28/10/2026
MABUHAY ANG LGU NAGTIPUNAN! ISANG TAGUMPAY PARA SA SEKTOR NG AGRIKULTURA!
Ipinagmamalaki ng buong Bayan ng Nagtipunan ang sunud-sunod at makasaysayang pagkilalang iginawad ng Department of Agriculture - Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02) at ATI-RTC 02 nitong ika-27 ng Oktubre 2026 sa Capitol Amphitheater, City of Ilagan, Isabela, sa pagdiriwang ng National Agriculture and Fisheries Extension Services Month Regional Celebration!
Ang ating Lokal na Pamahalaan ng Nagtipunan, sa pamumuno ng ating masipag at butihing Mayor Noel Lim , kasama ang ating masisipag na opisyal at manggagawa sa agrikultura, ay tumanggap ng mga sumusunod na parangal:
LGU Nagtipunan, Quirino
Outstanding Extension Project Implementer (Livestock) para sa proyektong "Development of Agricultural and Livestock Enterprise Projects"
"Accomplishment Mo, Flex Mo" Award para sa makabagong pamamaraan at malikhaing kolaborasyon sa modernisasyon ng agricultural extension.
Hedie Arsenia R. Marquez – Pillar of Agricultural Extension Award (Para sa kanyang huwarang pamumuno at mahigit 41 taon ng tapat na serbisyo)
Jocelyn C. Ackangan – Innovative Agricultural Extension Award para sa proyektong "E-DOMA - Electronic Database of the Municipal Agriculture Office"
Jephunneh Pascual Pascua – Innovative Agricultural Extension Award para sa proyektong "Establishment and Operation of an AA-Accredited Municipal Slaughterhouse"
Jonie Jay Norberte Tungpalan – Outstanding Agricultural Extension Worker
Ang mga tagumpay na ito ay patunay ng ating patuloy na paglilingkod, pagpupunyagi, at malasakit upang iangat ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda tungo sa mas maunlad na komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng tumulong at nagpakita ng dedikasyon para sa agrikultura ng Nagtipunan! Para sa bayan, para sa magsasaka!