24/10/2025
𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘
𝐍𝐎𝐕𝐄𝐋𝐄𝐓𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐂𝐄𝐌𝐄𝐓𝐄𝐑𝐘
𝐍𝐚𝐫𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐠𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒.
1. Pasamantalang isasara sa publiko ang Noveleta Public Cemetery (papuntang MRF) sa 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟴 𝗮𝘁 𝟮𝟵 upang bigyang daan ang paglalagay ng aspalto sa sementeryo.
2. Simula 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟯𝟬 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗡𝗼𝘃𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮, ipagbabawal ang lahat ng uri ng sasakyan sa loob ng ating sementeryo.
3. Ang paglilinis sa ating mga sementeryo ay hanggang 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟯𝟭 (𝗙𝗿𝗶𝗱𝗮𝘆) lamang.
4. Ipinagbabawal sa loob ng mga sementeryo simula 𝗢𝗰𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿 𝟯𝟭 ang mga sumusunod:
𝗮) Pagdadala ng lahat ng uri ng patalim o matutulis na bagay (kutsilyo at gunting)
𝗯) Mga inuming nakakalasing (alak)
𝗰) Baraha o anumang gamit pagsusugal
𝗱) Anumang uri ng bagay na makakalikha ng ingay (speaker)
May mga nakatayong 𝗽𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗵𝗲𝗹𝗽 𝗱𝗲𝘀𝗸 𝗮𝘁 𝗺𝗲𝗱𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗮𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗯𝗼𝗼𝘁𝗵 sa harapan ng ating mga sementeryo.
Ang ating Pamahalaang Bayan ng Noveleta ay umaasa na makikiisa ang lahat upang maging ligtas at mapayapa ang paggunita ng UNDAS. #𝐃𝐂𝐩𝐥𝐢𝐧𝐚𝐝𝐨𝐀𝐤𝐨
Maraming salamat po.
𝐈💚𝐍𝐨𝐯𝐞𝐥𝐞𝐭𝐚