Barangay Matictic Public Information - Norzagaray, Bulacan

Call Directions Contact the organization

Barangay Matictic Public Information - Norzagaray, Bulacan Barangay Public Information Office

𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟏𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝟑𝐑𝐃 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 𝐑𝐈𝐂𝐄 𝐒𝐔𝐁𝐒𝐈𝐃𝐘 – 𝐋𝐆𝐔Matictic Covered Court, Barangay Matictic, Norzagaray, Bulacan  Matagump...
10/11/2026

𝐍𝐎𝐕𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝟏𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝟑𝐑𝐃 𝐁𝐀𝐓𝐂𝐇 𝐑𝐈𝐂𝐄 𝐒𝐔𝐁𝐒𝐈𝐃𝐘 – 𝐋𝐆𝐔

Matictic Covered Court, Barangay Matictic, Norzagaray, Bulacan

Matagumpay na isinagawa ngayong umaga ang pamamahagi ng bigas sa ating mga minamahal na kabarangay bilang bahagi ng 3rd Batch Rice Subsidy Program ng Lokal na Pamahalaan ng Norzagaray.

Pinangunahan ang nasabing aktibidad ng ating mahusay at masipag na Ina ng Bayan ng Norzagaray

Igg. Mayor Ma. Elena Germar

Katuwang ang buong Sangguniang Barangay ng Matictic sa pangunguna ng ating Punong Barangay

Igg. Marcial S. Lucas

Aktibo ring nakiisa at nagbigay ng tulong ang ating mga masisipag na Day Care Workers, Mother Leaders, Volunteers, at ang mga kawani ng DSWD Norzagaray sa pangunguna ni Ma'am Joy San Pedro upang matiyak ang maayos at mabilis na pamamahagi ng bigas sa ating mga kabarangay.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Norzagaray, sa pangunguna ni Mayor Ma. Elena Germar, gayundin sa lahat ng mga indibidwal at grupong naging katuwang sa matagumpay na pagsasakatuparan ng programang ito.

Tunay na sa pagkakaisa at pagtutulungan, mas marami tayong kababayan na mapaglilingkuran




Weekly Clean Up Drive at Kalinisan Day November 06,07 2027Muli naisakatuparan ang Weekly Clean up Drive at Kalinisan Day...
07/11/2026

Weekly Clean Up Drive at Kalinisan Day
November 06,07 2027

Muli naisakatuparan ang Weekly Clean up Drive at Kalinisan Day sa ating Brgy sa Patnubay ng ating Punong Marcial S. Lucas at Katuwang ang ating Komite ng Environment Kgwd. Maria Isabel Reyes at Sanggunian Barangay kasama ang ating mga boluntaryo mamayan ng 4ps Menro Municipal volunteers kawani ng brgy. Maraming Salamat po sa inyong lahat muli naipakita po naten ang bayanihan sa ating Brgy.
Pinaalalahan po ang Brg sa ating.
1. KAUTUSANG PAMBARANGAY BLG. BM-003-S-2024

IPINAGBABAWAL ANG PAGSUSUNOG NG ANUMANG URI NG BASURA

**Paano tayo susunod?**
✅ Huwag magsunog ng plastik, papel, tuyong dahon, goma, at iba pang basura.

✅ Huwag gumawa ng tambakan ng basura na sinusunog sa bakuran, bakanteng lote, o kalsada.

✅ Ipunin ang mga basura at ilagay sa tamang lalagyan para sa wastong pangongolekta o pagtatapon.

✅ Ang mga tuyong dahon at sanga ay maaaring ipunin para sa angkop na composting o iba pang pinahihintulutang paraan ng pamamahala ng mga ito.

✅ Kung may nakikitang nagsusunog ng basura, makipag-ugnayan sa mga kinauukulan ng barangay upang maagapan ang usapin.

2. KAUTUSANG PAMBARANGAY BLG. BM-005-S-2021
Ang pagsunod sa mga kautusang ito ay hindi lamang tungkulin ng pamahalaang barangay kundi responsibilidad din ng bawat mamamayan.

Sa pangunguna ni Punong Barangay

Igg. Marcial S. Lucas

Kasama ang Komite ng kalinisan

Igg. Ma. Isabel Reyes

At ang buong Sangguniang Barangay, hinihikayat ang lahat na isabuhay ang tamang pamamahala ng basura araw-araw.

**WALANG PAGSUSUNOG NG BASURA.**
**TAMANG PAGHIHIWALAY NG BASURA.**
**DISIPLINA NG BAWAT ISA, KALINISAN PARA SA LAHAT!**

Sama-sama nating pangalagaan ang ating Barangay Matictic para sa isang malinis, ligtas, at maayos na pamayanan.




OPERATION TAMBAK PROPER MATICTIC   November 5, 2026Bilang bahagi ng patuloy na pagsasaayos at pagpapanatili ng ating mga...
05/11/2026

OPERATION TAMBAK
PROPER MATICTIC
November 5, 2026

Bilang bahagi ng patuloy na pagsasaayos at pagpapanatili ng ating mga kalsada, personal na nanguna sa pagsasagawa ng

**Operation Tambak**

Ang ating masipag na Punong Barangay

Igg. Marcial S. Lucas

Katuwang ang ating masipag na Kagawad mula sa Komite ng Pagawain

Igg. Jesus Dela Merced

Isinagawa ang pagtatambak at pagsasaayos ng kalsada mula sa Tulay hanggang Proper Matictic upang matiyak ang mas maayos, ligtas, at maayos na daloy ng biyahe para sa ating mga kabarangay at sa lahat ng dumaraan sa ating barangay.

Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan at suporta ng buong Sangguniang Barangay sa pangunguna ng ating Punong Barangay.

Patuloy ang ating pamahalaang barangay sa pagkilos at paglilingkod para sa ikabubuti, kaligtasan, at kaunlaran ng ating komunidad.

Serbisyong may malasakit, aksyong ramdam ng bawat mamamayan!




**PASASALAMAT | OPLAN KALULUWA UNDAS 2026**Taos-pusong nagpapaabot ng pasasalamat ang buong Sangguniang Barangay Maticti...
05/11/2026

**PASASALAMAT | OPLAN KALULUWA UNDAS 2026**

Taos-pusong nagpapaabot ng pasasalamat ang buong Sangguniang Barangay Matictic, sa pangunguna ng ating minamahal na Ama ng Barangay

Igg. Marcial S. Lucas

Sa lahat ng ating mga Barangay Employees, Volunteers at sa lahat ng mga tumulong na buong pusong nakiisa, naglaan ng oras at nag-duty sa loob ng tatlong araw bilang bahagi ng

**Oplan Kaluluwa Undas 2026**.

Ang inyong dedikasyon, malasakit at kusang-loob na paglilingkod ay naging malaking bahagi upang matiyak ang kaayusan, seguridad at kaligtasan ng lahat ng mga dumalaw sa Bilad-Bilad Cemetery

Maraming salamat sa inyong sakripisyo at walang sawang paglilingkod sa ating komunidad.

Patunay lamang na sa pagkakaisa at pagtutulungan, mas nagiging maayos, ligtas at matagumpay ang bawat gawain para sa kapakanan ng ating mga kabarangay.

Mabuhay ang nagkakaisang Barangay Matictic!

*Paglilingkod na may malasakit, pagkakaisang may layunin.*

🎄 **PAG-AAYOS NG MGA ILAW SA TULAY AT PAGLALAGAY NG MGA CHRISTMAS LIGHTS** ✨Bilang paghahanda sa nalalapit na Kapaskuhan...
05/11/2026

🎄 **PAG-AAYOS NG MGA ILAW SA TULAY AT PAGLALAGAY NG MGA CHRISTMAS LIGHTS** ✨

Bilang paghahanda sa nalalapit na Kapaskuhan, nagsagawa ng pagkukumpuni at pagsasaayos ng mga ilaw sa ating tulay, gayundin ang paglalagay ng mga Christmas lights upang magbigay-liwanag, kulay, at mas masayang diwa ng Pasko sa ating Barangay.

Ang gawaing ito ay pinagtulungan ng ating Pamahalaang Barangay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng makabuluhang panahon ng Kapaskuhan, bilang paggunita sa kapanganakan ng ating Panginoong Hesukristo, ang Dakilang Tagapagligtas.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos, hangad nating maging mas maliwanag, maaliwalas, at mas makulay ang ating Barangay ngayong Pasko

**Isang maliwanag at mapagpalang Kapaskuhan sa ating lahat!** 🎄✨

Manatili sa puso ng bawat isa ang Pagmamahalan at Pagbibigayan



**PASASALAMAT AT PAGPUPUGAY SA PAGKAKAISA NG BAYAN**Mula po sa buong Sangguniang Barangay, sa pangunguna ng ating Punong...
05/11/2026

**PASASALAMAT AT PAGPUPUGAY SA PAGKAKAISA NG BAYAN**

Mula po sa buong Sangguniang Barangay, sa pangunguna ng ating Punong Barangay

Igg. Marcial S. Lucas

Taos-puso po naming ipinapaabot ang aming pasasalamat sa lahat ng nakiisa, nagbigay ng tulong, at naglaan ng oras upang agarang maalis ang nabuwal na puno sa daan patungo sa Sitio Kanyakan at sa ating kailugan.

Ang inyong pagtutulungan at pagkakaisa ay patunay na sa sama-samang pagkilos, anumang pagsubok ay kayang malampasan.

Maraming salamat po sa inyong malasakit, bayanihan, at pakikiisa para sa kaligtasan at kapakanan ng ating mga kabarangay!

Ang maayos at malinis na daan ay kaligtasan ng ating Buong Barangay!

Mabuhay ang nagkakaisang Barangay Matictic!

OPLAN KALULUWA UNDAS 2026Sitio Coral, Bilad-Bilad Cementery November 02, 20263Days Duty Bilang bahagi ng Oplan Undas 202...
02/11/2026

OPLAN KALULUWA UNDAS 2026
Sitio Coral, Bilad-Bilad Cementery
November 02, 2026
3Days Duty

Bilang bahagi ng Oplan Undas 2026, naka-duty ang ating Sangguniang Barangay sa pangunguna ng ating Punong Barangay

Igg. Marcial S. Lucas

upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayang dumadalaw sa ating sementeryo.

Katuwang sa serbisyong ito sina Kagawad

Amalia SP. Samson
mula sa Komite ng Kalusugan

Marcelino Marcial
mula sa Komite ng Kapayapaan,

Arlene Tolentino
Mula sa Komite ng Vulnerable Group

Kasama ang ating mga masisipag na Barangay Tanod at Barangay Health Workers at mga Volunteers

Nakahanda rin ang ating ambulansya para sa agarang pagtugon sa anumang emergency o pangangailangang medikal.

Patuloy ang ating pagbabantay at paglilingkod upang matiyak ang isang ligtas, maayos at mapayapang paggunita sa Araw ng Undas.

! Serbisyong may malasakit para sa bawat pamilyang Taga Matictic

**ISANG MAINIT AT TAOS-PUSONG PAGBATI SA IYONG KAARAWAN!**Isang masaya at makabuluhang pagbati sa ating mahusay, masipag...
01/11/2026

**ISANG MAINIT AT TAOS-PUSONG PAGBATI SA IYONG KAARAWAN!**

Isang masaya at makabuluhang pagbati sa ating mahusay, masipag, at maaasahang Ama ng Barangay Matictic

Igg. Marcial S. Lucas

Ang buong Sangguniang Barangay, kasama ang lahat ng Barangay Employees, ay taos-pusong bumabati sa iyo, Kap, ng isang maligayang kaarawan!

Nawa'y patuloy kang pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, mahabang buhay, lakas, at gabay sa patuloy na paglilingkod sa ating barangay.

Mabuhay po kayo, Kapitan Marcial S. Lucas!

Pagbati mula sa buong Sangguniang Barangay at Barangay Employees ng Matictic.

OPLAN KALULUWA UNDAS 2026Sitio Coral, Bilad-Bilad Cementery NOVEMBER 01, 2026Bilang bahagi ng Oplan KALULUWA Undas 2026,...
01/11/2026

OPLAN KALULUWA UNDAS 2026
Sitio Coral, Bilad-Bilad Cementery
NOVEMBER 01, 2026

Bilang bahagi ng Oplan KALULUWA Undas 2026, naka-duty ang ating Sangguniang Barangay sa pangunguna ng ating Punong Barangay

Igg. Marcial S. Lucas

Upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayang dumadalaw sa ating sementeryo.

Katuwang sa serbisyong ito sina Kagawad

Amalia SP. Samson, Jesus Dela Merced

Sk. Gabriel Torres

Kasama ang ating mga masisipag na Barangay Tanod at Barangay Health Workers at mga Volunteers

Nakahanda rin ang ating ambulansya para sa agarang pagtugon sa anumang emergency o pangangailangang medikal.

Patuloy ang ating pagbabantay at paglilingkod upang matiyak ang isang ligtas, maayos at mapayapang paggunita sa Araw ng Undas.

! Serbisyong may malasakit para sa bawat pamilyang Pilipino

📢 **OPLAN KALULUWA UNDAS 2026**Bilang bahagi ng ating Oplan Kaluluwa Undas 2026, ang buong Sangguniang Barangay ng Matic...
01/11/2026

📢 **OPLAN KALULUWA UNDAS 2026**

Bilang bahagi ng ating Oplan Kaluluwa Undas 2026, ang buong Sangguniang Barangay ng Matictic, sa pangunguna ng ating Punong Barangay

Igg. Marcial S. Lucas

Ay nagpapaalala sa lahat ng ating mga kabarangay at mga bibisita sa sementeryo na sundin ang mga alituntunin at iwasan ang mga ipinagbabawal sa loob ng nasabing lugar.

**MGA IPINAGBABAWAL SA LOOB NG SEMENTERYO:**

1. Pag-inom ng mga inuming nakalalasing.
2. Pagsusugal at paglalaro ng baraha.
3. Pagdadala at paggamit ng anumang uri ng ipinagbabawal na gamot.
4. Pagsigaw, pag-iingay at anumang gawaing makagagambala sa ibang dumadalaw.
5. Pagtatapon ng basura kung saan-saan.
6. Pagdadala ng matutulis o mapanganib na bagay.
7. Anumang gawaing maaaring magdulot ng panganib o kaguluhan.

Makikiisa po tayo sa pagpapanatili ng kaayusan, kalinisan at kaligtasan sa ating mga sementeryo.

**Disiplina at pakikiisa ng bawat isa ang susi sa isang mapayapa at maayos na paggunita sa Araw ng mga Yumao.**



Address

Matictic Proper, Brgy. Matictic
Norzagaray
3013

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639663804420

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Matictic Public Information - Norzagaray, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Matictic Public Information - Norzagaray, Bulacan:

Share

Nearby government services