23/04/2026
Maligayang kaarawan, Mayor Leni Robredo! ๐
Isang huwaran ng tapat, inklusibo, at makataong pamumunoโmaraming salamat sa iyong walang sawang paglilingkod sa Naga at sa buong bansa. Patuloy kang nagbibigay inspirasyon sa bawat Pilipino na manindigan para sa tama at maglingkod nang may puso. ๐ต๐ญ
Hangad namin ang iyong mabuting kalusugan at mas marami pang taon ng makabuluhang serbisyo.
09/04/2026
๐ ๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐ช ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐ก๐๐๐ก ๐ต๐ญ
Saludo po sa lahat ng mga Bayaning lumaban upang makamit ang Demokrasyang natatamasa ng kasalukuyang henerasyon. Ngayon, panahon naman na tayo ang lumaban para sa mas maayos, payapa ang magandang kinabukasan ng ating bayan. ๐๐
Always ๐t you๐ฅ Service โจ
09/04/2026
PANGILINAN KABILANG SA PINAKA-PINAGKAKATIWALAANG SENADOR โ PUBLICUS SURVEY
Kabilang si Senador Kiko Pangilinan sa mga may pinakamataas na net favorable rating sa unang quarter ng 2026, ayon sa pinakahuling survey ng Publicus Asia.
Nakakuha si Sen. Kiko ng 50% net favorable rating, patunay ng patuloy na tiwala at suporta ng publiko sa kanyang pamumuno at adbokasiya.
Ipinapakita ng resulta ng survey ang pagkilala ng mamamayan sa kanyang pagsusulong ng mga programang nakatuon sa agrikultura, seguridad sa pagkain, at kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda.
Sa gitna ng ibaโt ibang hamon sa bansa, nananatiling matatag ang paninindigan ni Pangilinan sa pagbibigay ng konkretong solusyon para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga Pilipino.
Ang naturang survey ay isinagawa ng Publicus Asia para sa unang quarter ng 2026.
08/03/2026
Hindi talaga dapat normal yung โjoke langโ o โganun talagaโ kapag binastos ang isang babae.
It is unacceptable to use humor as an excuse to degrade and disrespect women and to justify misogyny and sexism.
Respect for women should be the standard, not something we still have to fight for.
At sa mga sumasabay at ipinagtatanggol pa ang kabastusan: ang bastos ay bastos, ang mali ay mali, kahit ano pang gawin ninyong depensa at palusot.
Maraming salamat, Anne, sa pagtindig at lalong pagpapalakas sa laban ng kababaihan. โ๐ผ
๐ธ https://www.facebook.com/share/p/1AbqVRmQdm/
08/03/2026
PAHAYAG
Partido Liberal ng Pilipinas
Buwan ng Kababaihan 2026
Paminsan-minsan, may mga sandali sa pulitika na naglalantad kung gaano na kababa ang mga pamantayang nakasanayan nating tanggapin.
Sa gitna ng isang pagdinig sa Kongreso tungkol sa isang seryosong usaping konstitusyonal, may mambabatas na piniling gawing halimbawa ang isang malaswang biro tungkol sa isang aktres.
Wala itong naitulong sa argumento. Ipinakita lang nito kung gaano kadaling maging punchline ang kababaihan sa ating pampublikong diskurso.
Sa totoo lang, hindi na bago ang ganitong eksena. Sa mahabang panahon, maraming politiko ang tila naniniwalang ang pagiging bastos ay tanda ng pagiging โrelatable,โ at ang sexist na biro ay bahagi lamang ng ekspresyon ng personalidad.
Ang problema: kapag ang ganitong asal ang ipinapakita sa loob mismo ng Kongreso, hindi lang kababaihan ang minamaliit. Pati ang institusyong kinakatawan nila.
Matagal nang gumagawa ng mas seryosong trabaho ang mga Pilipina kaysa sa mga ibinabato sa kanilang biro. Sila ang namumuno sa komunidad, nagpapatakbo ng negosyo, naglilingkod sa pamahalaan, at nagtataguyod ng pagbabago sa lipunan.
Sa Buwan ng Kababaihan, isang simpleng obserbasyon lamang: Kung nais nating seryosohin ng publiko ang ating mga institusyon, mabuting magsimula sa pagseryoso ng mga nasa loob nito.
At kung may leksiyon man sa nangyaring ito, marahil ito iyon: May mga biro na mas tungkol sa gumawa ng biro kaysa sa naging paksa nito.
26/02/2026
BUHAY ANG EDSA, BUHAY ANG DEMOKRASYA ๐ต๐ญ
Taos pusong pasasalamat sa mga Kabataang Liberal ng Naic, Cavite sa patuloy na pagtindig para sa Bayan.
Sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power, malinaw ang sigaw ng taumbayan, lalo ng Kabataan, "LAKAS NG TAUMBAYAN, 'DI PASISIIL"
Hindi lamang sa EDSA matatapos ang ating pakikibaka, hangga't nariyan ang mga Mapang-abuso sa kapangyarihan, mga tiwaling opisyal, mga Dinastiyang naghahari at nagpapahirap sa bayan, mga naglalapastangan sa karapatang pantao, TULOY ANG LABAN!
MABUHAY ANG DEMOKRASYA
MABUHAY ANG PILIPINAS ๐ต๐ญ
25/01/2026
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ถ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ผ๐ฝ๐ถ๐๐๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐ฑ๐ผ ๐๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐! ๐ต๐ญ๐
Pagpupugay kina Rep. Leila de Lima, Party Chairperson; Atty. Erin Taรฑada, Party President; Cong. Krisel Lagman, Party Executive Vice President; Cong. Alfonso Umali, Party Treasurer; at Atty. Kit Belmonte, Party Secretary-General.
Gumawa ng kasaysayan ang Partido Liberal sa pagkakahalal kay Rep. Leila de Lima bilang kauna-unahang babaeng Chairperson ng partido.
Sa ilalim ng kanilang liderato, isusulong ang ginhawa ng mamamayan, paiigtingin ang husay sa paglilingkod, at ibabalik ang tiwala sa pamamagitan ng pamumunong tapat, may prinsipyo, at may malasakit.
Mabuhay ang Liberal. Hindi pasisiil.
24/01/2026
Pagpupugay sa mga bagong halal na opisyal ng Partido Liberal ng Pilipinas! ๐ต๐ญ
Sa isinasagawang National Executive Council and Officers (NECO) meeting ng Partido Liberal ngayong araw sa Bantayog ng mga Bayani, naihalal na ang mga bagong opisyales ng ating partido:
- Rep. Leila de Lima, Party Chairperson
- Atty. Erin Taรฑada, Party President
- Cong. Krisel Lagman, Party Executive Vice President
- Cong. PA Umali, Party Treasurer
- Atty. Kit Belmonte, Party Secretary-General
Itinalaga rin ng ating NECO si Senador Francis Kiko Pangilinan bilang Party Chair Emeritus.
Mabuhay ang Liberal! Hindi pasisiil! โ๐ป
20/01/2026
๐ ๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐๐-๐ด๐ฌ ๐ง๐๐ข๐ก๐ ๐๐ก๐๐๐๐ฅ๐ฆ๐๐ฅ๐ฌ๐ข, ๐ฃ๐๐ฅ๐ง๐๐๐ข ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฆ! ๐๐ต๐ญ
Walong dekada na mula nang itinatag ang ating partido at marami nang pinagdaanan gaya ng Plaza Miranda bombing noong 1971, pagpaslang kay Senator Ninoy Aquino at iba pang miyembro ng ating partido tulad nina Evelio Javier ng Antique, Jose B. Lingad ng Pampanga, Cesar Climaco ng Zamboanga noong panahon ng diktadura.
Noong tayo ay maupo bilang Pangulo ng partido halos isang dekada ang nakalipas, nagsimula tayong magtanim ng mga โpunla ng pag-asa,โ na ang layunin ay palawigin ang partido sa pamamagitan ng pagtanggap sa ating partido ng mga karaniwang mamamayan o ordinaryong taumbayan. Nais nating maging isang tunay na people's party. Ika nga, a party of and by the people.
Nakita natin ang pwersa ng taumbayan nitong mga nakaraang halalan - tumaya, kumilos, at nanindigan.
We are a part of Philippine history as a party. It is a legacy of public service and dedication to democratic values and principles that transcend decades.
Ngayon, sa gitna ng tumitinding agresyon ng China sa West Philippine Sea at ng malalaking iskandalo ng korapsyon, nananatiling matatag ang Partido Liberal sa laban para sa soberanya at mabuting pamamahala.
๐ฆ๐ฎ ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ด๐ฌ ๐๐ฎ๐ผ๐ป ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ, ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ฏ๐ฎ๐ ๐๐๐ป๐ด๐ผ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป.
๐๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐บ๐ฎ๐ป, ๐๐ฎ๐๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ #๐๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น, ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐๐ถ๐ถ๐น.