21/09/2026
𝐄𝐩𝐢𝐬𝐨𝐝𝐞 𝟑𝟑: 𝐃𝐞𝐧𝐠𝐮𝐞
Bilang ika-tatlumpu't tatlong bahagi ng ating series, tatalakayin natin ang Dengue—isang napapanahong usapin lalo na ngayong tag-ulan.
Alamin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa dengue, kabilang ang mga sintomas, paano ito naipapasa, mga malinh paniniwala at katotohanan, at mga epektibong hakbang upang maiwasan ang pagkalat nito.
Hatid ng Pamahalaang Bayan ng Naguilian ang lingguhang serye ng WASTO at NAPAPANAHONG impormasyon ukol sa kalusugan, mga ordinansa, programa, at serbisyong lokal upang mapanatiling ligtas at maalam ang bawat Proud Naguilianon.
Bakit kailangang abangan?
✔️ Palalawakin ang kaalaman tungkol sa dengue at mga paraan upang ito ay maiwasan.
✔️ Aalamin ang mga mito at katotohanan upang maiwasan ang maling impormasyon.
✔️ Matututuhan ang mga simpleng hakbang tulad ng regular na paglilinis ng paligid at pag-aalis ng mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok.
✔️ Mahihikayat ang bawat pamilya at komunidad na makiisa sa pagpapanatili ng malinis at ligtas na kapaligiran para sa isang malusog na Naguilian.
"Ang pag-iwas sa dengue ay nagsisimula sa malinis na kapaligiran at sama-samang pagkilos. Magkaisa tayo tungo sa isang ligtas, malusog, at dengue-free na Naguilian."