22/09/2026
๐ข๐ก๐ฆ๐ ๐ฆ๐ง๐ข๐ฅ๐ฌ ๐ ๐๐๐ฝ๐ฎ, ๐ฃ๐ฎ๐๐ถ๐, ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป: ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐ฑ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐๐ถ๐ฑ
โNabilin ko nga nag-inusara, naglibog, ug puno sa pangutana, unsaon nako pagbuhi sa akong pito ka anak? Asa ko mangita og kwarta? Unsaon namo pagpadayon?โ
Tila bumagsak ang langit at lupa kay Joseren Caliguid nang biglang pumanaw ang kanyang kabiyak dahil sa cardiac arrest noong Hulyo 6, 2020. Sa isang iglap, naiwan siyang nag-iisa sa Maragusan, Davao de Oro, may dalang labis na hinagpis, pitong anak na kailangang pakainin, at mga utang na kailangang bayaran.
Ngunit sa kabila ng gulat at dalamhati, pinili niyang tumayo at lumaban para sa kanyang pamilya. Hindi naging madali ang simula, ngunit gamit ang kaunting benepisyong nakuha mula sa dating pinagtrabahuhang kompanya at militar ng kanyang asawa, ginawa itong puhunan ni Joseren upang magtayo ng maliit na sari-sari store, mag-alaga ng baboy, at magtanim ng mais.
Madaling-araw pa lamang ay gising na siya upang bumili at magtinda ng kakanin. Kasabay ng kanyang sariling sipag, naging malakas na sandigan din ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) upang matustusan ang pagkain at pag-aaral ng kanyang mga anak.
โIsip usa ka solo parent, dili gyud lalim ang kinabuhi. Ako na ang nanay, ako pa gyud ang tatay. Ang akong mga anak pirmi motawag og โMama,โ ug ako pud naningkamot nga mapunan ang tanang ilang kakulangan. Gitudloan nako sila unsaon pagpaningkamot sa kinabuhi,โ pag-alala ni Joseren sa mga panahong kailangan niyang gampanan ang dalawang papel sa tahanan.
Ngunit ang tunay na lakas ng pamilya Caliguid ay nagmula sa kanilang pambihirang pagkakaisa; hindi pinabayaan ng mga anak si Joseren na mag-isang pasanin ang hirap ng buhay. Ang kanyang panganay ay nagsumikap bilang self-supporting student, habang ang anak niyang si Krhys ay ginamit ang angking talento sa pagguhit upang tumanggap ng mga komisyon sa portrait. Ang iba naman ay hindi nahihiyang magtinda ng ice candy, maruya, at hotcake para lamang magkaroon ng sariling baon at pamasahe. Patunay ito na sa tahanan ng pamilya Caliguid, bawat piso ay pinahahalagahan at bawat sakripisyo ay sama-samang pinagpapaguran.
Sa kabila ng abalang pamumuhay, hindi nakalimot ang pamilya sa pananampalataya at paglilingkod. Nagsilbi si Joseren bilang lector sa simbahan at purok secretary, habang nag-aral din ng basic bookkeeping sa ilalim ng PAMANA SLP kung saan siya ay naging treasurer. Ang kanyang mga anak na babae ay naging mga lector at lilies din sa parokya. Samantala, ang mga aral mula sa Family Development Sessions (FDS) ng 4Ps ay isinabuhay niya sa tamang pagpapalaki ng anak at pagsisinop ng badyet sa tahanan.
Bunga ng walang patid na luha, pawis, at panalangin, dumating din ang tamis ng tagumpay. Ngayon, dalawa sa kanyang mga anak ay ganap nang Licensed Professional Teachers, kung saan ang isa ay team leader na sa isang BPO company sa Davao City. Ang ikatlo ay nakapagtapos sa ALS at tumutulong na sa kanilang negosyo, habang ang iba ay patuloy na nag-aaral nang may matayog na pangarap.
โTungod sa 4Ps, nakat-on ko nga mas pahalagahan ug maayong pagdumala sa kwarta. Gigamit nako ang tabang para sa panginahanglan sa akong mga anak, samtang naningkamot pud ko pinaagi sa negosyo ug panginabuhian aron mas mapalig-on ang among pamilya.โ
Dahil sa kanilang natatanging katatagan, ehemplo ng pagkakaisa, at aktibong pakikilahok sa komunidad, pinalad ang Pamilya Caliguid na hirangin bilang Regional Huwarang Pamilya Representative para sa taong 2026. Ang parangal na ito ay patunay na ang pamilya Caliguid ay hindi lamang tagumpay sa loob ng sariling tahanan, kundi isang ganap na inspirasyon at tanglaw ng pag-asa sa buong rehiyon.
Si Joseren at ang kanyang pamilya ay patunay na ang matinding dusa ay hindi wakas, kundi simula ng mas matatag na pagbangon. Sa tulong ng Poong Maykapal, tiyaga, at nag-uumapaw na pagmamahalan sa pamilya, walang pagsubok na hindi kayang lampasan ng isang nagkakaisang tahanan.
โGusto nako ipaabot nga ang pagiging inahan o ginikanan dili sayon, pero kini usa ka dakong responsibilidad nga dapat atubangon uban sa kaisog ug gugma.โ
๐ข๐ก๐ฆ๐ ๐ฆ๐ง๐ข๐ฅ๐ฌ ๐ ๐๐๐ฝ๐ฎ, ๐ฃ๐ฎ๐๐ถ๐, ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป: ๐๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐ฑ ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ถ๐น๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐๐ถ๐ฑ
โNabilin ko nga nag-inusara, naglibog, ug puno sa pangutana, unsaon nako pagbuhi sa akong pito ka anak? Asa ko mangita og kwarta? Unsaon namo pagpadayon?โ
Tila bumagsak ang langit at lupa kay Joseren Caliguid nang biglang pumanaw ang kanyang kabiyak dahil sa cardiac arrest noong Hulyo 6, 2020. Sa isang iglap, naiwan siyang nag-iisa sa Maragusan, Davao de Oro, may dalang labis na hinagpis, pitong anak na kailangang pakainin, at mga utang na kailangang bayaran.
Ngunit sa kabila ng gulat at dalamhati, pinili niyang tumayo at lumaban para sa kanyang pamilya. Hindi naging madali ang simula, ngunit gamit ang kaunting benepisyong nakuha mula sa dating pinagtrabahuhang kompanya at militar ng kanyang asawa, ginawa itong puhunan ni Joseren upang magtayo ng maliit na sari-sari store, mag-alaga ng baboy, at magtanim ng mais.
Madaling-araw pa lamang ay gising na siya upang bumili at magtinda ng kakanin. Kasabay ng kanyang sariling sipag, naging malakas na sandigan din ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) upang matustusan ang pagkain at pag-aaral ng kanyang mga anak.
โIsip usa ka solo parent, dili gyud lalim ang kinabuhi. Ako na ang nanay, ako pa gyud ang tatay. Ang akong mga anak pirmi motawag og โMama,โ ug ako pud naningkamot nga mapunan ang tanang ilang kakulangan. Gitudloan nako sila unsaon pagpaningkamot sa kinabuhi,โ pag-alala ni Joseren sa mga panahong kailangan niyang gampanan ang dalawang papel sa tahanan.
Ngunit ang tunay na lakas ng pamilya Caliguid ay nagmula sa kanilang pambihirang pagkakaisa; hindi pinabayaan ng mga anak si Joseren na mag-isang pasanin ang hirap ng buhay. Ang kanyang panganay ay nagsumikap bilang self-supporting student, habang ang anak niyang si Krhys ay ginamit ang angking talento sa pagguhit upang tumanggap ng mga komisyon sa portrait. Ang iba naman ay hindi nahihiyang magtinda ng ice candy, maruya, at hotcake para lamang magkaroon ng sariling baon at pamasahe. Patunay ito na sa tahanan ng pamilya Caliguid, bawat piso ay pinahahalagahan at bawat sakripisyo ay sama-samang pinagpapaguran.
Sa kabila ng abalang pamumuhay, hindi nakalimot ang pamilya sa pananampalataya at paglilingkod. Nagsilbi si Joseren bilang lector sa simbahan at purok secretary, habang nag-aral din ng basic bookkeeping sa ilalim ng PAMANA SLP kung saan siya ay naging treasurer. Ang kanyang mga anak na babae ay naging mga lector at lilies din sa parokya. Samantala, ang mga aral mula sa Family Development Sessions (FDS) ng 4Ps ay isinabuhay niya sa tamang pagpapalaki ng anak at pagsisinop ng badyet sa tahanan.
Bunga ng walang patid na luha, pawis, at panalangin, dumating din ang tamis ng tagumpay. Ngayon, dalawa sa kanyang mga anak ay ganap nang Licensed Professional Teachers, kung saan ang isa ay team leader na sa isang BPO company sa Davao City. Ang ikatlo ay nakapagtapos sa ALS at tumutulong na sa kanilang negosyo, habang ang iba ay patuloy na nag-aaral nang may matayog na pangarap.
โTungod sa 4Ps, nakat-on ko nga mas pahalagahan ug maayong pagdumala sa kwarta. Gigamit nako ang tabang para sa panginahanglan sa akong mga anak, samtang naningkamot pud ko pinaagi sa negosyo ug panginabuhian aron mas mapalig-on ang among pamilya.โ
Dahil sa kanilang natatanging katatagan, ehemplo ng pagkakaisa, at aktibong pakikilahok sa komunidad, pinalad ang Pamilya Caliguid na hirangin bilang Huwarang Pamilya ng Davao de Oro para sa taong 2026. Ang parangal na ito ay patunay na ang pamilya Caliguid ay hindi lamang tagumpay sa loob ng sariling tahanan, kundi isang ganap na inspirasyon at tanglaw ng pag-asa sa buong rehiyon.