07/10/2026
𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗧𝗜 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬!🎂
Isang mainit at taos-pusong pagbati sa ating masipag at dedikadong SK Chairperson/ Kagawad, Hon. Gabriel Matthew Lopez, sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan!
Ang iyong sigla, malasakit, at sariwang pananaw ay patuloy na nagbibigay-buhay at direksyon sa ating mga programa—hindi lamang para sa sektor ng kabataan, kundi para sa buong barangay. Nagpapasalamat kami sa iyong maagap na pakikipagtulungan at tapat na paglilingkod bilang bahagi ng aming sanggunian.
Dalangin ng buong pamunuan ng barangay, sa pangunguna ng ating Punong Barangay, mga Kagawad, at mga kawani, ang iyong patuloy na tagumpay, mabuting pangangatawan, at gabay ng Maykapal sa iyong personal na buhay at pamamahala.
Maligayang Kaarawan, Chair Gab! Mabuhay ka!