03/06/2026
๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐, ๐๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐๐๐จ ๐๐ง๐ ๐๐ฏ๐๐ซ๐ฌ๐๐๐ฌ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐๐ข๐ง๐ค๐๐๐ฒ๐๐ง ๐๐ง๐ข๐ญ๐ข๐๐ญ๐ข๐ฏ๐
Pinagtibay ang partnership sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at Commission on Filipinos Overseas (CFO) sa pamamagitan ng paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) para sa BaLinkBayan Project.
Layunin nitong palakasin ang migration and development initiatives sa lungsod. Nagkaroon din ng capacity-building activities para sa mga kawani ng lungsod upang higit na mapahusay ang pagpapatupad ng programa.
Tumanggap din ang lungsod ng isang computer unit mula sa CFO bilang suporta sa BaLinkBayan portal na magsisilbing digital na tulay para sa mga overseas Filipinos at kanilang mga pamilya.
Pinangunahan ang MOU signing nina Mayor Ruffy Biazon at CFO Secretary Dante โKlinkโ Ang II, kasama ang mga kinatawan mula sa Pamahalaang Lungsod at CFO.
03/06/2026
๐๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐ญ ๐จ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐ญ: ๐๐๐ฅ๐๐๐ซ๐๐ญ๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ฐ๐๐ซ๐๐๐๐ฌ!
Sabay-sabay nating saksihan ang pagkilala sa Ten Muntinlupa Outstanding Students (10MOST) 2026!
Sila ang mga natatanging kabataang Muntinlupeรฑo na hindi lang academically exceptional, kundi nagsilbi ring inspirasyon sa kanilang mga paaralan, komunidad, at kapwa kabataan.
Tune in and celebrate their achievements with us on June 4, 2026 (3:00 PM), LIVE dito sa City Government of Muntinlupa - OFFICIAL, Ruffy Biazon, at Muntinlupa Scholarship Division pages.
03/06/2026
๐๐ฎ๐ง๐ญ๐ข๐ง๐ฅ๐ฎ๐ฉ๐ ๐๐๐ฅ๐๐จ๐ฆ๐๐ฌ ๐๐ญ๐ฌ ๐๐ฐ๐๐๐ญ ๐๐๐ฌ
Tuloy-tuloy ang malasakit ng Pamahalaang Lungsod, sa pamumuno ni Mayor Ruffy Biazon, sa ating mga bagong senior citizens.
Bilang unang lungsod sa bansa na may โSweet 60 Welcome Gift,โ binibigyan ng espesyal na handog ang mga tumuntong sa edad na 60 bilang simbolo ng pagmamahal, respeto, at pagkilala sa kanilang bagong yugto ng buhay.
Dito sa Muntinlupa, turning 60 isnโt just a milestone, itโs a celebration of life, dignity, and community.
03/06/2026
Glad to join the Brigada Eskwela 2026 Division Assembly ng ating Schools Division Office Muntinlupa.
Madalas nating marinig ang kasabihang "it takes a village to raise a child." At iyan mismo ang essence ng Brigada Eskwela.
Sa panahon ngayon na marami tayong hamon sa edukasyon, mas lalo nating kailangang pagtulung-tulungan ang edukasyon.
Maraming salamat sa ating mga teachers, parents, volunteers, partners, at stakeholders na patuloy na nag-iinvest ng oras at suporta para sa ating mga mag-aaral.
03/06/2026
๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ | ๐๐ฎ๐ง๐ ๐, ๐๐๐๐
Mula sa Muntinlupa City Department of Disaster Resilience and Management (DDRM):
Muntinlupeรฑo, ngayong umaga, narito ang ilang paalala mula sa DDRM:
โข Magdala palagi ng payong o kapote.
โข Iwasan ang mga mabababang lugar na madalas bahain.
โข Maging maingat sa posibleng pagkulog at pagkidlat.
โข Mag-ingat sa pagmamaneho, basa at madulas ang mga kalsada dulot ng posibleng pag ulan.
I-check rin ang inyong paligid:
โข Linisin ang mga baradong kanal.
โข Siguraduhing ligtas ang linya ng kuryente.
โข Bantayan ang kalagayan ng inyong bahay lalo na kung ito ay nasa landslide-prone o flood-prone areas.
Laging handa, laging ligtas!
02/06/2026
๐๐ซ๐๐๐๐ข๐ ๐๐ฉ๐๐๐ญ๐๐ฆ
๐๐ฎ๐ง๐ ๐, ๐๐๐๐ | ๐๐๐๐ง๐๐ฌ๐๐๐ฒ
๐๐ฌ ๐จ๐ ๐:๐๐ ๐๐
Follow Muntinlupa Traffic Update page for more information on traffic updates.