Provincial Fisheries Office - Cavite

Provincial Fisheries Office - Cavite

Share

Aquaculture, Capture Fisheries, Aquatic Resources and Post Harvest Fisheries

Photos from BFAR CALABARZON Region's post 22/10/2025
21/10/2025

Congratulation to our Regional Director Sammy A. Malvas!

Warmest congratulations to our very own Regional Director Sammy A. Malvas on his well-deserved appointment as Career Executive Service Officer (CESO) Rank V.

Your leadership and dedication to the fisheries sector is truly inspiring. BFAR CALABARZON family is full of pride.

We are so proud of you RD Sammy Malvas!

25/07/2025

Sharing from Southern Luzon State University Main Campus

“Live not for the applause, but for the purpose. Serve not out of pressure, but out of love and passion. Change not just the system, but also the story. Because the world doesn’t just need more achievers. The world needs more humans—more hearts, more kindness, more empathy, and more hope. And you... you are now ready.”

In his heartfelt address during the 23rd Commencement Exercises of SLSU-JGE Tagkawayan Campus, Dir. Sammy A. Malvas, Regional Director of BFAR-R4A CALABAZON, reminded the graduates that true success is not always measured by medals or titles, but is found in choosing peace over pressure and impact over image. He urged them to serve with compassion, to lead with purpose, and to be the kind of person who becomes someone’s reason not to give up. His message was a powerful call to live with intention and humanity in a world that needs more heart.

Photo & Caption by: April Arianne A. de Leon

23/07/2025

Mula sa Agricultural Credit Policy Council:
𝐍𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐁𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐊𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐎 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐈𝐒𝐃𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐂𝐑𝐈𝐒𝐈𝐍𝐆 𝐎 𝐇𝐀𝐁𝐀𝐆𝐀𝐓?

Kung ikaw ay isang magsasaka o mangingisda na nakatira sa lugar na idineklarang 𝒖𝒏𝒅𝒆𝒓 𝒔𝒕𝒂𝒕𝒆 𝒐𝒇 𝒄𝒂𝒍𝒂𝒎𝒊𝒕𝒚, maaaring makahiram ng kapital mula sa Survival and Recovery (SURE) Assistance Program ng DA-ACPC!

• Hanggang P25,000 na pahiram
• Walang interes
• Walang kolateral
• May one-time 3% service fee
• Babayaran depende sa cash flow ngunit hindi lalagpas sa 3 taon

𝐌𝐀𝐆𝐀𝐆𝐀𝐌𝐈𝐓 𝐒𝐀:
• Production inputs
• Pag-ayos ng gamit sa sakahan/pangisdaan
• Pagbili ng hayop pangkabuhayan

𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀:
• Dapat ay residente ka sa lugar na nasa ilalim ng state of calamity
• Kailangan ay nakarehistro/naka-enroll ka sa RSBSA

Kung interesado, makipag-ugnayan sa City/Municipal Agriculture Office o sa DA-Regional Field Office na sakop ng inyong lugar.
Kung may kasalukuyang utang sa anumang DA-ACPC program at nasa "good standing", maaring magkaroon ng hanggang 1-taong palugit sa pagbabayad. Makipag-ugnayan lamang sa Partner Lending Conduit na nagpahiram sa inyo.

Para sa iba pang katanungan, mag-submit ng ticket sa 𝒉𝒆𝒍𝒑𝒅𝒆𝒔𝒌.𝒂𝒄𝒑𝒄.𝒈𝒐𝒗.𝒑𝒉
Sama sama tayong bumangon!

NASALANTA BA ANG IYONG SAKAHAN O PANGISDAAN NG BAGYONG CRISING O HABAGAT?

Kung ikaw ay isang magsasaka o mangingisda na nakatira sa lugar na idineklarang 𝑢𝑛𝑑𝑒𝑟 𝑠𝑡𝑎𝑡𝑒 𝑜𝑓 𝑐𝑎𝑙𝑎𝑚𝑖𝑡𝑦, maaaring makahiram ng kapital mula sa Survival and Recovery (SURE) Assistance Program ng DA-ACPC!

• Hanggang P25,000 na pahiram
• Walang interes
• Walang kolateral
• May one-time 3% service fee
• Babayaran depende sa cash flow ngunit hindi lalagpas sa 3 taon

Magagamit sa:

• Production inputs
• Pag-ayos ng gamit sa sakahan/pangisdaan
• Pagbili ng hayop pangkabuhayan

Paalala:

• Dapat ay residente ka sa lugar na nasa ilalim ng state of calamity
• Kailangan ay nakarehistro/naka-enroll ka sa RSBSA

Kung interesado, makipag-ugnayan sa City/Municipal Agriculture Office o sa DA-Regional Field Office na sakop ng inyong lugar.

Kung may kasalukuyang utang sa anumang DA-ACPC program at nasa "good standing", maaring magkaroon ng hanggang 1-taong palugit sa pagbabayad. Makipag-ugnayan lamang sa Partner Lending Conduit na nagpahiram sa inyo.

Para sa iba pang katanungan, mag-submit ng ticket sa ℎ𝑒𝑙𝑝𝑑𝑒𝑠𝑘.𝑎𝑐𝑝𝑐.𝑔𝑜𝑣.𝑝ℎ

Sama sama tayong bumangon!

Photos from Provincial Fisheries Office - Cavite's post 22/07/2025

Laurel, Batangas – Hulyo 22, 2025 — Sa gitna ng mga kumakalat na espekulasyon sa social media na may kaugnayan sa mga nawawalang sabungeros at umano’y kontaminasyon ng Lawa ng Taal, nanindigan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region IV-A CALABARZON na ligtas kainin ang mga isda mula sa nasabing lawa.

Bilang pagpapakita ng tiwala sa kalidad at kaligtasan ng isdang lokal, nagsagawa ang BFAR CALABARZON ng isang boodle fight ngayong araw sa bayan ng Laurel, Batangas. Tampok sa kainan ang mga pangunahing isdang mula sa Taal Lake tulad ng Tawilis, Tilapia, at Bangus, upang ipabatid sa publiko na walang dapat ikabahala sa kanilang kaligtasan.

Ayon kay Regional Director Sammy Malvas, walang siyentipikong ebidensiyang magpapatunay na kontaminado ang lawa. Aniya, "Ang Tawilis ay planktivore at hindi kumakain ng nabubulok na laman. Ang Tilapia at Bangus ay pinalalaki sa mga palaisdaang may kontroladong pasilidad at pinapakain ng commercial feeds, habang ang Maliputo naman ay kumakain lamang ng buhay na huli."

Dahil sa mga haka-haka na diumano’y may itinapong labi ng tao sa lawa, bumaba ang demand at presyo sa mga produktong isda galing sa lawa ng taal at labis na naapektuhan ang kabuhayan ng mga mangingisda.
Sinuportahan ng Gobernadora ng Batangas, Hon. Vilma Santos-Recto, at ng labindalawang (12) alkalde sa paligid ng lawa ang paninindigan ng BFAR. Bilang pagtugon sa kinakaharap na isyu at suportahang maibalik ang hanap buhay ng mga mangingisda pinahayag ni Gobernador Vilma Santos-Recto:
"Sama-sama po nating pagtutulungan yan para ito ay malagpasan at matulungan ang mga Batangueño na biktima ng (issue sa) Taal Lake. At sa ating mga fisherfolks, hindi kami titigil hanggat kayo ay makabawi sa inyong hanap buhay".

Panawagan sa Publiko: Hinihimok ng BFAR CALABARZON ang publiko na maging mapanuri sa mga impormasyong kumakalat at patuloy na tangkilikin ang lokal na isda mula sa Taal Lake—na sariwa at safe na safe kainin ang mga ito.

20/07/2025

Mula sa ABS-CBN News

Naantala ang search and retrieval operation sa mga nawawalang sabungero sa Taal Lake dahil sa masamang panahon.

Pinag-aaralan naman kung magdedeklara ng state of calamity sa ilang bayan sa Batangas matapos humina ang bentahan ng isda mula nang pumutok ang balitang sa lawa itinapon ang bangkay ng mga biktima.

Photos from BFAR Philippines's post 17/07/2025

Sharing from BFAR Philippines

𝐌𝐢𝐝𝐲𝐞𝐚𝐫 𝐏𝐞𝐫𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐑𝐞𝐯𝐢𝐞𝐰 𝐚𝐧𝐝 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐅𝐘 𝟐𝟎𝟐𝟓, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐃𝐀-𝐁𝐅𝐀𝐑

Upang suriin ang kasalukuyang kalagayan ng mga programa at matiyak ang maagap na pagpapatupad ng mga ito, isinagawa ng Department of Agriculture–Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR), sa pangunguna ng Fisheries Planning and Economics Division (FPED), ang Financial Year (FY) 2025 Midyear Performance Review and Assessment nitong Hulyo 15-17, 2025 sa Quezon City.

Dinaluhan ang aktibidad na ito ng regional directors, division chiefs at unit heads mula sa BFAR Central Office, mga planning officer, budget officer, at action officer mula sa iba’t ibang rehiyon, at mga pinuno ng mga National Technology Center.

Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni BFAR Director Elizer S. Salilig ang kahalagahan ng maagap na pagtugon ng ahensiya:

“If we find areas where we are falling short or encountering delays, now is the time to act decisively. Let’s identify the gaps and formulate catch-up plans to ensure we meet our year-end targets. We are already halfway through 2025, and the next few months will be critical in determining our overall success.”

(Kung may mga bahagi mang kinukulang o naantala, ngayon ang panahon upang kumilos nang may buong determinasyon. Tukuyin natin ang mga puwang at bumalangkas ng mga plano ng pag-agapay upang matiyak ang pagtatamo ng mga layunin natin para sa katapusan ng taon. Nasa kalagitnaan na tayo ng 2025—mahalaga ang mga susunod na buwan sa pagtukoy ng kabuuang tagumpay natin.)

Sinuri ng mga kawani ang mga phsyical at financial accomplishment ng Kawanihan para sa unang bahagi ng FY 2025, tulad ng pamamahagi ng mga kagamitang pangisda, produksiyon at distribusyon ng broodstock at fingerlings, at pagsusuri ng fishery reserves, refure, at sanctuaries.

Tampok din ang mga kuwento ng tagumpay ng mga benepisyaryo, best practices, at mga hamon na kinaharap ng sektor. Gayundin, tinalakay sa pagpupulong ang mga hakbang upang tiyaking matutupad ng Kawanihan ang mga layunin sa ikalawang bahagi ng taon.

Ang pagtitipon ay patunay ng patuloy na kolaborasyon at pagpupunyagi ng buong Kawanihan para maghatid ng epektibo at makabuluhang serbisyo para sa sektor ng pangisdaan.

14/07/2025

Mula sa Department of Agriculture - Philippines

Ang National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI Philippines), isang ahensiya sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) at siyang pangunahing research arm ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR Philippines), ay nagsimula ng isang makasaysayang inisyatibo para paramihin ang Bali sardinella (Sardinella lemuru) o mas kilala sa tawag na "tamban" sa loob ng hatchery, isang unang hakbang sa kasaysayan ng pananaliksik sa pangisdaan sa Pilipinas.

Photos from Provincial Fisheries Office - Cavite's post 14/07/2025

WE ARE HIRING!!!

The Department of Agriculture—Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 4A’s Philippine Fisheries and Coastal Resiliency, or FishCoRe Project, is seeking for one (1) M&E (Monitoring and Evaluation) Support Staff and one (1) Technical Support Staff.

Interested and qualified applicants should signify their interest in writing. Please attach the following documents to the application letter and send them to the address below.

14/07/2025

Ang opisyal na page ng BFAR CALABARZON Region ay pansamantalang suspendido. Sa ngayon, mangyaring i-follow ang Provincial Fisheries Office - Cavite page para sa lahat ng updates, anunsyo, at mahahalagang impormasyon tungkol sa sektor ng pangisdaan sa CALABARZON.

Nananatiling nakatuon ang BFAR CALABARZON sa pagbibigay ng tama at napapanahong impormasyon.

Para sa mga katanungan at iba pang concerns, maaari ninyo kaming kontakin sa

Email: [email protected] [email protected]

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at patuloy na suporta!

Want your business to be the top-listed Government Service in Naic?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address

CvSU Naic Compound, Bukana Malaki
Naic
4110

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm