Municipality of Narra - Palawan

Municipality of Narra - Palawan

Share

Bangon Bagong Narra

Photos from Sangguniang Bayan Narra's post 01/06/2026
Photos from Municipality of Narra - Palawan's post 01/06/2026

Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng isang ligtas, makatarungan, at inklusibong komunidad, isinagawa ang **Gender Sensitivity Training at Orientation on Handling Cases of Children-at-Risk (CAR), Children-in-Conflict with the Law (CICL), Children-in-Need of Special Protection (CNSP), at Violence Against Women and Their Children (VAWC)** noong Mayo 29โ€“30, 2026 Casa Mariel, Barangay Antipuluan, Narra, Palawan.

Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa wastong paghawak ng mga sensitibong kaso na may kaugnayan sa kababaihan at kabataan. Sa pamamagitan nito, higit na mapatitibay ang pagtutulungan ng mga ahensya at stakeholder upang matiyak ang agarang pagtugon, proteksyon, at kapakanan ng bawat mamamayan, lalo na ng mga sektor na higit na nangangailangan ng suporta.

Patunay ang gawaing ito sa patuloy na dedikasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Narra sa pagtataguyod ng karapatang pantao, gender equality, at kapakanan ng kababaihan at kabataan tungo sa isang mas maunlad at mapagkalingang komunidad.

Follow us for more Details & Updates!

Photos from Municipality of Narra - Palawan's post 01/06/2026

Sa pagsisimula ng unang linggo ng buwan ng Hunyo, sama-samang nakiisa ang mga opisyal at kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Narra sa isinagawang Flag Raising Ceremony bilang pagpapakita ng pagkakaisa, disiplina, at patuloy na dedikasyon sa tapat na paglilingkod sa mamamayan.

Naging pagkakataon din ang pagtitipon upang magbahagi ng mahahalagang anunsyo, programa, at mga gawain na nakatuon sa mas epektibo at mahusay na serbisyo publiko. Patuloy na magsisilbing inspirasyon ang seremonyang ito upang higit pang mapalakas ang malasakit, kooperasyon, at pananagutan sa bawat tungkulin.

Follow us for more Details & Updates!

Photos from Mayor Gerandy "Noty" Danao's post 30/05/2026
29/05/2026

๐Ÿ“ข ๐ˆ๐’๐€๐’๐€๐†๐€๐–๐€ ๐€๐๐† โ€œ๐Ž๐๐„๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐Š๐‹๐€๐‘๐Žโ€ ๐…๐‘๐„๐„ ๐Œ๐„๐ƒ๐ˆ๐‚๐€๐‹ ๐’๐”๐‘๐†๐ˆ๐‚๐€๐‹ ๐Ž๐”๐“๐‘๐„๐€๐‚๐‡ ๐๐‘๐Ž๐†๐‘๐€๐Œ ๐’๐€ ๐๐€๐‘๐‘๐€, ๐๐€๐‹๐€๐–๐€๐!

Bilang bahagi ng layunin para sa โ€œGlobal Elimination of Preventable Blindness in the Philippines,โ€ muling ilulunsad ang libreng Medical Surgical Outreach Program para sa mga residente ng Narra at karatig bayan.

Kabilang sa mga serbisyong handog ay libreng check-up sa mata, eye treatment, at operasyon sa mata, biometric procedures, at operasyon para sa mga kaso ng alis bukol, breast mass, lumps, humps, bumps, at iba pang kaugnay na kondisyon.

๐Ÿ“ Schedule of Activities:
๐Ÿ—“ June 7, 2026 โ€“ Patients Check-up, TX & Biometric Procedure
๐Ÿ“Œ Covered Court at Municipal Gym, Narra Municipal Hall Compound

๐Ÿ—“ June 8โ€“12, 2026 โ€“ Operations Proper
๐Ÿ“Œ Narra Municipal Hospital

๐Ÿ—“ June 13, 2026 โ€“ Final Post Operation Check-up
๐Ÿ“Œ St. Joseph the Husband of Mary Parish Church

Ang programang ito ay bunga ng pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Narra, Provincial Government ng Palawan sa pamamagitan ng Narra Municipal Hospital, Rotary Club of Narra at ibaโ€™t iba pang medical organizations, foundations at mga katuwang na institusyon upang makapaghatid ng libreng serbisyong medical sa mamamayan.

Inaanyayahan ang lahat ng residente ng Narra at kalapit na munisipyo na makibahagi at samantalahin ang libreng serbisyong pangkalusugan na ito.

๐‘ญ๐’๐’๐’๐’๐’˜ ๐’–๐’” ๐’‡๐’๐’“ ๐’Ž๐’๐’“๐’† ๐‘ซ๐’†๐’•๐’‚๐’Š๐’๐’” & ๐‘ผ๐’‘๐’…๐’‚๐’•๐’†๐’” : Municipality of Narra - Palawan

28/05/2026

(REPOST)

๐—ง๐—ข๐——๐—” ๐—ช๐—˜๐—˜๐—ž ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—ž๐—ข๐—ง๐—ฆ๐—˜๐—ž๐—˜๐—Ÿ ๐—ฅ๐—œ๐——๐—˜ (๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ž๐—”๐—ฌ)
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ๐—ง๐—ข๐——๐—” ๐—ช๐—ฒ๐—ฒ๐—ธ 2026, buong puso pong inihahandog ng ating mga TODA operators at drivers ang programang ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜† para sa ating mga kababayan bilang pasasalamat sa patuloy na suporta sa sektor ng transportasyon.
Abangan po ang mga traysikel na may โ€œTODA Week Free Rideโ€ Tarp sa mga sumusunod na petsa:
โœ… June 1โ€“4, 2026
โœ… June 8โ€“11, 2026
โœ… June 15โ€“16, 2026
Layunin ng programang ito na makapagbigay ng libreng serbisyo, makatulong sa mamamayan, at higit pang mapalakas ang pagkakaisa at pagtutulungan ng ating komunidad.
Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng TODA na nakikiisa at sa mamamayang patuloy na sumusuporta. Sama-sama nating ipagdiwang ang ๐—ง๐—ข๐——๐—” ๐—ช๐—ฒ๐—ฒ๐—ธ 2026!

follow us for more uodates.

Photos from Municipality of Narra - Palawan's post 28/05/2026

Matagumpay na isinagawa ang MNC & Nutrition Cluster 2nd Quarterly Joint Meeting na dinaluhan ng ibaโ€™t ibang departamento at ahensya ng pamahalaan bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng mga programang pangnutrisyon at pangkalusugan sa bayan ng Narra.

Tinalakay sa pagpupulong ang Presentation and Approval of the MNAP CY 2027, Presentation of Barangay MELLPI CY 2025 Results, mga plano para sa Nutrition Month Celebration, at mga updates hinggil sa Nutrition Cluster at Nutrition in Emergencies (NIE).

Sa pamamagitan ng sama-samang pakikipagtulungan ng bawat tanggapan, mas napagtitibay ang layunin na makapaghatid ng mas epektibo at dekalidad na serbisyo para sa kapakanan ng bawat mamamayan.

๐‘ญ๐’๐’๐’๐’๐’˜ ๐’–๐’” ๐’‡๐’๐’“ ๐’Ž๐’๐’“๐’† ๐‘ซ๐’†๐’•๐’‚๐’Š๐’๐’” & ๐‘ผ๐’‘๐’…๐’‚๐’•๐’†๐’” : Municipality of Narra - Palawan

Photos from Municipality of Narra - Palawan's post 26/05/2026

The Narra Night Market continues to create positive economic opportunities for local MSMEs and the community of Narra. ๐Ÿ“ˆโœจ

The project is under the management and supervision of the Municipal Economic Enterprise and Development Office (MEEDO) in partnership with the Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO). The Narra Night Market also aims to strengthen and promote the municipalityโ€™s nighttime economy by creating more business opportunities, increasing local income generation, and providing a vibrant night destination for both residents and visitors. ๐ŸŒ™

Based on the recent assessment of the Night Marketโ€™s economic impact, the market currently accommodates different types of businesses including Food and Beverage, Dry Goods, Fruits and Vegetables, and Food Carts.

๐Ÿ“Œ Number of Businesses:
โ€ข 39 Food and Beverage stalls
โ€ข 17 Dry Goods stalls
โ€ข 3 Fruits and Vegetables stalls
โ€ข 14 Food Carts

๐Ÿ“Š Average Sales Per Night:
Out of 73 respondents, the majority reported average nightly sales ranging from โ‚ฑ1,000โ€“โ‚ฑ2,000, while others earned below โ‚ฑ1,000 and more than โ‚ฑ2,000โ€“โ‚ฑ3,000 per night.

๐Ÿ’ฐ Highest Weekly Sales Recorded:
โ€ข Week 5 (March 14โ€“27) โ€“ โ‚ฑ682,500
โ€ข Week 3 โ€“ โ‚ฑ637,700
โ€ข Week 4 โ€“ โ‚ฑ590,200

๐Ÿ“… Monthly Sales Performance:
โ€ข February โ€“ โ‚ฑ1,170,000
โ€ข March โ€“ โ‚ฑ1,950,340
โ€ข April โ€“ โ‚ฑ619,600

๐Ÿ‘จโ€๐Ÿ‘ฉโ€๐Ÿ‘งโ€๐Ÿ‘ฆ Employment Generated:
Since the start of the Narra Night Market, a total of 90 workers/helpers have been employed, with most businesses providing opportunities to their own family members.

The Narra Night Market is more than just a place for businessโ€”it is a growing source of livelihood, family support, local economic development, and a driving force for the nighttime economy of the Municipality of Narra. ๐Ÿ’™

๐‘ญ๐’๐’๐’๐’๐’˜ ๐’–๐’” ๐’‡๐’๐’“ ๐’Ž๐’๐’“๐’† ๐‘ซ๐’†๐’•๐’‚๐’Š๐’๐’” & ๐‘ผ๐’‘๐’…๐’‚๐’•๐’†๐’” : Municipality of Narra - Palawan

Photos from Municipality of Narra - Palawan's post 26/05/2026

๐๐€๐‘๐€๐๐†๐€๐˜`๐—ฆ ๐…๐ˆ๐‘๐’๐“ ๐Ÿ,๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ƒ๐€๐˜๐’ ๐Œ๐Ž๐๐“๐‡๐‹๐˜ ๐‚๐Ž๐€๐‚๐‡๐ˆ๐๐† ๐’๐„๐’๐’๐ˆ๐Ž๐

Matagumpay na isinagawa ang Barangay First 1,000 Days Monthly Coaching Session sa pangunguna ng MNAU, MHO, at VA kasama ang mga kinatawan mula sa mga barangay ng Burirao, Dumangueรฑa, Malatgao, Aramaywan, at Ipilan.

Sa nasabing aktibidad, nagbahagi ng kani-kanilang karanasan bilang mga ina ang mga kalahok at nagkaroon ng makabuluhang talakayan hinggil sa wastong pag-aaruga at pagpapalaki ng mga anak. Sa tulong at gabay ng MNAU, MHO, at VA, nabigyan sila ng karagdagang kaalaman at suporta upang higit pang mapabuti ang kalusugan, nutrisyon, at pangkalahatang kapakanan ng kanilang mga anak.

Patuloy ang sama-samang pagkilos para sa mas malusog at mas matatag na kinabukasan ng bawat pamilyang Narrenyo.

๐‘ญ๐’๐’๐’๐’๐’˜ ๐’–๐’” ๐’‡๐’๐’“ ๐’Ž๐’๐’“๐’† ๐‘ซ๐’†๐’•๐’‚๐’Š๐’๐’” & ๐‘ผ๐’‘๐’…๐’‚๐’•๐’†๐’” : Municipality of Narra - Palawan

Photos from Municipality of Narra - Palawan's post 25/05/2026

๐‘ด๐’‚๐’š 25, 2026 l ๐‘ญ๐‘ณ๐‘จ๐‘ฎ ๐‘ช๐‘ฌ๐‘น๐‘ฌ๐‘ด๐‘ถ๐‘ต๐’€

Isang makabuluhang umaga ng pagkakaisa at pananampalataya ang muling isinagawa sa Lokal na Pamahalaan ng Narra sa pamamagitan ng huling flag ceremony ng buwan kasabay ng banal na misa. Naging daan ang gawaing ito upang higit pang mapatatag ang diwa ng serbisyo publiko, disiplina, at sama-samang pananalig ng bawat kawani at opisyal ng bayan.

๐‘ญ๐’๐’๐’๐’๐’˜ ๐’–๐’” ๐’‡๐’๐’“ ๐’Ž๐’๐’“๐’† ๐‘ซ๐’†๐’•๐’‚๐’Š๐’๐’” & ๐‘ผ๐’‘๐’…๐’‚๐’•๐’†๐’” : Municipality of Narra - Palawan

Want your business to be the top-listed Government Service in Narra?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address

National Highway, Brgy. Poblacion
Narra
5303