15/09/2026
Matagumpay na ipinagdiwang ng Navotas City Bahay Pag-asa ang Buwan ng Wika 2026 sa pamamagitan ng pagsasadula ng mga residente ng piling kabanata ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal.
Nahati sa dalawang grupo, Tanglaw ng Bayan at Anino ng Kolonya, ang mga residente, buong husay na nagpakita ng kanilang talento, pagkamalikhain, at pagpapahalaga sa wikang Filipino sa pamamagitan ng pag-arte.
Itinanghal na kampeon sa patimpalak sa pagsasadula ang Anino ng Kolonya, habang kinilala bilang Best Actor ang residenteng gumanap bilang Padre Salvi dahil sa kanyang kahanga-hangang pagganap.
Lubos na pasasalamat kina Ms. Jona Layaog at Ms. Juliet Salvador sa kanilang paggabay at pangunguna sa programa. Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa ating mga hurado na sina Ms. Angelyn Mallari-Del Mundo, Ms. Michaela Romero, at Ms. Melissa Soque sa kanilang oras, suporta, at mahalagang ambag sa tagumpay ng pagdiriwang.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa mga magulang at mahal sa buhay ng mga residente na dumalo at nagpakita ng kanilang suporta. Ang kanilang presensya at paghikayat ay nagsilbing inspirasyon at nagpalakas ng loob ng mga residente upang maipamalas nang buong husay ang kanilang talento at kakayahan sa entablado.
Mabuhay ang Kabataang Navoteño! Mabuhay ang Wikang Filipino! 🇵🇭