25/05/2025
Muling nagsagawa ang Pamahalaang Barangay ng Bagong Alabang sa pangunguna ni Kapitana Tin-Tin Abas-Ding ng monthly job fair para sa buwan ng Mayo nitong Huwebes na ginanap sa Bagong Alabang Barangay Hall.
Pinangunahan ng Barangay Employment & Public Office ang naturang aktibidad kung saan, iba-ibang kumpanya ang nag-bukas at nagbigay ng trabaho para sa ating mga ka-barangay.
20/05/2025
BAGONG ALABANG MONTHLY JOB FAIR (MAY 2025)
Inaanyayahan muli ng Barangay Employment & Public Office ang lahat ng ating mga ka-barangay na nangangailangan ng trabaho na magtungo sa Bagong Alabang Monthly Job Fair na gaganapin sa Liwasan ng mga Bayani Barangay Hall hatid sa atin ng Pamahalaang Barangay ng Alabang sa pangunguna ni Kapitana Tintin Abas-Ding sa May 22, 2025, 8:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.
Ang isasagawang Bagong Alabang Monthly Job Fair ay angkop sa 7Ps Agenda ni Kapitana Tintin Abas-Ding upang mabigyan ng pagkakataon ang bawat isang mamamayan ng Bagong Alabang ng Pangkabuhayang oportunidad.
Tuloy-tuloy ang Mas PinaTinDing Serbisyong Hindi BiTin sa Mas Masigla, Mas Maunlad, at Mas Maipagmamalaking Bagong Alabang!
21/04/2025
It’s my Birthday pero ang wish ko ay para sa inyong lahat, biyayaan nawa tayo ng Dios sa ating pang araw-araw na buhay, bigyan ng malusog na pangangatawan at higit sa lahat masaya at nag mamahalang Pamilya.
THANK YOU FOR ALL OF YOUR BIRTHDAY GREETINGS 🤍 MAHAL KO KAYONG LAHAT
21/04/2025
Nakikiisa ang inyong lingkod sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday na syang araw ng muling pagkabuhay ni Hesukristo mula sa libingan ng tatlong araw pagkatapos ng Kanyang pagkamatay sa kalbaryo.
Isang maligayang Linggo ng Pagkabuhay po sa ating lahat, mga ka-barangay!