01/09/2026
Ang ganda po ng energy pagpasok ko sa graduation ceremony ng Navotaas Institute noong nakaraang August 27. Dama mo yung feeling ng tagumpay at kita mo ang mga ngiting tagumpay ng mga naroroon 😊💚
Nakakatuwa na ang 27 na graduates ng Automotive Engine Repair ay mga Coast Guards po. up po sila ng kaalaman at skills kasi nagbibigay sila ng libreng sakay ‘pag masama ang panahon kaya tama nga naman na marunong sila mag-ayos ng mga sasakyang ginagamit nila pang service sa ating mga kababayan👍👍
Muli, congratulations po sa inyo at sa 26 trainees ng Shielded Metal Arc Welding NC2, 47 trainees ng Bread and Pastry Production NC2, 22 trainees ng tailoring, 61 trainees ng Japanese language, 34 trainees ng Korean language,19 trainees ng Barista, 43 trainees ng Food and Beverage Services, 22 trainees ng massage Therapy, At 28 trainees ng Housekeeping!
Proud po ako sa inyong lahat sa inyong pagpupursigi na matuto at iangat ang inyong kakayahan at hangad ko po sa inyo ay tuloy-tuloy na pag-angat ng inyong mga buhay 😊💚😊
Sa lahat po ng mga katuwang natin sa pag-angat ng buhay ng Navoteño sa maraming salamat po at mabuhay kayong lahat!