24/07/2026
Isang Pasasalamat Po ng Sangguniang Barangay Munting Indang sa pangunguna ng ating Punong Barangay Cristina B. Apacible, sampu ng ng mga opisyales sa MDRRMO-Sir Alex Pimentel at BATELEC-1 sa kanilang agarang pagtugon sa insidente ng pagkasunog ng puno ng mangga.
Lubos din po ang aming pasasalamat kay Engineer Romeo A.Velasco sa kanyang mabilis na pag-aksyon at koordinasyon upang matiyak ang kaligtasan ng aming komunidad. Ang inyong dedikasyon, malasakit, at kahandaan sa oras ng pangangailangan ay tunay na kapuri-puri.
Maraming salamat sa inyong walang sawang paglilingkod at sa patuloy ninyong pagbibigay-priyoridad sa kaligtasan ng bawat mamamayan. Nawa'y patuloy kayong pagpalain at bigyan ng lakas upang maipagpatuloy ang inyong marangal na tungkulin.
Maraming salamat po, MDRRMO, BATELEC I, at kay Engineer Velasco!