14/10/2026
🚌 LIBRENG SAKAY PARA SA MGA NARRANON! 🌾🎉
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 23rd Palay Festival 2026, hatid ng Pamahalaang Bayan ng Narra ang Libreng Sakay para sa mga Narranon na nais makiisa at manood sa mga gabi ng Celebrity Concert sa ating bayan!
đź“… SCHEDULE NG LIBRENG SAKAY
🗓️ October 16, 2026 (Grand Opening/Celebrity Concert) 1:00 PM
🗓️ October 21, 2026 (Don Petok Concert) 5:00 PM
🗓️ October 26, 2026 (Skusta Clee Concert) 5:00 PM
Saklaw ng serbisyong ito ang mga biyaheng daraan sa kahabaan ng National Highway gamit ang LGU Bus at iba pang sasakyan ng Pamahalaang Bayan.
Kaya naman, tara na, Narranons! Samantalahin ang libreng sakay at sama-sama nating tunghayan ang mga kapanapanabik na pagtatanghal ng ating mga celebrity performers bilang bahagi ng masaya at makulay na pagdiriwang ng 23rd Palay Festival 2026! 🎤🎶
Serbisyong may malasakit, para sa bawat Narranon!