KAP. BUBUT S. SAYAO

Directions

KAP. BUBUT S. SAYAO Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from KAP. BUBUT S. SAYAO, Public Service, Panghulo Obando Bulacan, Obando.

Barangay and Sangguniang Kabataan Seminar on Term End Assessment and Continuing Preparedness on Transitional Leadership....
04/09/2026

Barangay and Sangguniang Kabataan Seminar on Term End Assessment and Continuing Preparedness on Transitional Leadership.

See you tomorrow πŸ‘€πŸŽ„
31/08/2026

See you tomorrow πŸ‘€πŸŽ„


Nagikot ang Sangguniang Kabataan (SK) at Katipunan ng Kabataan (KK) sa mga malalalim na bulaos o eskinita rito sa Panghu...
29/08/2026

Nagikot ang Sangguniang Kabataan (SK) at Katipunan ng Kabataan (KK) sa mga malalalim na bulaos o eskinita rito sa Panghulo.

Layunin nitong tiyakin ang kaligtasan ng lahat at gabayan ang mga pamilyang nangangailangan o nais nang lumikas patungo sa mga evacuation center.

πŸ“ Para sa mga Nais Lumikas:

Maghanda: Ihanda na ang inyong emergency bag (damit, gamot, dokumento, at iba pa)

Tumawag: Kung kailangan ng agarang saklolo tumawag o magchat sa mga Barangay Official.

Mag-ingat po tayong lahat at magtulungan.

Buong-pusong nakikiramay ang Sangguniang Barangay ng Panghulo,  sa pamilya, kamag-anak, at mga kaibigan ng ating katuwan...
24/08/2026

Buong-pusong nakikiramay ang Sangguniang Barangay ng Panghulo, sa pamilya, kamag-anak, at mga kaibigan ng ating katuwang sa paglilingkod, Brgy. Deputy Perfecto Santos, kami ay nagpapasalamat sa kanyang tapat na serbisyo, dedikasyon, at walang pagod na pagbabantay upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad.

Ang kanyang paglilingkod bilang isang Brgy. Deputy ay hindi malilimutan ng buong Barangay Panghulo.

Ipinapanalangin ng buong barangay ang kapayapaan ng kanyang kaluluwa at ang lakas ng loob para sa kanyang pamilyang naiwan sa panahong ito ng pagdadalamhating pambarangay.

Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa, Deputy. Maraming salamat sa iyong paglilingkod. πŸ•ŠοΈ

Isang malaking karangalan para sa ating barangay ang pagtanggap ng parangal para sa ating natatanging pagpapatupad ng ka...
18/08/2026

Isang malaking karangalan para sa ating barangay ang pagtanggap ng parangal para sa ating natatanging pagpapatupad ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa ating Barangay.

​Ang pagkilala na ito ay para sa ating mga minamahal na Barangay Tanod. Dahil sa inyong walang sawang pagpapatrolya, sakripisyo sa gitna ng gabi, at pag-responde sa anumang emergency.

Ex-O Rodrigo Cando
Deputy Jun Santos
Brgy. Tanod Jenny Posio
at sa Kabuuan ng Brgy. Tanod

Sama sama po tayo para sa mas maayos, tahimik at ligtas na Barangay Panghulo.

Patuloy ang pagiikot at Pag Bantay sa Kaayusan ng Barangay Panghulo!  Roving at monitoring ang isinagawa natin ngayong a...
10/08/2026

Patuloy ang pagiikot at Pag Bantay sa Kaayusan ng Barangay Panghulo!

Roving at monitoring ang isinagawa natin ngayong araw sa iba't ibang kalsada at mga bulaos sa ating barangay upang makita ang mga sitwasyon lalo't ang mga lubog na iskinita sa ating barangay.

Patuloy po kaming naglilingkod at nagbabantay para sa kapakanan ng ating Barangay.

Keep Safe Everyone πŸ’šπŸ’šπŸ’š

Maging Alerto po tayong lahat.Keep Safe everyone πŸ’šπŸ™
08/08/2026

Maging Alerto po tayong lahat.

Keep Safe everyone πŸ’šπŸ™

πŸ”΄ RED RAINFALL WARNING

Patuloy ang malakas hanggang matinding pag-ulan na maaaring magdulot ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga apektadong lugar.

Pinapayuhan ang lahat ng Obandenyo na:
Iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan.
Bantayan ang antas ng tubig sa inyong lugar.
Maging handa sa agarang paglikas kung kinakailangan.
Sumunod lamang sa mga opisyal na abiso ng PAGASA at ng Pamahalaang Bayan ng Obando.

Manatiling ligtas, Obando.

serBiSyong tuloy-tuloy, anuman ang panahonSa Kabila ng banta ng masamang panahon, tuloy-tuloy po ang ating pagmo-monitor...
06/08/2026

serBiSyong tuloy-tuloy, anuman ang panahon

Sa Kabila ng banta ng masamang panahon, tuloy-tuloy po ang ating pagmo-monitor sa Kaayusan ng ating Barangay at pagsasaayos ng mga basurahan sa ating komunidad.

Maraming salamat sa ating hardworking Barangay Kagawad Joshua I. Juat at Kagawad Jojo Mirandilla, na nakasama natin ngayong araw.

Keep Safe Everyone πŸ’šπŸ’šπŸ’š

πŸ“πŸ₯¦ MALUSOG NA BATA, MASAYANG KINABUKASAN! 🍎πŸ₯•Matagumpay at puno ng saya ang ginanap na Nutrition Month Program/Parade ng ...
31/07/2026

πŸ“πŸ₯¦ MALUSOG NA BATA, MASAYANG KINABUKASAN! 🍎πŸ₯•

Matagumpay at puno ng saya ang ginanap na Nutrition Month Program/Parade ng ating mga cute at bibong bulilit sa ating Daycare Center!

Sa temang naglalayong isulong ang wastong nutrisyon, naging makulay ang araw ng mga bata sa pamamagitan ng isang activity.

Maraming Salamat sa ating masipag na Day Care Worker Ma'am Kim Eunice Lacson at Teacher Aid TaΓ±ia Munda para sa matagumpay na activity. At syempre sa mga Mommy at Daddy na very supportive at sobra ang effort para sa magagandang costume ng kanilang mga Anak πŸ’š

Nakasama din si Kagawad Joshua Ilagan Juat - Chairman committee on Health, Kagawad Ino Jacinto - Chairman committee on Gender and Development at Lupon Pidong Dela Cruz.

Isang makabuluhang Training ang matagumpay na dinaluhan ng ating mga masisipag na YOUTH VOLUNTEERS na pinangunahan ni Ka...
25/07/2026

Isang makabuluhang Training ang matagumpay na dinaluhan ng ating mga masisipag na YOUTH VOLUNTEERS na pinangunahan ni Kagawad JOSHUA Juat , SK Kagawad ALVIN Hertez Katipunan ng Kabataan KYLE Enriquez, CALVIN Santos, Topher Austria, John Yumang at Jhenwin Casupanan para sa pagbuo at pagpapatibay ng Disaster & Emergency Response Group.

Ang Training na ito ay naglalayong mas mapalawak ang kaalaman, kasanayan, at kahandaan ng ating mga Youth Volunteers sa mabilis at ligtas na pagtugon sa anumang oras ng kalamidad o sakuna.

Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito, sinisiguro natin na mas ligtas at handa ang bawat pamilya sa ating nasasakupan.

Address

Panghulo Obando Bulacan
Obando
3021

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KAP. BUBUT S. SAYAO posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category