Sangguniang Barangay Mabulo Naic Cavite

Sangguniang Barangay Mabulo Naic Cavite

Share

BE KIND AND SPREAD LOVE !!!

29/05/2026

Magandang Hapon po mga kabarangay,

sa lahat po ng kukuha ng Certificates sa barangay, siguraduhin pong kumpleto ang mga documento para po di na magpabalik-balik.

NORMAL TRANSACTIONS:
✅ID
✅Siguraduhing nakaRecord sa RBI

PARA SA BOAT OWNER:
✅UPDATED Picture ng Barahan ng banca
✅Rehistro ng banca
✅List of Boat Crew & Boat Pilot
✅Old Cedula
✅FISHERFOLK ID

PARA SA BOAT CREW:
✅FISHERFOLK ID
✅Rehistro ng banca

BUSINESS PERMIT APPLICATION:
✅DTI

PARA SA 4P’s:
✅4P’s ID

PARA SA PWD:
✅PWD ID

etc...

👍 Like • Follow • Share
Sama-sama po nating suportahan ang ating Barangay para sa mas maayos at mas maunlad na komunidad.

Maraming salamat po! 💙😊

29/05/2026

Magandang Araw po, sa lahat po ng nagpalista para sa Scholar may pagpupulong po tayo.
kung sino man po ang hindi makakaattend sa meeting ay hindi na po kayo maisasama.

Ngayon po paguusapan ang tungkol dito. paano po kayo maiinform kung di naman po makakadalo.
Magulang o Estudyante o pwede both umattend.

Maghihintay po hanggang 10:30am ngayong araw.
salamat po!

28/05/2026

Magandang Gabi po mga kababaryo,

sa lahat po ng incoming 4th yr na nagpalista sa ating barangay. inaanyayahan po kayo kasama ng inyong magulang o guardian bukas sa ating barangay. 10am po.
Bukas po ay ipapaliwanag ang tungkol sa PBBM scholarship.

Maraming salamat po.

PS. ang ibinaba po ay para lamang sa INCOMING 4th yr college.
paklike, share and comment po para makita ng ating mga kababaryo.
P**i 👍🏻 na din po ang ating page. para maging aware po tayo sa mga nangyayari sa ating barangay.

26/05/2026

Magandang Araw po mga kabarangay,

Para sa mga may anak na incoming 4th year college, Magpunta po kayo sa ating opisina sa barangay upang magpalista.

Kailangang kayo ay residente at registered voter's ng barangay upang mapasama sa Scholarship na handog ni PBBM.

Magdala ng photocopy ng registration form o mga dokumento na magpapatunay na kayo ay incoming 4th yr college ngayong taon. (2026-2027)

Hanggang May 29, 2026 lamang po ang pasahan at magkakaroon na din po ng pagpupulong regarding dito.

Maraming salamat po!

Huwag po kalimutang maglike, magcomment at magshare para po mabasa po ng ating kababaryo. 😊
p**i 👍🏻 na din po ang ating page para updated sa mga nangyayari sa ating barangay.

22/05/2026

LOST & FOUND!

Magandang araw po, kung sino man po nakakakilala kay Mr. NESTOR DANDIN VITALES, ang kaniyang wallet na naglalaman ng National ID, Driver's license, OR/CR at kung ano pang importanteng dokyumento ay nakita ni MR. ALONG UNAWA sa Bayan.
Magpunta na lang po dito sa barangay para makuha ang nasabing wallet.

Maraming salamat po sa ating Good Samaritan, nawa'y tularan ka ng lahat. Godbless!

20/05/2026

PABATID!

Pagsasagawa ng Waste Segregation at Maayos na pagtatapon ng Matalim at Delikadong Basura.

MAGANDANG ARAW PO SA ATING LAHAT!

Ang Pamahalaang Barangay ay nagpapaalala sa lahat ng residente na ugaliin ang tamang paghihiwalay ng basura o waste segregation upang mapanatili ang kalinisan at kaligtasan ng ating komunidad.

Pinapayuhan din ang lahat na maging maingat sa pagtatapon ng mga matatalim at delikadong basura tulad ng bubog, karayom, blade, sirang lata, baterya, mga kemikal at ibang pang basura na maaaring makasugat o makasakit sa tao. Siguraduhing ang mga ito ay nakabalot at nakalagay sa maayos na lalagyan bago itapon upang maiwasan ang aksidente at pinsala.

Makipagtulungan po tayo para sa mas malinis, ligtas, at maayos na barangay.
Ilagay po natin sa isip, na mga TAO po ang nagbubuhat at nagsasaayos ng ating mga basura. Isaalang -alang pa din po natin ang kanilang SAFETY.

Maraming salamat po!

17/05/2026

𝗣𝗔𝗕𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢

Ipinababatid po sa lahat na pansamantalang 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗗𝗜𝗗𝗢 ang pagproseso at pag-isyu ng Voter’s Certificate sa Lunes, 18 May 2026, sa mga Opisina ng Election Officer (OEOs) sa buong bansa upang bigyang-daan ang huling araw ng voter registration. Magbabalik ang regular na operasyon sa mga OEO sa 19 May 2026.

Gayunpaman, 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 ng suspensyong ito ang pagproseso at pag-isyu ng Voter’s Certificate sa COMELEC National Central File Division, FEMII Building, Extension Cabildo St., Intramuros, Manila. Mananatili itong bukas sa publiko sa Lunes, 18 May 2026, mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM.




17/05/2026

MAGANDANG ARAW PO!

bukas(May 18, 2026) na po ang pinakahuling araw ng pagpaparehistro sa COMELEC. kung sino man po ang nais na magparehistro, magpunta na po kayo ng Waltermart bukas hanggang 3pm lang po sila.
at bukas(May 18, 2026) po ay cancel po muna ang pagdistribute ng Voters Certificate at magresume po ito ng May 19, 2026, tuesday sa Waltermart.

ano pang hinihintay niyo, parehistro na po kayo 😊

Maraming salamat po!

15/05/2026

PAUNAWA: NO PARKING

Alinsunod sa Barangay Ordinance No. 2. Series of 2024 ng ating komunidad, IPINAGBABAWAL NA ANG PAGPARADA ng anumang uri ng sasakyan sa loob at paligid ng basketball court sa aplaya upang hindi makaabala sa mga gustong maglaro.

Layunin nito na mapanatili ang kaligtasan ng mga gumagamit ng pasilidad at matiyak na laging handa ang lugar para sa mga nakatakdang aktibidad at emergency.

Paalala lang po na ang ating court ay para lamang sa mga sports activities at community events.

P**isabihan din po ang ating mga bisita. Panatilihin nating maayos at malinis ang ating court para sa lahat!

Ang anumang sasakyang lalabag ay maaaring i-report sa ating barangay upang patawan ng multa.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon.

Want your business to be the top-listed Government Service in Naic?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Tanigue Street , Mabulo Naic Cavite
Naic
4110