01/06/2026
Masayang buhay po sa ating lahat, sa mga magpapakonsulta at magpapanotaryo, kailangan po ng PERSONAL NA PRESENSYA ng mga taong nakapirma sa dokumento.
Kailangan din nilang magdala ng valid ID at photocopy nito at pirmahan ng Tatlong beses.
Upang mas mapabilis po ang ating serbisyo, tiyakin pong kumpletong magtutungo ang mga taong nakapirma sa dokumento at may dala po silang ID at Photocopy po nito.
Maraming salamat poπ»
Ito po ang mga legal documents n pwede ninyong i-konsulta:
Affidavit of loss
Affidavit of discrepancy
Affidavit of singleness
Affidavit of Guardianship
Affidavit of late registration of live birth
Affidavit of one and the same person
Affidavit of support
Affidavit of cohabitation
Affidavit of kinship
Joint Affidavit
Pds-saln
Maari lamang ay ihanda ang 3 kopya ng dokumento at 3 kopya ng valid IDβs.
01/06/2026
PAANYAYA SA LAHAT NG KABARANGAY!
Ang Barangay Putatan ay malugod na nag-aanyaya sa inyong lahat sa ating gaganaping Barangay Caravan / Serbisyo Publiko!
π June 6, 2026 (Sabado)
β° 7:00 AM - 1200 PM
π Soldier's Hills Village Covered Court
Handog namin ang ibaβt ibang LIBRENG SERBISYO para sa ating mga kabarangay tulad ng:
β
SMART Barangay Registration
β
Libreng Konsultasyong Legal
β
Libreng Notaryo
β
Libreng Medical Checkup
β
Maintenance Mo, Hatid Ko
β
PWD Assessment (Profiling)
β
Serbisyo sa Dokumentasyon ng Barangay
β
Knowledge Booth on Wheels / Free Printing
β
Libreng Massage / Haircut
β
Mobile Kitchen
β
Mobile Purified Drinking Water
β
Retired teachers registration
β
Libreng eye check up at libreng salamin sa mata para sa senior cetizens
β
HealthBright Medical Clinic Philhealth YAKAP Registration
β
CYsnack para CYinyo ni SK Chairwoman CY Arciaga
β
Donut Worry ni Kagawad Alex Santos
β
"TAHO para maging Healthy at Happy" ni Kagawad Rodney
β
Sorbetes ni Kagawad Paul Patdu
β
Street foods ni Kagawad JAY Cascalla
β
Libreng Turon ni Kawagad Bono Teves
β
Libreng Lugaw ni Kagawad Tin Andres at Kagwad Teng Andres
at marami pang iba!
Layunin ng programang ito na mas mailapit ang serbisyo ng barangay sa bawat mamamayan at masiguro na walang maiiwan.
Sama-sama tayo sa isang umaga ng malasakit, serbisyo, at pagkakaisa!
01/06/2026
Bilang bahagi ng ating buwanang pagtitipon at pagpapatibay ng pananampalataya, isinagawa ang banal na misa sa unang Lunes ng buwan ng Hunyo. Layunin nito na mapalalim ang ating ugnayan sa Diyos at sa isaβt isa bilang isang komunidad.
β
βKasunod nito ay ang pagtataas ng watawat sa pamumuno ng ating Punong Barangay, Gerry Teves, kasama sina Kagawad Rodney Solema, Kagawad Alex Santos at ang Kalihim ng Barangay King Francis Marquez.
Ang gawaing ito ay nagsisilbing paalala ng ating pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at sama-samang pagtupad sa tungkulin para sa ikauunlad ng ating barangay.
01/06/2026
π€οΈ BARANGAY PUTATAN WEATHER OUTLOOK | June 1, 2026 π€οΈ
Magandang umaga, Putatan! π₯οΈ
Ayon sa pinakahuling weather update, inaasahan ang mostly cloudy skies na may temperaturang nasa 31Β°C at heat index na maaaring umabot sa 39Β°C (Caution Level). May posibilidad din ng pag-ulan sa mga susunod na oras kaya't ugaliing magdala ng payong at manatiling handa sa anumang pagbabago ng panahon.
β οΈ Paalala sa lahat:
β
Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang heat-related illnesses.
β
Iwasan ang matagal na pagkakabilad sa araw lalo na sa tanghali.
β
Bantayan ang mga bata, senior citizens, at mga may karamdaman.
β
Mag-ingat sa mga lugar na maaaring bahain sakaling magkaroon ng malakas na pag-ulan.
Sa susunod na limang araw, inaasahan pa rin ang maulap na panahon na may posibilidad ng pag-ulan. Manatiling alerto at sumunod sa mga abiso ng ating mga kinauukulan.
Ang kaligtasan ng bawat pamilya ay responsibilidad nating lahat. Maging handa, maging maingat, at manatiling ligtas, Barangay Putatan!
π Source: City Government of Muntinlupa β Department of Disaster Resilience and Management (DDRRM) Weather Outlook, June 1, 2026, 7:50 AM.
29/05/2026
π’ PUBLIC ANNOUNCEMENT
Ipinababatid ng Pamahalaang Barangay ng Putatan na ang opisyal na contact numbers ng BDRRM / Fire Department ay muli nang ACTIVE at maaari nang tawagan para sa anumang emergency.
π Narito ang mga maaaring tawagan:
Landline: 8660-0144
Cellphone: 0961-772-6000
Cellphone: 0908-762-8456
Ang mga numerong ito ay maaaring tawagan 24/7 para sa agarang responde, ulat, at koordinasyon sa oras ng sakuna.
Patuloy po nating panatilihin ang pagiging handa at alerto para sa kaligtasan ng bawat isa.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta.
Putatan BDRRM / Fire Department.
28/05/2026
Malugod na Pagbati mula sa Pamahalaang Barangay ng Putatan!
Buong puso po naming binabati ang ating masipag at dedikadong Lupon Tagapamayapa sa pagkakamit ng 97% rating (Excellent / Outstanding) sa LTIA Awards 2025!
Ang tagumpay na ito ay patunay ng inyong walang sawang paglilingkod, malasakit sa mamamayan, at tapat na pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating barangay.
Patuloy po kayong nagsisilbing inspirasyon sa ating komunidad. Ipagpatuloy po natin ang magandang nasimulan para sa mas maayos, ligtas, at maunlad na Barangay Putatan.
Mabuhay po kayo at ipagpatuloy ang mahusay na serbisyo!
28/05/2026
Sa patuloy na pag-iikot sa Barangay Putatan, binisita naman ang Diaz Compound upang maipaliwanag nang maayos sa mga residente ang layunin ng programang Gandang Putatan, Gandang Tutularan at ang gantimpalang naghihintay para sa mapipiling pinakamalinis at pinakamaayos na lugar sa buong Barangay Putatan.
Sa pangunguna ni Kapitan Gerry Teves, katuwang ang buong Sangguniang Barangay, isinagawa ang programang ito bilang bahagi ng pagpapaigting ng kalinisan, kaayusan, at pagkakaisa sa komunidad.
Layunin ng programa na mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa bawat lugar sa buong Barangay Putatan sa pamamagitan ng aktibong pakikipagtulungan ng mga Homeowners Associations at ng bawat residente. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, inaasahang mas magiging maayos, malinis, at kaaya-aya ang buong barangay para sa lahat.
28/05/2026
PAANYAYA SA LAHAT NG KABARANGAY!
Ang Barangay Putatan ay malugod na nag-aanyaya sa inyong lahat sa ating gaganaping Barangay Caravan / Serbisyo Publiko!
π May 30, 2026 (Sabado)
β° 7:00 AM - 1200 PM
π Putatan Elementary School
( Covered Court )
Handog namin ang ibaβt ibang LIBRENG SERBISYO para sa ating mga kabarangay tulad ng:
β
SMART Barangay Registration
β
Libreng Konsultasyong Legal
β
Libreng Notaryo
β
Libreng Medical Checkup
β
Maintenance Mo, Hatid Ko
β
PWD Assessment (Profiling)
β
Serbisyo sa Dokumentasyon ng Barangay
β
Knowledge Booth on Wheels / Free Printing
β
Libreng Massage / Haircut
β
Mobile Kitchen
β
Mobile Purified Drinking Water
β
Retired teachers registration
β
Libreng eye check up at libreng salamin sa mata para sa senior cetizens
β
HealthBright Medical Clinic Philhealth YAKAP Registration
β
CYsnack para CYinyo ni SK Chairwoman CY Arciaga
β
Donut Worry ni Kagawad Alex Santos
β
"TAHO para maging Healthy at Happy" ni Kagawad Rodney
β
Sorbetes ni Kagawad Paul Patdu
β
Street foods ni Kagawad JAY Cascalla
β
Libreng Turon ni Kawagad Bono Teves
β
Libreng Lugaw ni Kagawad Tin Andres at Kagwad Teng Andres
at marami pang iba!
Layunin ng programang ito na mas mailapit ang serbisyo ng barangay sa bawat mamamayan at masiguro na walang maiiwan.
Sama-sama tayo sa isang umaga ng malasakit, serbisyo, at pagkakaisa! See less
27/05/2026
GANDANG PUTATAN, GANDANG TUTULARAN
Sa pangunguna ni Kapitan Gerry Teves, katuwang ang buong Sangguniang Barangay, isinulong ang programang Gandang Putatan, Gandang Tutularan.
Layunin ng programang ito na mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa bawat lugar sa buong Barangay Putatan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga Homeowners Associations (HOA).
Sinimulan na ring bisitahin ng mga Kagawad ng Barangay ang mga lugar ng Pritil at Free Will upang maipaliwanag nang maayos sa mga residente ang layunin ng programa at ang mga gantimpalang naghihintay para sa mapipiling pinakamalinis at pinakamaayos na lugar sa buong Barangay Putatan.