2025 Committee de Festejos of Bucana Malaki, Naic, Cavite

2025 Committee de Festejos of Bucana Malaki, Naic, Cavite

Share

⭐️SANGGUNIANG BARANGAY OFFICIALS⭐️

This is the Official page for the events and updates for 2025 Fiesta of Brgy. Bucana Malaki, Naic, Cavite.

Photos from 2025 Committee de Festejos of Bucana Malaki, Naic, Cavite's post 10/11/2025

𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐝𝐞 𝐅𝐞𝐬𝐭𝐞𝐣𝐨𝐬 : 𝐅𝐢𝐧𝐚𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭

Narito na po ang pampublikong paglalatag ng mga datos at impormasyon ukol sa kabuuang koleksyon ng pondo at detalyadong talaan ng mga gastos na nagamit para sa matagumpay na pagdiriwang.🤩💚

Lubos din ang pasasalamat sa lahat nang nagbigay ng donasyon at nagkaroon ng kontribusyon upang maisakatuparan ang lahat ng ating aktibidad.🫡👏🏻 Ang inyong bukas-palad na suporta, pagmamahal at pagtitiwala ay susi sa tagumpay ng ating selebrasyon.🥹💛😇

Muli, MARAMING-MARAMING SALAMAT po sa inyong lahat. Inaasahan natin na patuloy maisagawa ang ganitong uri ng bayanihan at kasiyahan sa mga susunod pang kapistahan ng baryo.🎡✨ Mabuhay po tayong lahat!🫶🏻

Kung mayroon po tayong mga katanungan, maaari po tayong makipag-ugnayan sa mga Opisyales ng Barangay Bucana Malaki.☺️🫱🏻‍🫲🏼

Photos from 2025 Committee de Festejos of Bucana Malaki, Naic, Cavite's post 21/10/2025

𝐂𝐚𝐥𝐞𝐧𝐝𝐚𝐫 𝐨𝐟 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬

Abangan at halina't saksihan ang bawat kaganapan o kasiyahan na ating mararanasan.😍✨

Iba't-ibang indibidwal at mga pangkat na naman ang ating makikilala. At sa pagkakataong ito, hindi lamang natin naipagdiwang ang Kapistahan sapagkat nakatitiyak tayong may magandang ala-ala ang maiiwan.🤩

Nawa'y sama-sama natin maidaos ang kaarawan ni Tata Paeng ng may kapayapaan ang bawat puso't isipan.🥳🫶🏻

Photos from 2025 Committee de Festejos of Bucana Malaki, Naic, Cavite's post 14/10/2025

𝐀𝐥𝐚𝐲 𝐊𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐭𝐚 𝐏𝐚𝐞𝐧𝐠

Oktubre 14, 2025 - Martes

Unti-unti nang nagkakaroon ng buhay ang mga plano para sa nalalapit na kapistahan sa ating baryo.🤩🥳 Bucaneers, handa na ba kayo?🧐

Ibalik natin ang saya sa taunang selebrasyon at ipanalangin ang pakikisama ng magandang panahon.💚✨

Photos from 2025 Committee de Festejos of Bucana Malaki, Naic, Cavite's post 07/10/2025

𝐀𝐥𝐚𝐲 𝐊𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐭𝐚 𝐏𝐚𝐞𝐧𝐠

Oktubre 08, 2025 - Miyerkules

Habang nalalapit na ang kapistahan ng ating baryo ay patuloy na nakatatanggap ng iba't-ibang pagmamahal at suporta ang ating mga Committee de Festejos.💚✨💛

Sa kabila ng mga nagdaang isyung pinansiyal ay nandiyan kayo, hindi kami iniwan at inalisan ng tiwala para mamahala.🙋🏻‍♂️ Makakaasa kayong, ang bawat halaga ng centavo ay maipapaskil ng may kaakibat na resibo upang magsilbing patunay sa bawat transaksyon na magdadaan.😊🫶🏻

Photos from 2025 Committee de Festejos of Bucana Malaki, Naic, Cavite's post 04/10/2025

𝐀𝐥𝐚𝐲 𝐊𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐭𝐚 𝐏𝐚𝐞𝐧𝐠

Oktubre 04, 2025 - Sabado

Sa pagpasok ng Oktubre ay may baon itong tuloy-tuloy na pagpapala.🤩 Hindi pa rin mapigilan ang tiwala at pagmamahal ng mga indibidwal na kailanman ay 'di sapilitang nilapit upang magpaabot ng donasyon para kay Tata Paeng!🥳💚

Dalangin ang ligtas at payapang mga araw para sa bawat isa. Nang sagayon ay sama-sama nating mapaghandaan at maipagdiwang ang nalalapit na Kapistahan.🙏🏻🫡 Para sa'yo ang lahat ng ito, Tata Paeng.🫶🏻

Photos from 2025 Committee de Festejos of Bucana Malaki, Naic, Cavite's post 23/09/2025

𝐀𝐥𝐚𝐲 𝐊𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐭𝐚 𝐏𝐚𝐞𝐧𝐠

Setyembre 23, 2025 - Martes

Kasabay ng malakas na hangin at ulan, patuloy din ang buhos ng biyaya para sa nalalapit na Kapistahan ng ating baryo.🤩 Tunay nga na hindi tayo pababayaan ni Tata Paeng at ng ating Poong Maykapal.😇☝🏻

Muli, nagpapasalamat ang mga itinalagang Committee de Festejos ngayong taon dahil sa mga tulong na dumating at darating pa.🤗🥳 Ipinapangako ng inyong mga lingkod na pananatilihin ang pagiging tapat at maging ang aktibong pagpapaskil ng bawat galaw ng mga nakokolektang donasyon.😊

Photos from 2025 Committee de Festejos of Bucana Malaki, Naic, Cavite's post 13/09/2025

𝐀𝐥𝐚𝐲 𝐊𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐭𝐚 𝐏𝐚𝐞𝐧𝐠

Setyembre 13, 2025 - Sabado

Ayon sa nasimulan na pagtanggap ng mga donasyon para sa nalalapit na kapistahan, narito ang opisyal na tala ng mga taong patuloy na nagpapakita at nagbibigay ng suporta para sa mas masining na pagdiriwang ng kaarawan ni Tata Paeng.💚

Ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ang mga itinalagang Committee de Festejos ngayong taon dahil sa mga tulong na dumating at darating pa.🤗🥳 Ipinapangako ng inyong mga lingkod na pananatilihin ang pagiging tapat at maging ang aktibong pagpapaskil ng bawat galaw ng mga nakokolektang donasyon.😊

Photos from 2025 Committee de Festejos of Bucana Malaki, Naic, Cavite's post 15/08/2025

𝐅𝐢𝐞𝐬𝐭𝐚 𝐁𝐢𝐧𝐠𝐨 𝐁𝐨𝐧𝐚𝐧𝐳𝐚

Aprubado na!🥳 Kaya naman ano pang hinihintay ninyo? Bumili na agad ng Bingo Card, makisaya at manalo ng iba't-ibang uri ng papremyo.🤗💛

Ang bingo card ay nagkakahalaga ng ₱50.00 isa na maaari ninyong magamit hanggang makasampung (10) laban. At ito'y mabibili ninyo lamang sa ating mga Barangay Officials (2025 Committee de Festejos).

Magkita-kita tayo sa Bucana Malaki, Covered Court ngayong Agosto 30, 2025, Sabado, sa ganap na ala una ng hapon para sa unang laban.🙌🏻

PAALALA:
📌Ito po ay para lamang sa mga indibidwal na may edad labingwalo (18) pataas.
📌Ang Fiesta Bingo Bonanza na ito ay isasagawa ng isang beses sa isang buwan upang makalikom ng mga panggastos para sa nalalapit na kaarawan ni Tata Paeng.
📌Maaari rin bumili ang mga manlalaro mula sa ibang barangay.

05/08/2025

𝐅𝐢𝐞𝐬𝐭𝐚 𝐑𝐚𝐟𝐟𝐥𝐞 𝐚𝐥𝐚𝐲 𝐊𝐚𝐲 𝐓𝐚𝐭𝐚 𝐏𝐚𝐞𝐧𝐠

Simula na po ang pagbebenta ng ating Fiesta Raffle Ticket mga Kababaryo.🤗💚

❓Kanino maaaring bumili ng raffle ticket?
✅Sa ating mga 2025 Committee de Festejos o Barangay Officials

❓Magkano ang isang raffle ticket?
✅₱30.00

❓Kailan ang laban ng mga biniling raffle ticket?
✅October 22, 2025 | 1:00pm

❓Saan ang laban ng mga biniling raffle ticket?
✅Barangay Covered Court at Facebook Live

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng hakbang sa paghahanda para sa mga ilalatag na aktibidad at kaganapan ngayong nalalapit na Kapistahan.

Ano pa ang hinihintay ninyo? Ipareserba na ang bilang ng raffle ticket ninyo at abangan ang nakatakdang panahon para sa inyong kapalaran.😍🫶🏻

03/08/2025

𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐝𝐞 𝐅𝐞𝐬𝐭𝐞𝐣𝐨𝐬 2025 | 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞𝐫𝐬

𝐏𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓:
Hon. Cesar Sarabillo

𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐏𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐄𝐍𝐓:
Hon. Ranier Maraan

𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐀𝐑𝐘:
Ms. Sarah Jane Pugay

𝐓𝐑𝐄𝐀𝐒𝐔𝐑𝐄𝐑:
Hon. Marie Claire Arcega

𝐀𝐔𝐃𝐈𝐓𝐎𝐑:
Hon. Manny Llamado

𝐏.𝐈.𝐎.:
Hon. John Michael Salud

𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐄𝐑:
Hon. Noel Muelle

Bucaneers, handa na ang mga bagong Opisyales na mamamahala sa ating nalalapit na Kapistahan.😊🥳

Ipinapangako rin ng Committee de Festejos 2025 ang bukal sa pusong pagta-trabaho, tapat at epektibong pagpaplano para sa kapakanan at kasiyahan ng ating mga kababaryo.

Ang inyong pakikiisa at pakikilahok ay isang malaking kontribusyon para sa mas masayang selebrasyon ng ating Kapistahan.💚

Want your business to be the top-listed Government Service in Naic?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Bucana Malaki
Naic
4110