19/08/2026
*PUBLIC ANNOUNCEMENT
: DENGUE AWARENESS*
_Para sa Barangay San Roque, Sagumay, Nabua_
*PAALALA MULA SA BARANGAY SAN ROQUE SAGUMAY
Magandang araw mga kabarangay!
Dahil sa pagtaas ng kaso ng *DENGUE* sa ating lugar at sa buong Camarines Sur, tayo po ay nananawagan ng kooperasyon ng bawat isa.
Ang *DENGUE* ay nakukuha sa kagat ng lamok na *Aedes Aegypti*. Namamahay ito sa mga naipong tubig.
*4S PARA LABAN SA DENGUE:*
1. *SEARCH & DESTROY* - Wasakin ang pinamumugaran ng lamok. Linisin ang mga kanal, paso, gulong, at lahat ng may naipong tubig tuwing Linggo.
2. *SELF-PROTECTION* - Gumamit ng kulambo, maglagay ng mosquito repellent, at magsuot ng damit na may manggas.
3. *SEEK EARLY CONSULTATION* - Kapag may lagnat ng 2 araw pataas, kasama ng sakit ng ulo, sakit sa likod ng mata, at pamumula ng katawan, magpakonsulta agad sa Health Center.
4. *SUPPORT FOGGING* - Makipagtulungan sa mga fogging/misting activities ng barangay at RHU.
*TANDAAN:* Walang pinipiling edad ang Dengue.
Kung may sintomas, HUWAG magpa-late. Magpatingin agad sa RHU o pinakamalapit na health center.
Maging alerto, maging malinis. Protektahan natin ang ating pamilya at kapitbahay.
Maraming salamat po!
*- Sangguniang Barangay ng San Roque Sagumay