29/05/2026
βπ΄ππ π‘π’πππ¦ ππ πππππ ππ¦ βππππ ππππππ πππππππ‘π π π πππ‘ππππππ, ππ’πππ ππππππππππππ π π πππ€ππ‘ π πππππ π¦πππ π‘πππ -ππ’π πππ ππππππππ¦ π π πππππππ¦ππ.β
Binigyang pagkilala sa Liga National Congress 2026, Cluster 2 ang mga last termer barangay officials bilang pagpupugay sa kanilang dedikasyon, sakripisyo, at buong pusong paglilingkod sa kani-kanilang komunidad.
Buong pusong pinagmamalaki ng Bagong Alabang sina π²ππππππ
π¨ππππ π³πππ
ππππ ππ π²ππππππ
π±πππ π―πππππ para sa kanilang dedikasyon at serbisyo para sa tao.
Sa kabila ng limitadong sweldo at benepisyo, patuloy nilang piniling unahin ang kapakanan ng mamamayan, patunay na ang tunay na serbisyo publiko ay hindi nasusukat sa anumang kapalit, kundi sa malasakit at katapatan sa tungkulin.
Taos-pusong pasasalamat sa inyong walang sawang paglilingkod, mula sa Pamahalaang Barangay ng Alabang sa pamumuno ni Kapitana Tintin Abas-Ding.
29/05/2026
ππ’π‘ππ₯ππ§π¨πππ§ππ’π‘π¦, πππ₯ππ‘πππ¬ ππππππ‘π ππ¨π£π’π‘ π§ππππ£ππ ππ¬ππ£π! ππ©·π€
Isang pagbati sa Lupon Tagapamayapa ng Barangay Alabang sa pagkamit ng βOutstanding/Excellentβ rating na 97.67% sa 2026 Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) para sa Performance Year 2025.
Ang pagkilalang ito ay patunay na may dedikasyon, mahusay na pamumuno, at walang sawang paglilingkod upang mapanatili ang kapayapaan, pagkakaisa, at kaayusan sa ating komunidad katuwang ni Kapitana Tintin Abas-Ding.
28/05/2026
ππππππ πππππππ πππππππ: πΈπΌπ·βπΏ π΄π·π»π΄ πππ΅π΄π
π΄πΎ! ππ΄πΊπππππ
ππ΄ ππ΄ ππππΏπΌπ πΆππππππΌππ ππ΄ π΅π΄πΊπππΊ π΄πΏπ΄π΅π΄ππΊ! β¨π
Sa diwa ng pagkakaisa, malasakit, at paggalang sa pananampalataya ng bawat mamamayan, buong pusong nakikiisa ang Pamahalaang Barangay ng Alabang sa pamumuno ni Kapitana Tintin Abas-Ding sa pagdiriwang ng Eidβl Adha ng ating mga kapatid na Muslim sa komunidad ng Bagong Alabang.
Bilang simbolo ng suporta at pakikipagkapwa, nagsagawa ng simpleng pagbibigay at pakikisalamuha sa ating Muslim community upang ipakita ang tunay na diwa ng bayanihan, pagmamahalan, at pagkakabuklod-buklod sa kabila ng pagkakaiba ng kultura at pananampalataya. Ang pagdiriwang na ito ay nagsisilbing paalala na ang pagkakaisa at pagrespeto sa isaβt isa ang pundasyon ng isang maunlad at mapayapang pamayanan.
28/05/2026
ππππππππππππ ππ
ππππππ ππππππ ππ ππππππ ππππ ππ.
Patuloy na pagbibigay ng mas maliwanag na daraanan sa lugar ng Tambak Wawa St. matapos makapagkabit muli ng mga street lights mula sa Pamahalaang Barangay ng Alabang sa pangunguna ni Kapitana Tintin Abas-Ding.
Ang proyektong pagkakabit ng street lights sa iba't-ibang bahagi ng Bagong Alabang ay upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng bawat isang mamamayan lalo na sa dis-oras ng gabi.
Tuloy-tuloy ang Mas PinaTinDing Serbisyong Hindi BiTin sa Mas Masigla, Mas Maunlad, at Mas Maipagmamalaking Bagong Alabang!
27/05/2026
ππππππ πππππππ πππππππ: πΏπΌππΈπΏπΌπ»πππ· ππ
π΄πΌππΌππΊ ππ
ππΊπ
π΄π ππ΄π
π΄ ππ΄ ππ΄ππ΄ππ΄ππ΄π ππΊ π΅π΄πΊπππΊ π΄πΏπ΄π΅π΄ππΊ ππ©·
Patuloy ang Pamahalaang Barangay ng Alabang sa pagsasagawa ng mga programang nagbibigay ng dagdag kaalaman, kasanayan, at oportunidad sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng Livelihood Training Program.
Sa pangunguna ni Kapitana Tintin Abas-Ding katuwang ng komunidad, mas lalo nating pinagtitibay ang pagkakaisa at pagtutulungan upang makamit ang mas maunlad at mas progresibong Bagong Alabang.
Abangan ang mga programa ng Barangay na nakatuon sa pagbibigay ng hanap-buhay at negosyo para sa ating mga kabarangay.
Sama-sama nating isulong ang programang may malasakit at tunay na pakinabang para sa bawat mamamayan!
27/05/2026
π¦π¨ππ¦π§ππ‘ππ πππ¨π¦π ππ’π₯π¨π ππ’π₯ π§ππ πππππ₯ππ¬ (π¦πππ)
Nagkaroon ng makabuluhang talakayan para sa ating mga nakatatanda sa pamamagitan ng SAFE Program na naglalayong magbigay ng kaalaman tungkol sa masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot at ibaβt ibang uri ng substance abuse.
Pinangunahan ng Muntinlupa DAPCO, PNP Muntinlupa at Barangay Anti-Drug Abuse Council ang programa na dinaluhan ni Kagawad Melay Abas bilang kinatawan ng Sangguniang Barangay.
Sa tulong ng sama-samang pagkilos ng pamayanan, patuloy nating pinapalakas ang kamalayan, kalusugan, at kaligtasan ng bawat senior citizen tungo sa mas maayos at mas ligtas na komunidad.
27/05/2026
πππβπ ππππ π π¨πππ₯ππ! β¨π
Maligayang pagdiriwang ng Eidβl Adha sa ating mga kapatid na Muslim! Nawaβy patuloy na manaig ang pananampalataya, pagkakaisa, kapayapaan, at pagmamahalan sa bawat tahanan at komunidad.
Sa paggunita ng sakripisyo at debosyon, magsilbi sana itong inspirasyon upang lalo nating paigtingin ang pagtutulungan at malasakit para sa bawat mamamayan ng ating barangay.
Mula sa Pamahalaang Barangay ng Bagong Alabang, isang mapagpalang Eidβl Adha sa inyong lahat!
26/05/2026
ππππππππππππ ππ. ππππ, π¬. ππππ
Declaring Wednesday, 27 May 2026, a Regular Holiday Throughout the Country, in observance of Eid'l Adha (Feast of Sacrifice)
ππππππππππππ ππ. ππππ, π¬. ππππ
Declaring Wednesday, 27 May 2026, a Regular Holiday Throughout the Country, in observance of Eid'l Adha (Feast of Sacrifice)
Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/RJdUhv