15/08/2026
BARANGAY NAPINDAN PUBLIC ADVISORY: SAFETY ALERT] π’β οΈ
Mga ka-Barangay, isang mahalagang paalala para sa kaligtasan ng ating komunidad.
Huwag po nating balewalain ang mga nag-iispark na poste ng kuryente, transformer, o mga nakalaylay na linya sa ating mga kalye. Ang ganitong mga sitwasyon ay maaaring magdulot ng sunog o malubhang aksidente.
Kung may mapansin na nag-iispark na poste sa inyong lugar, iulat agad ito sa mga sumusunod na emergency hotlines o gamit ang Meralco App:
π± MERALCO MOBILE APP (Pinakamabilis mag-report gamit ang Smartphone):
I-download ang Meralco Mobile App sa Google Play Store (Android) o App Store (Apple).
Sa app, maaari mong i-pin ang eksaktong lokasyon ng poste at mag-upload ng litrato ng nag-iispark na linya para sa mas mabilis na pagresponde.
β‘ MERALCO HOTLINES & DIGITAL CHANNELS:
24/7 Hotline: Tawagan ang 16211 (landline o mobile)
Smart SMS (Text-Only): 0920-971-6211
Globe SMS (Text-Only): 0917-551-6211
Facebook Messenger: m.me/meralco
π¨ BARANGAY NAPINDAN HOTLINES (Para sa Agarang Pagresponde sa Lugar):
Emergency Response Team (ERT) Para sa mga medikal, aksidente, o banta ng sunog) at Barangay Security Force (BSF) Para sa seguridad at kaayusan
0928-468-8157
Barangay Hall Landline: (02) 8253-5606
π TAGUIG CITY EMERGENCY HOTLINES:
Taguig Command Center: (02) 8789-3200
Taguig Rescue: 0919-070-3112 / 0917-550-3777
Taguig Fire Station (BFP): (02) 8837-0740
π Mahalagang Paalala bago mag-report. Ihanda ang mga sumusunod na detalye:
Eksaktong Lokasyon: Pangalan ng kalye, sitio, purok, at malapit na kilalang landmark sa Napindan.
Pole Number: Kung ligtas itong lapitan, kunin ang numero na nakasulat sa metal plate sa mismong poste.
Iyong Impormasyon: Pangalan at active contact number para sa mabilis na koordinasyon at updates.
Hinihikayat po ang lahat na i-download ang app at i-save ang mga numerong ito sa inyong mga mobile phone. Ibahagi rin po natin ang post na ito sa ating pamilya at mga kapitbahay.
Manatili po tayong alerto at ligtas, mga Batang Napindan! π€