31/05/2026
Ito ang malinaw. Hindi si Cayetano kundi ang manggagawa at mahihirap ang under attack!
Manggagawa, ito ang ating partido. Partido Manggagawa!
31/05/2026
Ito ang malinaw. Hindi si Cayetano kundi ang manggagawa at mahihirap ang under attack!
30/05/2026
Matagal nang panukala ng kilusang paggawa na i-deputize ng DOLE ang trade union leader para maging labor inspectors para ma-monitor ang compliance ng mga kompanya sa core labor standards. Nasubukan na ito noon sa kaso ng Kentex. Wala daw pondo para dito, sabi ng DOLE. Pinakamadaling solusyunan ang problemang yan. Ang mas mahirap ay ayaw dahil maraming malalantad na violator ng labor right.
Kaya mo ba yan, ‘Tol? May baon bang pagbabago si Sec. Tolentino?
https://www.facebook.com/share/1K6EsPMJ8D/?mibextid=wwXIfr
TOLENTINO FLAGS SHORTAGE OF DOLE FIELD INSPECTORS
SPECIAL ON SATURDAY: Labor Secretary Francis Tolentino has revealed a critical shortage of active labor inspectors at the Department of Labor and Employment (DOLE), disclosing that of 1,210 inspectors across 17 regional offices, only 477 are actually deployed in the field to cover establishments nationwide.
In an interview on DZRH News, Tolentino said the problem was thrown into sharp relief following the deadly collapse of a nine-story building under construction in Angeles City, Pampanga, where he learned that only 38 labor inspector teams were covering 7,000 establishments in Region 3 alone.
As an immediate response, Tolentino said he has tapped TESDA to provide 200 young graduates to be trained as labor inspectors, while committing to seek additional funding from Congress during the upcoming budget hearings.
Full story in the comments.
29/05/2026
Paulit-ulit kang nakakasuhan. Nasanay ka rin kasing nakakalabas depende sa kung sino ang nasa kapangyarihan. Weather-weather lang yan, ika nga ni Erap.
Pero teka. Bad ba ang weather system ngayon, o system mismo ang bad at governed by bad people?
28/05/2026
Labor groups object to proposed online voting in Senate Senators praying during May 26, 2026 plenary session. INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA MANILA, Philippines -- A coalition of labor groups on Wednesday said it strongly objects to proposals that
27/05/2026
Hindi dahil may force na involved sa gyera ay may force majeure na sa Pilipinas. Mag-session kaya kayo tungkol sa gyera laban sa kahirapan para hindi sayang ang debate. At dapat kasali ka at si Bato. Hindi pwedeng absent kayo o work from hideout.
27/05/2026
Matapos langawin sa takilya ang pekeng paluhod-luhod, tinangkang daanin sa paspasan. Baluktutin ba naman ang rules alang-alang sa nawawalang Bato. Juice mo lord, Allan!
25/05/2026
MAY BAON BANG PAGBABAGO SI SECRETARY TOLENTINO?
Dahil ang pinalitan niyang Kalihim sa Department of Labor and Employment ay hindi malapit sa manggagawa at hindi rin maganda ang performance, ang inaasahan na kapalit ay mas maayos, kundi man kabaliktaran.
Prerogative ng Pangulo ang pagpili nang kanyang alter-ego at pinuno sa mga departamento at ahensya ng pamahalaan. Walang say dito ang manggagawa, kung kaya’t ang pagsalubong sa bagong talagang Kalihim ay sa paraan ng paghamon namin gustong idadaan.
Ang hamon ay kung may baon bang pagbabago si Sec. Tolentino sa DOLE? Ito ang nais naming marinig sa kanyang unang araw sa tanggapan.
Nakabinbin ngayon ang mga panukalang batas sa Kongreso para sa P200 dagdag-sahod at panukalang abolisyon ng provincial rate. Kasabay nito ay nakahain din sa regional wage boards ang mga petisyon wage hike mula P200 hanggang P1,200. Nariyan pa rin ang problema sa endo at mga hadlang sa malayang pag-uunyon.
Kaya ba ng bagong Kalihim na ang mga ito ay itulak at pabilisin?
Sa harap ang kasalukuyang krisis ay tumataas din ang ang unemployment rate kaya mahalagang agenda ang job creation, kabilang ang green jobs kung saan lead agency ang DOLE, at reporma sa public employment program.
Mahirap na trabaho ang magbalanse ng interes ng manggagawa at kapital. Pero bilang abogado ay alam dapat ni Secretary Tolentino na sa usapin ng social justice, mas matimbang ang kapakanan ng paggawa kaysa sa tubo ng negosyo. Ito ang mas mahalaga sa manggagawa, dahil dito nagsisimula ang tama at unang hakbang ng isang pinuno. # # #
—————
PRESS STATEMENT
05.25.2026