๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ ๐š๐ง ๐๐ข๐ง๐š ๐‹๐จ๐ฅ๐จ ๐š๐ญ ๐‹๐จ๐ฅ๐š

Personal na inihatid ni Mayor Ruffy Biazon ang maintenance medicines ng mga bedridden at senior citizens sa ilalim ng RIDEMed program.

Bukod sa gamot, nakatanggap din ang mga benepisyaryo ng iba pang pangunahing pangangailangan tulad ng bed pads, kumot, sabon, ointments, at bigas upang makatulong sa kanilang araw-araw na pangangalaga.

Patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Lungsod ang RIDEMed upang mas matiyak ang tuloy-tuloy na suporta at serbisyong pangkalusugan para sa ating mga lolo at lola sa Muntinlupa.

Kung may senior citizen sa inyong pamilya na 80 years old pataas o bedridden, maaari silang i-register sa RIDEMed program. Para sa inquiries, tumawag sa:

๐Ÿ“ž 0908-208-1044
๐Ÿ“ž 0908-725-4288
๐Ÿ“ž 8541-3485

Maaaring caregiver o kamag-anak ang mag-register para sa senior citizen. Dalhin lamang ang sumusunod:
โ€ข Muntinlupa-issued senior citizenโ€™s ID
โ€ข Reseta ng gamot
โ€ข ID ng caregiver o kamag-anak
โ€ข Certification mula sa barangay bilang caregiver ni lolo o lola

Registration schedule sa health centers:
โ€ข Monday, Tuesday, Thursday | 8:00 AM โ€“ 5:00 PM
โ€ข Wednesday, Friday | 1:00 PM โ€“ 5:00 PM

Para naman sa mga hindi bedridden o hindi pasok sa age requirement, maaari pa ring makakuha ng libreng maintenance medicines sa ilalim ng โ€œLove Ko si Lolo, Love Ko si Lolaโ€ program sa inyong health centers.

Photos from Ruffy Biazon's post 28/05/2026
28/05/2026

๐“๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ-๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐’๐ž๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐‚๐ข๐ญ๐ข๐ณ๐ž๐ง๐ฌ ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฒ

Kamakailan ay dumalo at nakibahagi tayo sa dalawang pagpupulong ng mga komite na malapit sa aking puso at adhikain bilang isang senior citizen at dating punong lungsod ng Muntinlupa.

Kaninang umaga, sinimulan natin ang ating trabaho sa pagdalo sa pagpupulong ng Committee on Senior Citizens. Maraming mahahalagang panukalang batas para sa kapakanan ng ating mga nakatatanda ang tinalakay, kabilang na ang pag-apruba sa Substitute Bill na naglalaman ng ating House Bill No. 515 na naglalayong protektahan ang mga senior citizen laban sa fraud at ibaโ€™t ibang uri ng panloloko.

Sa pamamagitan ng panukalang ito, mas paiigtingin natin ang laban kontra sa mga mapagsamantalang indibidwal na nagtatangkang linlangin at pagsamantalahan ang ating mga nakatatanda na madalas nagiging bulnerable sa ganitong uri ng krimen.

Samantala, sa hapon ay naging prayoridad naman natin ang pagdalo at pakikilahok sa pagpupulong ng Committee on Local Government. Tinalakay at inaprubahan dito ang draft Substitute Bill ng Magna Carta for Barangays, kung saan tayo ay isa sa mga pangunahing may-akda. Sa aking panunungkulan bilang punong lungsod ng Muntinlupa, lubos kong nauunawaan ang kahalagahan at magiging positibong implikasyon ng pagsasabatas ng Magna Carta para sa ating mga barangay.

Tuloy-tuloy ang ating pagsusulong ng mga panukalang batas na tunay na makatutugon sa pangangailangan ng ating mamamayan, lalo na ng ating mga nakatatanda at mga pamayanang barangay.

28/05/2026

๐Œ๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐š ๐–๐ข๐ง๐ฌ ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ ๐’๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ ๐„๐ฑ๐œ๐ž๐ฅ๐ฅ๐ž๐ง๐œ๐ž ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐

Kinilala ng National Privacy Commission ang Muntinlupa Data Privacy Committee sa Privacy Awareness Week Awards 2026, sa pangunguna ni Atty. Nemei Santiago at ng ating mga Data Privacy Officers.

๐Ÿ† Public Sector Excellence Award โ€“ Winner
๐Ÿ”น Privacy Management Program of the Year โ€“ Finalist
๐Ÿ”น Privacy Initiative of the Year โ€“ Finalist
๐Ÿ”น NPC Seal of Registration Compliance Excellence Award โ€“ Finalist

Ang Public Sector Excellence Award ang pinakamataas na pagkilala para sa mga ahensya ng gobyerno na nagiging modelo ng best practices sa data privacy. Ibig sabihin, ang Muntinlupa ay hindi lang sumusunod sa batas, kundi nangunguna sa transparency, accountability, at proteksyon ng personal data ng mga mamamayan.

Patuloy na isinusulong ni Mayor Ruffy Biazon ang mga programang nakabatay sa tiwala at integridad. Ang pagkilalang ito ay patunay na ang ating lungsod ay may matatag na Privacy Management Program, active Privacy Initiatives, at compliance excellence na nagbibigay ng kumpiyansa sa bawat Muntinlupeรฑo na ligtas ang kanilang impormasyon sa bawat transaksyon sa pamahalaan.

Photos from Muntinlupa Gender And Development Office's post 28/05/2026
Want your business to be the top-listed Government Service in Muntinlupa City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Muntinlupa City
1770

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm