05/06/2026
PBB: Pag-asa: Bitbit ang Bukas
Tingnan ang mga kabataan na kwalipikadong makatanggap at ang sumusunod na schedule ng School Supplies Distribution para sa Junior High School at Senior High School sa darating na Linggo, June 7, 2026 sa SK Office, Brgy. Hall, Purok 3, Pili, Sariaya, Quezon.
Junior High School - 1 PM hanggang 2 PM
Senior High School - 2 PM hanggang 3 PM
‼️May kahiwalay na schedule ang para sa College.
Abangan sa ating opisyal na page kung kailan ang itatakdang schedule.
05/06/2026
Happy Birthday, Hon. Jessica Remojo! 🎉
Today, we celebrate not only your special day but also your unwavering dedication to environmental stewardship and youth empowerment. As an SK Member and Chairperson of the Committee on Environment, your commitment to promoting sustainability, environmental awareness, and community action continues to inspire fellow young people to become responsible guardians of our planet.
Through your leadership, meaningful initiatives for environmental protection and climate action have helped cultivate a greener, cleaner, and more resilient community. Your passion reminds us that the youth play a vital role in building a sustainable future for generations to come.
May this new year of your life bring you renewed energy, abundant blessings, and continued success in your mission to protect the environment and empower the youth. Thank you for leading with purpose, passion, and a heart for both people and the planet.
Happy Birthday! May you continue to be a catalyst for positive change and environmental progress. 💚🌱
04/06/2026
Kidney Health Education and Transplant Advocacy Forum 2026
Nakiisa ang mga Kabataang Pilihin sa Kidney Health Education and Transplant Advocacy Forum ngayong ika-4 ng Hunyo 2026 sa ACE Medical Center, Gibanga, Sariaya, Quezon.
Layunin ng gawaing ito na palawakin ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalusugan ng bato, pag-iwas sa Chronic Kidney Disease (CKD), at pagpapalaganap ng kamalayan hinggil sa organ donation at kidney transplantation.
Sa pamamagitan ng edukasyon at adbokasiya, patuloy nating hinihikayat ang bawat kabataan na maging responsable sa kanilang kalusugan at maging bahagi ng pagsusulong ng isang mas malusog at mas maalam na komunidad.
03/06/2026
31st Monthly Meeting
Isinagawa noong ika-30 ng Mayo 2026 ang ika-31 Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Pili sa Barangay Hall, Purok 3, Pili, Sariaya, Quezon.
Sa pangunguna ni SK Chairperson Bella Bagting, tinalakay ng konseho ang mga paghahanda para sa nalalapit na pagbubukas ng bagong taong pampaaralan, kabilang ang aktibong pakikiisa ng mga kabataan sa Brigada Eskwela 2026.
Nagbigay rin ng mungkahi si SK Member Bryle Janral Acacio hinggil sa posibleng boluntaryong pagtuturo ng mga iSKolar sa mga kabataan bilang bahagi ng pagpapalawak ng serbisyong pang-edukasyon sa barangay. Samantala, iminungkahi naman ni SK Member Princess Nicole Espinosa ang pagsasaayos ng taunang isinasagawang College Entrance Examination bilang isa sa mga requirement para sa Educational Financial Assistance Program.
Tinalakay din sa pulong ang naging karanasan at partisipasyon ng mga kabataan sa pagdiriwang ng World No To***co Day na ginanap noong ika-27 ng Mayo 2026 sa Lucena City.
Napag-usapan din ang mga paparating na aktibidad, kabilang ang Kidney Health Education Forum na gaganapin sa Hunyo 4, 2026 sa ACE Medical Center, Gibanga, Sariaya, Quezon, at ang Disaster Preparedness and Nutrition in Emergencies Seminar na nakatakdang isagawa sa Hunyo 25, 2026.
Binigyang-pansin din ng konseho ang paghahanda para sa Katipunan ng Kabataan Assembly, na nakatakdang ganapin sa Hunyo 20, 2026, bilang mahalagang pagtitipon para sa mga kabataan ng barangay.
Patuloy ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Pili sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa edukasyon, kalusugan, kahandaan sa sakuna, at aktibong partisipasyon ng kabataan sa pagpapaunlad ng komunidad.
03/06/2026
Malinis na Kamay, Ligtas na Pamayanan! 🤲🫧
Alam mo ba? Isang simpleng paghuhugas ng kamay ang maaaring maging sandata laban sa iba’t ibang sakit. 🩷
Sa pakikipagtulungan ng 1st Year BS Nursing Students ng Maryhill College at Sangguniang Kabataan ng Barangay Pili, sama-sama nating matutunan ang tamang paraan ng paghuhugas ng kamay at pagpapanatili ng wastong hand hygiene para sa mas ligtas at mas malusog na komunidad.
Edad: 8-12 years old
Petsa: June 4, 2026
Oras: 1:00 PM
Lugar: Brgy. Hall, Purok 3, Pili, Sariaya, Quezon
Tara na at maging bahagi ng isang makabuluhang talakayan na magpapaalala sa atin na ang kalusugan ay nagsisimula sa maliliit ngunit mahalagang hakbang.
Malinis na kamay ngayon, mas malusog na bukas para sa lahat!
02/06/2026
SK Pili, Sariaya, Quezon, kabilang sa mga National Finalists ng Ten Outstanding UN SDG Awards 2026.
01/06/2026
Brigada Eskwela 2026
Aktibong nakiisa ang mga kabataan ng Barangay Pili sa Brigada Eskwela 2026 na may temang “Bayanihan para sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman” na isinagawa sa Pili Elementary School at Pili National High School nitong ika-1 ng Hunyo 2026.
Sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Pili, nakibahagi rin ang mga kinatawan mula sa Barangay Youth Development Council (BYDC), Kalikasan Youth Movement (KYM), Red Cross Youth Council (RCYC), at Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ng Pili National High School.
Muling pinatunayan ng kabataang Pilihin ang diwa ng bayanihan at pagkakaisa sa paghahanda ng mga paaralan para sa ligtas, maayos, at mas makabuluhang pagbubukas ng panibagong taong panuruan.
30/05/2026
Sa simpleng paraan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Pili, hatid ang pag-asa para sa nalalapit na pagbubukas ng bagong taong pampaaralan sa pamamagitan ng proyektong “PBB: Pag-asa, Bitbit ang Bukas: School Supplies for High School and College Students of Barangay Pili, Sariaya, Quezon”—isang hakbang tungo sa mas handa, mas pinapangarap, at mas maliwanag na kinabukasan ng Kabataang Pilihin.
Limitado lamang ang slots kaya tara na at magpalista sa pamamagitan ng Google forms na ito:
https://tinyurl.com/PBBSKPiliSchoolSupplies
https://tinyurl.com/PBBSKPiliSchoolSupplies
https://tinyurl.com/PBBSKPiliSchoolSupplies
30/05/2026
SK Chairperson Bella Bagting, kasama sina Municipal Council for the Protection of Children Child Representatives Gwen Bico mula sa Barangay Pili at Dwayne Tuyo mula sa Barangay Gibanga, nakiisa sa isang pagpupulong kasama ang Municipal Social Welfare and Development Office na layuning pag-usapan at palakasin ang mga programa at interbensyon para sa proteksyon, kapakanan, at maayos na pag-unlad ng mga bata sa ating komunidad.