19/05/2026
MORNING UPDATE 🌞
Matagumpay po nating naisagawa ang ating programa!
Humigit-kumulang 280 na alagang hayop ang nabakunahan ng bitamina at purga — Baka,kalabaw, at kambing — sa tulong ng Office of the Municipal Agriculturist (OMA), LGU Narra at Barangay Council ng Calategas.
Bagamat kinulang po ang kanilang gamot, kayo po ang aming uunahing bigyang-prayoridad sa susunod na schedule.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pang unawa ! 🙏
16/05/2026
PABATID ‼️‼️
Libreng Bakuna at Bitamina para sa Large Cattle
Ang inyong Committee on Agriculture, kasama ang Barangay Council, ay nakipag-ugnayan sa Office of the Municipal Agriculturist (OMA) para sa libreng bakuna at bitamina para sa mga malalaking hayop: Baka, Kalabaw, at Kambing.
Kasama rin dito ang purga, AI (Artificial Insemination), at castration.
Paalala: Sa ngayon, wala pa pong available na semilya at serbisyo para sa pagkapon. Ito ay irerequest natin sa susunod.
đź“… Schedule ng Bakuna: Mayo 19, 2026
Umaga
8:00–9:00 AM – Plaza Maranan, Kabangkalan
9:00–10:00 AM – Damzite Plaza
10:00–11:00 AM – Paunlarin Plaza
11:00–12:00 NN – Likod ng Calategas Elem. School, Tuligman – sa may Tower
Hapon
1:00–2:00 PM – Alviar Area
2:00–3:00 PM – Cabuluan Plaza
Maaari po ninyong dalhin ang inyong mga alaga sa mga nakatakdang lugar at oras. Maraming salamat po!
Maari din po kayong makipag ugnayan saating mga Veterinary aide !
▶️Alexter Bungay
▶️Evenizer Lontes
15/05/2026
PABATID ‼️
Sa aming mga kabarangay na mayroong 20 o higit pang tanim na puno ng niyog 🌴sa inyong lupain, maaari na po kayong magparehistro.
Dumalo lamang po kayo saating pagpupulong para masagot din ang iba pa ninyong mga katanungan.
11/05/2026
BARKADA2026
Week 18
Barangay Calategas
1. Date of the weekly Clean-up (May 9, 2026)
2. Number of Clean-up site - Purok Pinag-Isa and Purok Paunlarin
3. Number of Participants - 17
4. Volume of waste collected in kilograms - (4 sacks, 7kgs)
5. Number of Local Officials who participated in the Clean-up drive ( 15 Barangay Tanod, 2 Barangay Council)
6. Link to social media posting
Maraming SALAMAT po sa lahat ng nakiisa sa ating weekly Clean up, 🙏
https://www.facebook.com/profile.php?id=61555154497304&mibextid=ZbWKwL
07/05/2026
‼️
Pabatid saating mga ka Barangay na nasa listahan ng DAR Maari nyo napo ma claim ang inyong mga Titulo ng Lupa sa May 21, 2pm po ng hapon saating Covered Gym at Maari nyo rin po itong sadyain sa Opisina ng DAR sa Barangay Antipuluan .
Sa Cocrom naman po bayad napo ang titulo ng inyo lupa Maari nyo
Napo makuha ang Certificate sa Opisana ng DAR .
05/05/2026
Bayaran po Ng Tubig bukas May 6, 2026, (9:00 AM to 1:00 PM) sa Barangay Covered Court ng Calategas
22/04/2026
Sa mga nasa listahan po para sa WALANG GUTOM PROGRAM kayo Po ay kailangan Pumunta bukas sa Barangay Aramaywan ganap na ika 8:00 Ng Umaga p**i Dala Po Ang inyong Walang GUTOM PROGRAM ID.. maraming Salamat Po..
Kasama Po sa pupunta bukas itong mga name sa baba magdala Po Valid ID
1. Charity Hendoy
Baylon
2. Agripina Damasco Salas
3. Evelyn Romano
4.Jocelyn Cepeda
5. Mercylinda Atilano
20/04/2026
📣📣ATTENTION📣📣
sa lahat po ng mga gustong magparegister sa TUPAD, pumunta lamang po sa Barangay Hall bukas, April 21, 2026. 8:00 am 5:00pm
“1st come, 1st serve po tayo”
Maari lamang pong mag dala Ng valid I.D
• national id
• Driver’s License
• philhealth id
• voter's certification
• Mag iwan narin po Ng INYONG CELLPHONE NUMBER
“Take note”HINDI PO PWEDE ANG BARANGAY ID
• hindi po pwede ang ID na ang address ay sa ibang barangay/lugar kahit botante pa Ng nasabing barangay
• Hindi Rin po pwede ang senior, pregnant women, at PWD
• 100 SLOTS lang po ang kailangan (PAG NAPUNUAN NA PO ANG 100 SLOTS, MAG-ANTAY SA SUSUNOD NA REGISTRATION)
• kailangan po personal na pumunta dahil may interview pang kasama.
• hindi po kasama ang mga natawagan na at mga nakasama nitong mga nakalipas na buwan
Kong may mga katanungan, Pumunta lamang po SA ating barangay hall.
salamat po
01/04/2026
Katatapos lamang Ng Awarding Ceremony for Search for BEST BARANGAY COUNCIL FOR THE PROTECTION OF CHILDREN (BCPC)
Nakuha Ng BARANGAY CALATEGAS Ang TOP 2 with the average of 99% for 2025-2026 Accomplishment..
Headed by: Punong Barangay Julie A. Burlaos Under the Committee of Hon. Byaherong Kagawad Vlog Bennyboy T. Esclabosa
Maraming Salamat
âś…Barangay Council
âś…BCPC Members
âś…Admin Staff
âś…BHW
âś…BNS
âś…BVSI
âś…PWD Organization
âś…TANOD'S
âś…Daycare Workers
âś…DepEd Calategas ES
âś…DepEd Cabuluan ES
âś…DepEd Maranan ES
âś…DepEd Calategas NHS
âś…Other Organizations
Maraming maraming Salamat Po sa inyong suporta para Po ito sa inyo BarangY Calategas🥰🥰🥰
26/03/2026
BARANGAY ASSEMBLY DAY
March 29, 2026 (1:00 PM))
at Barangay Calategas Covered Court