25/07/2026
𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦-𝗣𝗨𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜 𝗔𝗧 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 ✨
Mula kay Kap Arturo Merlan at sa buong Sangguniang Barangay Muzon Naic, Cavite, ipinapahayag namin ang aming kagalakan at pagmamalaki kay 𝗙𝗿. 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗲𝘀 𝗔𝗹𝗹𝗲𝗻 𝗠𝗲𝗿𝗹𝗮𝗻 sa kanyang ordinasyon bilang pari.
Isang malaking karangalan para sa ating barangay na magkaroon ng kauna-unahang pari mula sa Barangay Muzon. Ang iyong dedikasyon at pagtugon sa bokasyon ay nagsisilbing inspirasyon sa ating komunidad.
Nawa'y patuloy kang pagpalain at gabayan ng Diyos sa iyong misyon ng paglilingkod sa Simbahan at sa sambayanan.
Taos-pusong pagbati, 𝗙𝗿. 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗲𝘀 𝗔𝗹𝗹𝗲𝗻 𝗠𝗲𝗿𝗹𝗮𝗻!
Ipinagmamalaki ka namin lahat!