Batang Juan Network

Directions

Batang Juan Network Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Batang Juan Network, Political organisation, Muntinlupa, Muntinlupa City.

The Batang Juan Network (BJN) champions the rights and wellbeing of Filipino children through evidence-based policy advocacy and participatory programs that place children at the center of development.

๐—”๐—ง๐— : ๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐—ก๐—˜๐—ง๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—ž x ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—› ๐—ฌ๐—”๐—ž๐—”๐—ฃ ๐—–๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฉ๐—”๐—ก ๐Ÿ’™Inilapit sa Barangay Putatan, Muntinlupa City ang mga serbisyong pa...
09/10/2026

๐—”๐—ง๐— : ๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—๐—จ๐—”๐—ก ๐—ก๐—˜๐—ง๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—ž x ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—›๐—˜๐—”๐—Ÿ๐—ง๐—› ๐—ฌ๐—”๐—ž๐—”๐—ฃ ๐—–๐—”๐—ฅ๐—”๐—ฉ๐—”๐—ก ๐Ÿ’™

Inilapit sa Barangay Putatan, Muntinlupa City ang mga serbisyong pangkalusugan at gabay sa Birth Registration para sa komunidad, sa pangunguna ng Batang Juan Network at katuwang ang mga partner organizations.

๐Ÿฉบ Libreng medical consultation
๐Ÿงช Laboratory tests
๐Ÿ’Š Libreng gamot, ayon sa reseta at program requirements
๐Ÿ“„ Batang Juan Helpline para sa paunang gabay sa Birth Certificate corrections at iba pang Birth Registration concerns

๐Ÿ“ Lakeview Covered Court, Brgy. Putatan, Muntinlupa City
๐Ÿ“… October 9, 2026

BATANG JUAN, IKAW ANG NUMBER 1! ๐Ÿ’™

08/10/2026

๐—ฉ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐˜€ ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ? ๐Ÿ‘€

Kapag gusto nating maging healthy at mas mabilis matuto ang mga bata, minsan naiisip natin na baka vitamins ang sagot. Pero ano nga ba talaga ang role nito sa growth at development?

Sa panibagong episode ng Batang Juan Health Check with Doc PJ, tatalakayin ni Doc Pj ang tamang role ng vitamins, supplements, at balanced nutrition sa lumalaking bata.

Tara, pakinggan natin si Doc PJ! ๐Ÿ’™

๐—˜๐——๐—–๐—ข๐—  ๐Ÿฎ, ๐—œ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—”๐—— ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—กInilunsad ng EDCOM 2 ang isang pambansang konsultasyon pa...
08/10/2026

๐—˜๐——๐—–๐—ข๐—  ๐Ÿฎ, ๐—œ๐—ก๐—œ๐—Ÿ๐—จ๐—ก๐—ฆ๐—”๐—— ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—•๐—”๐—ก๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก

Inilunsad ng EDCOM 2 ang isang pambansang konsultasyon para direktang marinig ang mga karanasan, opinyon, at suhestiyon ng mga kabataan tungkol sa mga usaping nakaaapekto sa kanilang pag-aaral at kapakanan.

Pag-uusapan dito ang literacy, school safety at bullying, socio-emotional at life skills, pati gadget at social media use. Hindi lang tungkol sa numbers ang konsultasyon. Gusto ring malaman kung ano talaga ang nararanasan ng mga kabataan, ano ang mga hamon nila, at ano ang mga solusyong tingin nilang makatutulong.

Mahalaga ang ganitong pagkakataon dahil ang mga bata at kabataan mismo ang nakararanas ng mga hamon sa ating education system. May mga bagay na hindi agad makikita sa statistics o reports, kaya mahalagang marinig mismo ang kanilang kwento at pananaw.

Para sa Batang Juan Network, simple ang aming paninindigan: kung para sa mga bata ang isang pagbabago, dapat kasama rin sila sa usapan. Dapat silang pakinggan, unawain, at bigyan ng pagkakataong maibahagi ang kanilang mga karanasan at mungkahi para sa mga pagbabagong makaaapekto sa kanilang kinabukasan.

BATANG JUAN, IKAW ANG NUMBER 1!

๐Ÿ“Œ Source: EDCOM 2

07/10/2026

๐—ฅ๐—˜๐—›๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—ข, ๐—ฆ๐—œ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—”๐——๐—ข ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—ฉ๐—œ๐—” ๐—–๐—›๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—š๐—˜: ๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—๐˜‚๐—ฎ๐—ป ๐—˜๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป! ๐Ÿงฉ๐Ÿ’™

Kaya mo bang tukuyin kung TAMA o MALI ang bawat pahayag tungkol sa Birth Registration?

May 3 statements tayong dapat sagutan. I-comment ang iyong sagot para sa bawat number at tingnan kung kaya mong makuha lahat nang tama!

๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ข ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—œ:

1๏ธโƒฃ I-comment ang sagot mo sa lahat ng 3 statements at lagyan ng TAMA o MALI bawat isa.
2๏ธโƒฃ I-follow ang Batang Juan Network page.
3๏ธโƒฃ I-tag ang 3 friends na kayang sumagot!
4๏ธโƒฃ I-share ang post publicly.

๐ŸŽ May munting regalo para sa mananalo!

Abangan ang announcement ng winner at baka ikaw na ang mapalad na mag-uwi ng munting regalo mula sa Batang Juan Network!

Ready ka na, Ka-Juan? TAMA o MALI, COMMENT NOW!

BATANG JUAN, IKAW ANG NUMBER 1! ๐Ÿ’™

๐—ฃ๐—ก๐—ฃ, ๐—ก๐—”-๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—–๐—จ๐—˜ ๐—”๐—ก๐—š ๐Ÿฐ๐Ÿต ๐—ก๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ข๐—ก๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜ ๐—ง๐—›๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ง๐—ฆNailigtas ng PNP ang 49 na menor de edad mula sa iba't ibang ban...
07/10/2026

๐—ฃ๐—ก๐—ฃ, ๐—ก๐—”-๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—–๐—จ๐—˜ ๐—”๐—ก๐—š ๐Ÿฐ๐Ÿต ๐—ก๐—” ๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—”๐—ก ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ข๐—ก๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—˜ ๐—ง๐—›๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ง๐—ฆ

Nailigtas ng PNP ang 49 na menor de edad mula sa iba't ibang banta online! Kasabay nito, lalo pa nilang pinatitindi ang pakikipagtulungan sa mga paaralan, local government units, social welfare offices, at iba pang child-protection groups.

Dahil halos araw-araw na nasa internet ang mga bata para mag-aral at makipag-chat, mas tumataas din ang tsansa na makaharap sila ng panganib online.

Magandang hakbang ito, pero hindi natin kailangang maghintay na may mangyari bago tayo kumilos. Mas maganda kung maaga pa lang ay aware na tayo sa mga banta, may gabay mula sa mga magulang at trusted adults, at may ligtas na kapaligiran kung saan hindi matatakot ang batang magsumbong kapag may mali.

Para sa Batang Juan Network, ang online world ay dapat maging isang ligtas na espasyo para matuto, makipagkaibigan, at lumago ang bawat bata.

Kaya mahalagang turuan natin silang mag-ingat sa kanilang personal info, passwords, location, at privacy. Dapat din silang maging masuri sa mga nakakausap online at, higit sa lahat, iparamdam natin na may maaasahan silang nakatatanda na makikinig at tutulong nang hindi sila sisisihin o ikakahiya.

Dahil ang proteksyon sa bata ay hindi lang tungkol sa pagharang sa bantaโ€”tungkol din ito sa pagbuo ng tiwala, pakikinig, at pagtiyak na may takbuhan sila sa oras ng pangangailangan.

BATANG JUAN, IKAW ANG NUMBER 1! ๐Ÿ’™

๐Ÿ“Œ Source: ABS-CBN News

06/10/2026

๐—”๐—ฟ๐˜๐—ฒ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ ๐˜†๐—ฎ๐—ป? ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ถ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป? ๐Ÿ‘€

Nagtatakip ng tenga. Ayaw magpagupit. Pihikan sa damit o pagkain. Minsan, may ibang dahilan kung bakit ganito ang response ng isang bata.

Sa episode na ito ng Batang Juan Health Check with Doc PJ, sasagutin ni Doc PJ kung ano ang sensory differences at kung kailan ito magandang pagtuunan ng pansin.

Tara, pakinggan natin si Doc PJ! ๐Ÿ’™

BATANG JUAN, IKAW ANG NUMBER 1!

๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ, ๐—ก๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ฅ๐—ข๐—”๐——๐— ๐—”๐—ฃ ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—” ๐—–๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—— ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—ข๐—ฅ ๐—”๐—ง ๐—˜๐—ซ๐—ฃ๐—Ÿ๐—ข๐—œ๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—กAng bawat bata ay may karapatang matuto, mag...
06/10/2026

๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ, ๐—ก๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ฅ๐—ข๐—”๐——๐— ๐—”๐—ฃ ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—” ๐—–๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—— ๐—Ÿ๐—”๐—•๐—ข๐—ฅ ๐—”๐—ง ๐—˜๐—ซ๐—ฃ๐—Ÿ๐—ข๐—œ๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก

Ang bawat bata ay may karapatang matuto, maglaro, mangarap, at lumaki nang ligtas.

Bumubuo ngayon ang Pilipinas ng isang national roadmap upang mas mapalakas at mapag-ugnay ang mga hakbang laban sa child labor, human trafficking, forced labor, at modern slavery.

Kasama sa prosesong ito ang mga ahensya ng pamahalaan, workersโ€™ at employersโ€™ organizations, civil society, at survivor networks upang matukoy ang mga kinakailangang aksyon, suporta, at koordinasyon para mas epektibong maprotektahan ang mga bata.

Mahalaga ang hakbang na ito dahil hindi sapat na tugunan lamang ang child labor kapag may batang nalagay na sa panganib. Kailangan nating palakasin ang pag-iwas sa child labor, protektahan ang mga bata mula sa exploitation, tiyaking nananatili sila sa paaralan, at suportahan ang mga batang at pamilyang maaaring nasa panganib.

Para sa Batang Juan Network, malinaw ang ating paninindigan: walang batang dapat mawalan ng pagkakataong maging bata dahil sa child labor o exploitation.

Dapat may ligtas na kapaligiran ang bawat Batang Juan kung saan siya ay makapag-aaral, mapoprotektahan, mapakikinggan, at mabibigyan ng pagkakataong mangarap at magkaroon ng mas magandang kinabukasan.

Ang laban kontra child labor ay laban para sa karapatan, dignidad, kaligtasan, at kinabukasan ng bawat bata. ๐Ÿ’™

WAKASAN ANG CHILD LABOR AT EXPLOITATION. PROTEKTAHAN ANG MGA BATA.

BATANG JUAN, IKAW ANG NUMBER 1!

๐Ÿ“Œ Source: International Labour Organization (ILO)

๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ช๐—”๐—ง ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—ข ๐—ก๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—˜ ๐—ก๐—š ๐—ž๐—ช๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ง๐—”, ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ง.  ๐ŸฉตMay mga g**ong nagturo sa atin kung paano magbasa. May...
05/10/2026

๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ช๐—”๐—ง ๐—š๐—จ๐—ฅ๐—ข ๐—ก๐—” ๐—ก๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—ง๐—˜ ๐—ก๐—š ๐—ž๐—ช๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ง๐—”, ๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—”๐—ง. ๐Ÿฉต

May mga g**ong nagturo sa atin kung paano magbasa. May nagturo kung paano magbilang. May mga g**ong hindi lang aralin ang itinuro, kundi nagbigay din ng tiwala, pang-unawa, at lakas ng loob.

At minsan, hindi natin agad nakikita kung gaano kalaki ang epekto ng isang simpleng โ€œKaya mo โ€™yan,โ€ isang pakikinig, o isang g**ong piniling umunawa.

Bilang Batang Juan Network, na nagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga bata, kinikilala natin ang napakahalagang papel ng ating mga g**o sa paghubog sa bawat Batang Juan. Sa kanilang sakripisyo, binibigyang-lakas ang mga bata na matuto, mangarap, magsalita, at lumaki nang may dignidad at respeto.

Kaya ngayong World Teachersโ€™ Day, para sa lahat ng g**ong araw-araw na nagbibigay ng oras, tiyaga, at puso para sa ating mga anak: maraming, maraming salamat. ๐Ÿฉต

Happy World Teachersโ€™ Day! Saludo po kami sa inyo!

๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—— ๐—ฆ๐—–๐—ฅ๐—”๐— ๐—•๐—Ÿ๐—˜ ๐—ฅ๐—จ๐—ฆ๐—› ๐˜„๐—ถ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜€! ๐Ÿงฉ๐Ÿ’™Maraming salamat sa lahat ng nakisali, nag-isip, nagbuo ng mga sa...
05/10/2026

๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ช๐—ข๐—ฅ๐—— ๐—ฆ๐—–๐—ฅ๐—”๐— ๐—•๐—Ÿ๐—˜ ๐—ฅ๐—จ๐—ฆ๐—› ๐˜„๐—ถ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—ฟ๐˜€! ๐Ÿงฉ๐Ÿ’™

Maraming salamat sa lahat ng nakisali, nag-isip, nagbuo ng mga salita, at nakisaya sa ating Word Scramble Rush: Batang Juan Edition!

Congratulations sa ating mga mapalad na winners! ๐ŸŽ‰

Abangan ang aming message para sa detalye ng pag-claim ng inyong munting regalo mula sa Batang Juan Network.

Sa lahat ng sumagot sa ating scrambled words, maraming salamat sa inyong pakikiisa! Sana ay nag-enjoy kayo habang natututo tungkol sa mga salitang may kaugnayan sa Birth Registration.

Abangan ang iba pa nating games, challenges, at activities dito sa Batang Juan Network. Huwag kalimutang i-like at i-follow ang ating page para updated! ๐Ÿ’™

BATANG JUAN, IKAW ANG NUMBER 1!

03/10/2026

๐—ฃ๐˜‚๐—ฟ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ป๐˜‚๐—ด๐—ด๐—ฒ๐˜๐˜€, ๐—ต๐—ผ๐˜๐—ฑ๐—ผ๐—ด ๐—ฎ๐˜ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป. ๐—ฃ๐—ถ๐—ฐ๐—ธ๐˜† ๐—ฒ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ ๐—ถ๐˜๐—ผ? ๐Ÿ‘€

Maraming bata ang nagiging mapili sa pagkain habang lumalaki. Pero kailan ito bahagi lang ng normal na pagkain ng bata, at kailan kailangan na natin itong mas bigyang-pansin?

Sa panibagong episode ng Batang Juan Health Check with Doc PJ, sasagutin ni Doc PJ kung ano ang dapat nating malaman tungkol sa picky eating, ano ang mga dapat bantayan, at paano makatutulong ang mga magulang sa kanilang mga anak.

Tara, pakinggan natin si Doc PJ. ๐Ÿ’™

Address

Muntinlupa
Muntinlupa City
1770

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Batang Juan Network posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share