Ting Niefes - City Councilor

Ting Niefes - City Councilor

Share

Konsehal ng Masa

27/04/2026

Maligayang kaarawan, Cong. Atty. Jimmy Fresnedi! 🎉 Nawa’y patuloy kang gabayan ng Diyos at pagpalain ng mabuting kalusugan at malinaw na isip sa iyong paglilingkod. Maraming salamat sa iyong tuloy-tuloy na pagsisikap sa mga batas at programang tunay na nakakatulong sa bawat pamilyang Muntinlupeño, patunay ng iyong malasakit at katapatan sa tungkulin. Hangad namin ang mas marami pang taon ng pamumunong may puso at patuloy na tagumpay sa iyong mga adhikain para sa lungsod at sa ating bansa.🙏

11th Sangguniang Panlungsod ng Muntinlupa 13/04/2026

Sa isinagawang ika-40 Regular na Sesyon ng Sangguniang Panlungsod, inaprubahan ng iba’t ibang komite ang ilang panukalang in-endorso ni Mayor Ruffy Biazon, isang patunay ng patuloy na pagtutulungan para sa mas inklusibo at maagap na pamamahala sa lungsod.

Inaprubahan ng Committee on Persons with Disabilities, sa pangunguna ni Councilor Ting Niefes, ang panukalang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at Bellevue Manila. Layunin nitong suportahan ang PDAO Project AGAP, kabilang ang libreng paggamit ng play area bilang consultation facility para sa mga batang may kapansanan, lalo na ang may autism, ADHD, at iba pang kondisyon sa spectrum.

Samantala, pinagtibay ng Committee on Education, sa pamumuno ni Councilor Jedidiah R. Presnedi, ang kasunduan ng lungsod, Department of Social Welfare and Development–NCR, at Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa para sa “Tara, Basa! Tutoring Program.” Layunin nitong sanayin ang mga college students mula sa low-income families bilang tutors o youth development workers sa ilalim ng cash-for-work scheme.

Inaprubahan din ng Committee on Appropriations, sa pangunguna ni Councilor Atty. Raul R. Corro, ang mahahalagang panukala tulad ng supplemental agreement sa G-Exchange, Inc. para sa pagpapatuloy ng GCash digital disbursement system; ordinansa ng Barangay Poblacion para sa medical financial assistance ng mga may cancer at chronic kidney disease; FY 2026 budget ng Barangay Bayanan na Php73.47 milyon; at pondo ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Cupang na Php11.38 milyon.

Ipinapakita ng mga hakbang na ito ang matibay na ugnayan ng ehekutibo at lehislatibo sa Muntinlupa, na patuloy na nagtutulungan upang maihatid ang mga programang tunay na makatutulong sa bawat Muntinlupeño.

02/04/2026

Isang karangalan po na makasama sa serbisyo si Konsehal Allan Camillon, isang mabuting kasamahan na hindi lamang naging katuwang sa tungkulin, kundi naging tunay na kaibigan. Ang kanyang dedikasyon, integridad, at malasakit sa kapwa ay nagsilbing inspirasyon sa amin na kanyang nakasama. Ang kaniyang mahahalagang kontribusyon sa lungsod at kabutihan sa kaniyang kapwa ay mananatiling buhay sa aming alaala at patuloy naming ipagpapatuloy sa aming paglilingkod.

Taos-puso po akong nakikiramay sa kanyang pamilya. Nawa’y matagpuan ninyo ang lakas at kapanatagan sa gitna ng pagdadalamhati.

Photos from Ting Niefes - City Councilor's post 24/02/2026

Bumisita ang inyong lingkod kasama ang aking pamangkin na si DAN NIEFES upang alamin ang kalagayan ng ating mga kababayan sa Patdu Compound sa Brgy. Putatan.

Photos from Ting Niefes - City Councilor's post 14/01/2026

Public Hearing

Ang inyong lingkod ay nagkaroon ng pampublikong pagdinig sa mga sumusunod:

1. Akreditasyon ng Alabang Phase Silang Carmona
Transport Cooperative
2. Kautusang Panlungsod na nagbaba ng butaw
para sa pagkuha ng prangkisa para sa lahat ng
traysikel na may motor at walang motor(pedicab)
na bumibiyahe sa nasasakupan ng lungsod ng
Muntinlupa at pagamienda ng Ordinansa
2024-232.
3. Kautusang Panlungsod na nagtatakda ng
alıtuntunin sa pagbabaubaya ng bayad (waiver of
payment) ng mga miyembro ng Tricycle Operator
and Drivers Association (toda) para sa bayad ng
prangkisa(franchise fee) dahil sa pansamantang
pagsasara ng kalsada at pag amyenda ng
Kautusang panlungsod blang 96-66

08/11/2025

𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 | 𝗟𝘂𝗻𝗲𝘀, 𝗡𝗼𝗯𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟭𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟱

Walang pasok sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, kabilang ang ALS, ECED, at MCTI sa Lunes, Nobyembre 10, 2025, dahil sa inaasahang malakas na pag-ulan dulot ng Bagyong ayon sa PAGASA.

Maaaring gumamit ng Alternative Delivery Mode (ADM) ang mga paaralan upang maipagpatuloy ang pag-aaral.

Maging maingat at ligtas, mga Muntinlupeño!

23/10/2025

Ito na ang inaabangan n’yo… 𝓑𝓡𝓔𝓐𝓚 𝓝𝓐 𝓣𝓐𝓨𝓞!

Wellness Break!

Kasabay ng DepEd announcement, lahat ng antas ng paaralan sa Muntinlupa—public at private, kabilang ang ECED, ALS, at MCTI—ay magkakaroon ng Wellness Break mula October 27 hanggang November 2, 2025.

Sabi nga ng DepEd sa memo nila, bigyang-daan natin ang kabuuang well-being ng mga g**o at mag-aaral, lalo na matapos ang mga naranasang flu-like illnesses at iba pang kalagayang nakaapekto sa pag-aaral nitong mga nakaraang linggo.

Panahon ito para mag-recharge at magbalik-sigla, handa sa pagpapatuloy ng mga aralin.

Balik-klase sa November 3, 2025.

Photos from COMELEC's post 16/10/2025
Want your business to be the top-listed Government Service in Muntinlupa City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


2nd Floor People’s Center
Muntinlupa City
1772