24/09/2026
๐๐๐๐, ๐๐-๐๐๐๐จ๐ฎ๐ง๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐จ๐ฉ ๐, ๐๐จ๐ฉ ๐ ๐๐ญ ๐๐จ๐ฉ ๐ ๐๐จ๐ฌ๐ญ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ ๐๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐ฌ ๐ง๐ ๐๐จ๐ญ๐จ๐ญ๐๐ง
ILOILO โ Tatlong Most Wanted Persons ng Pototan ang na-account ng Police Regional Office 6 (PRO6) sa magkahiwalay na police actions noong Setyembre 22, 2026, matapos maaresto ang Top 5 Municipal Most Wanted Person sa isang manhunt operation at maisilbi ang mga warrant of arrest laban sa Top 7 at Top 8 Municipal Most Wanted Persons.
Dakong alas-2:03 ng hapon, naaresto sa Barangay Nanga, Pototan, Iloilo si alyas โJun-Jun,โ 20-anyos, binata, residente ng nasabing barangay, at nakatala bilang Top 5 Most Wanted Person sa municipal level.
Isinagawa ng Tracker Team ng Pototan Municipal Police Station (MPS) ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5(b) ng Republic Act No. 7610.
Ang warrant ay inilabas ng Family Court, Branch 6, Dumangas, Iloilo, noong Setyembre 22, 2026, na may inirekomendang piyansa na PhP200,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
Samantala, dakong alas-4:00 ng hapon ng parehong araw, isinilbi rin ng parehong Tracker Team ang Warrant of Arrest laban kay alyas โAr-Ar,โ 50-anyos, may asawa, residente ng Barangay F. Parcon Ward, Pototan, at nakatala bilang Top 7 Most Wanted Person sa municipal level.
Isinilbi ang warrant kay โAr-Arโ habang siya ay nasa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Barangay Nanga, Pototan, kaugnay ng nauna niyang kaso.
Na-account din ang Top 8 Municipal Most Wanted Person na si alyas โBarry,โ 43-anyos, residente ng Mina, Iloilo. Nauna siyang naaresto kaugnay ng isang hiwalay na insidente sa Parcon St., Barangay Mina West, Mina, Iloilo. Habang nasa kustodiya ng Mina MPS, isinilbi sa kanya ang umiiral na Warrant of Arrest para sa kasong Theft.
Kapwa nahaharap sina โAr-Arโ at โBarryโ sa kasong Theft sa ilalim ng Article 308 ng Revised Penal Code. Ang kanilang mga warrant ay inisyu ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC), Pototan-Mina, Iloilo, noong Setyembre 7, 2026, na may inirekomendang piyansa na PhP10,000.00 bawat isa.
Ang Top 5 MWP ay nasa kustodiya ng Pototan MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Ang Top 7 MWP naman ay nananatiling nasa kustodiya ng BJMP sa Barangay Nanga, Pototan, habang ang Top 8 MWP ay nasa kustodiya ng Mina MPS kaugnay ng naunang insidente at para sa kaukulang proseso sa warrant na isinilbi laban sa kanya.
Pinuri ni PBGen Randulf T Tuaรฑo, Regional Director ng PRO6, ang Pototan MPS at iba pang personnel na sangkot sa matagumpay na pag-account sa tatlong Most Wanted Persons.
โPatuloy nating titiyakin na ang bawat wanted person ay matutunton at ang bawat umiiral na warrant of arrest ay maipatutupad nang naaayon sa batas. Sa pamamagitan ng masusing intelligence gathering, koordinasyon, at tuloy-tuloy na manhunt operations, lalo nating mapapalakas ang paghahatid ng hustisya at pagpapanatili ng kaligtasan sa ating mga komunidad,โ ani PBGen Tuaรฑo.
Ang pagkaka-account sa tatlong Most Wanted Persons ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PRO6 laban sa mga wanted person, alinsunod sa RESPONSIVE, TRUSTED, at TRANSFORMATIVE POLICING tungo sa mas ligtas at mapayapang Western Visayas.
Kaakibat nito ang bisyon ng Philippine National Police na โBAGONG PNP PARA SA BAGONG PILIPINAS: SERBISYONG MABILIS, TAPAT, AT NARARAMDAMAN,โ sa ilalim ng pamumuno ni Police General Jose Melencio C Nartatez Jr., Chief, PNP.
(PNP-RPIO6)
#๐ฅ๐ฒ๐๐ฝ๐ผ๐ป๐๐ถ๐๐ฒ๐ง๐ฟ๐๐๐๐ฒ๐ฑ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ณ๐ผ๐ฟ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ๐ฃ๐ผ๐น๐ถ๐ฐ๐ถ๐ป๐ด
#๐ง๐ผ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐
#๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด๐ฃ๐ก๐ฃ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ฎ๐