17/08/2026
๐ฆ๐ฎ๐น๐-๐๐ฎ๐น๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ฏ๐ฎ๐๐ถ๐ป. ๐
๐๐ฟ๐ผ๐๐ป๐ฑ ๐ด:๐ฏ๐ฌ ๐๐ , matapos nating pulutin ang mga basura sa dalampasigan at hakutin ang mga ito, tinawag na ang mga nakilahok sa ating clean-up drive upang makakain, makainom, at makapagpahinga.
Sa aming munting salu-salo, labis ang aming pasasalamat dahil marami-rami rin ang nakisalo sa amin matapos makiisa at tumulong sa paglilinis ng dalampasigan.
Isa sa mga naging bahagi ng araw na ito ang mga batang nakatira sa ๐ ๐๐ป๐๐ถ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ. Sa murang edad, nakiisa sila at tumulong sa paglilinis ng kanilang sariling komunidad. Ang mga kabataang katulad nila ang kailangan nating pagtuunan ng pansin, gabayan, at bigyan ng pagkakataong matuto upang balang araw, sila naman ang manguna at magpatuloy sa mga proyektong sinimulan natin.
Nawaโy baunin nila sa kanilang paglaki ang mga aral mula sa araw na iyonโang maging mapagmahal sa ating kapaligiran, makilahok nang walang hinihintay na kapalit, at maging bahagi ng ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐๐น๐๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ.
Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng tumulong sa paghahanda at pamamahagi ng pagkain. Maraming salamat sa mga naglaan ng kanilang oras upang magsandok, mag-abot, at mag-asikaso ng pagkain para sa ating mga volunteers. Ang bawat tulong, maliit man o malaki, ay naging mahalagang bahagi ng matagumpay na araw na ito.
Maraming salamat din sa ๐๐๐๐ง๐ค๐๐+ ๐ฃ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฒ๐ โ ๐ก๐ฎ๐ถ๐ฐ, ๐๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฅ๐ฎ๐บ๐ฑ๐ฎ๐บ ๐ ๐ผ๐๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐, at sa iba pang mga organisasyon, volunteers, residente, at indibidwal na nakiisa at tumulong sa ating clean-up drive.
Sa simpleng pagsasalo-salo matapos ang isang umagang sama-samang pagkilos, nakita natin na ang tunay na bayanihan ay hindi lamang nasusukat sa dami ng nalinis na basura, kundi sa dami ng mga taong handang maglaan ng ๐ผ๐ฟ๐ฎ๐, ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐, ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ para sa isaโt isa at para sa ating komunidad.
๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐ด๐ฎ๐ป, ๐บ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป.
๐
๐๐๐ด๐๐๐ ๐ญ๐ฒ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
๐ธ ๐ง๐ต๐ถ๐ฟ๐ฑ ๐๐ฎ๐๐ฐ๐ต | ๐๐ป๐ด ๐จ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ด๐ผ๐: ๐๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐ ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต ๐๐ผ๐ฎ๐๐๐ฎ๐น ๐๐น๐ฒ๐ฎ๐ป-๐จ๐ฝ