Konsehal John Carlo Maldonado

Directions

Konsehal John Carlo Maldonado Official page of Municipal Councilor John Carlo Maldonado of Magallanes, Cavite

Pakikiisa sa Barangay Assembly Day ng Poblacion 3 at Poblacion 5 🤝💙Isang karangalan ang makadalo at makiisa sa Barangay ...
29/10/2026

Pakikiisa sa Barangay Assembly Day ng Poblacion 3 at Poblacion 5 🤝💙

Isang karangalan ang makadalo at makiisa sa Barangay Assembly Day ng Barangay Poblacion 3 at Barangay Poblacion 5. Maraming salamat sa ating mga opisyal ng barangay at sa bawat Magalleñong patuloy na nakikilahok para sa ikauunlad ng kani-kanilang komunidad.

Bilang inyong lingkod, patuloy tayong makikinig, makikiisa, at susuporta sa mga programang naglalayong mapabuti ang kapakanan ng bawat mamamayan. Sama-sama nating itaguyod ang mas maunlad na Magallanes! 💙

💙🙏 Isang Pusong Nagpapasalamat sa Mahal na Birheng De Guia 🙏💙📅 October 28, 2026Mula po sa kaibuturan ng aming puso, mara...
29/10/2026

💙🙏 Isang Pusong Nagpapasalamat sa Mahal na Birheng De Guia 🙏💙

📅 October 28, 2026

Mula po sa kaibuturan ng aming puso, maraming salamat, Mahal na Birheng Nuestra Señora de Guia, sa pagdalaw Mo sa aming tahanan. Isang napakalaking biyaya at karangalan ang matanggap Ka namin sa aming munting tahanan. Hindi man sapat ang mga salita upang ipahayag ang aking kagalakan at pasasalamat, batid kong isang natatanging biyaya ang araw na ito para sa akin at sa aking pamilya. ❤️

Salamat po sa Iyong mapagmahal na presensya at sa paalalang sa bawat yugto ng aming buhay ay may Ina kaming maaaring takbuhan sa panalangin. Dalangin ko po na patuloy Mo kaming gabayan, ilapit sa Panginoon, at ingatan ang aming pamilya sa lahat ng oras.🙏💙


27/10/2026

Isang Pananampalataya, Isang Debosyon. 🙏💙

Noong October 25, 2026, nakiisa tayo sa Marian Procession sa Maragondon, Cavite, kasama ang Mahal na Birheng De Guia ng Magallanes at ang mga kapwa natin mananampalataya na patuloy na nagpapahayag ng pagmamahal at debosyon sa Mahal na Ina.

Nawa’y patuloy tayong gabayan ng Mahal na Birhen at pagkalooban ng biyaya, kapayapaan, at pagkakaisa ang ating mga pamilya at ang buong bayan.

Viva la Virgen de Guia! 🙏💙

🎃👻 SPOOKY SIPS ARE HERE AT Kaloy's Cafe - Magallanes! 🇯🇵☕This Halloween, treat yourself to something spooky and deliciou...
27/10/2026

🎃👻 SPOOKY SIPS ARE HERE AT Kaloy's Cafe - Magallanes! 🇯🇵☕

This Halloween, treat yourself to something spooky and delicious! 🧛‍♂️🍵🍊

Meet our 3 LIMITED HALLOWEEN DRINKS:
🩸 Vampire Latte – ₱170
🍵 Grumpy Matcha – ₱150
🌅 Americano Sunrise – ₱100

Available for a LIMITED TIME ONLY from October 27 to November 8, 2026! 🎃

Japanese-inspired vibes, spooky feels, and refreshing flavors await you. 🏮🌸 Bring your friends, chill, and experience something different here at Kaloy’s!

📍 Sampaguita St., Urdaneta, Magallanes, Cavite
🕙 Open daily, 10 AM – 10 PM

Three spooky drinks. One unforgettable Halloween experience. 👻🖤

✨ Tuesday Motivation 💙💛“Hindi kailangang malayo agad ang marating mo. Ang mahalaga, sa bawat araw ay may hakbang kang gi...
27/10/2026

✨ Tuesday Motivation 💙💛

“Hindi kailangang malayo agad ang marating mo. Ang mahalaga, sa bawat araw ay may hakbang kang ginagawa patungo sa pangarap mo. Dahan-dahan man, basta’t tuloy-tuloy, makakarating ka rin.”

Simulan ang araw nang may positibong pananaw, pusong matatag, at pananalig na may magandang bunga ang bawat pagsisikap. Happy Tuesday, mga ka-Magalleño! 🙏💪

Barangay Assembly Day | Bendita 1 🤝💙Noong October 18, nakasama natin ang ating mga kabarangay sa Bendita 1 para sa kanil...
26/10/2026

Barangay Assembly Day | Bendita 1 🤝💙

Noong October 18, nakasama natin ang ating mga kabarangay sa Bendita 1 para sa kanilang Barangay Assembly Day.

Bilang inyong lingkod, mahalaga sa akin ang makiisa at magpahayag ng suporta sa mga ganitong gawain na nagbibigay ng pagkakataon sa ating mga kabarangay na magbahagi ng kanilang mga saloobin, pangangailangan, at suhestiyon para sa ikabubuti ng kanilang komunidad.

Maraming salamat sa pamunuan ng Barangay Bendita 1 sa pangunguna sa gawaing ito. Patuloy tayong magtulungan at magkaisa para sa ikauunlad ng ating barangay at buong Magallanes! 💙💛

26/10/2026

43rd Regular Session & Budget Hearing 🏛️

Nagsagawa tayo ng ika-43 Regular Session ng Sangguniang Bayan upang talakayin ang ilang mahahalagang usapin para sa ating bayan, na sinundan ng Budget Hearing para sa panukalang budget ng Municipal Health Office.

Patuloy ang ating pakikibahagi sa mga talakayan at pagsusuri upang matiyak na nabibigyang-pansin ang mga pangangailangan ng ating komunidad, lalo na sa serbisyong pangkalusugan. 🤝

25/10/2026

BARANGAY ASSEMBLY DAY | OCTOBER 18, 2026 | PART 1💙💛

Maraming salamat sa ating mga kababayan sa Barangay Poblacion 1 sa mainit na pagtanggap! ❤️

Patuloy tayong makiisa, makinig, at magtulungan para sa ikauunlad ng ating barangay. Naniniwala tayo na sa sama-samang pagkilos at pagkakaisa, mas marami tayong magagawa para sa ating komunidad.

Muli, maraming salamat sa pagkakataong makasama kayo. Nawa’y patuloy ang ating magandang samahan at pakikiisa para sa ikabubuti ng bawat Magalleño!💙💛

Abangan ang Part 2 ng video na ito, Barangay Assembly Day naman sa Barangay Bendita 1.☺️

BARANGAY ASSEMBLY DAY | POBLACION 1 💙💛Maraming salamat sa ating mga kababayan sa Barangay Poblacion 1 sa mainit na pagta...
24/10/2026

BARANGAY ASSEMBLY DAY | POBLACION 1 💙💛

Maraming salamat sa ating mga kababayan sa Barangay Poblacion 1 sa mainit na pagtanggap! ❤️

Patuloy tayong makiisa, makinig, at magtulungan para sa ikauunlad ng ating barangay. Naniniwala tayo na sa sama-samang pagkilos at pagkakaisa, mas marami tayong magagawa para sa ating komunidad.

Muli, maraming salamat sa pagkakataong makasama kayo. Nawa’y patuloy ang ating magandang samahan at pakikiisa para sa ikabubuti ng bawat Magalleño!💙💛

Address

Naic

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Konsehal John Carlo Maldonado posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share