01/10/2026
☀️ RAMDAM N’YO RIN BA ANG MATINDING INIT? 🥵
Sa mga nakalipas na araw, kapansin-pansin ang matinding init na nararanasan natin. Kaugnay nito, mahalagang malaman ang mga posibleng epekto ng El Niño at kung paano natin mapoprotektahan ang ating sarili, pamilya, at komunidad.
EL NIÑO: MAGING HANDA, MAGING LIGTAS!
Ayon sa DOST-PAGASA, ang kasalukuyang sitwasyon ay maaaring magdulot ng mas mainit na panahon, mas kaunting ulan, at posibleng tagtuyot.
💧 Matutong magtipid at gumamit nang wasto ng tubig.
☀️ Iwasan ang sobrang init at protektahan ang sarili laban sa heat-related illnesses.
🌱 Alagaan ang mga pananim at kapaligiran.
🏥 Alamin ang mga dapat gawin kapag may nakaranas ng heat cramps, heat exhaustion, o heat stroke.
👉 Basahin ang aming IEC material para sa mahahalagang paalala at gabay ngayong panahon ng El Niño.
Maging handa. Maging maalam. Maging ligtas! 💙