BCO-Brgy.Cabariwan Official

Directions

BCO-Brgy.Cabariwan Official “The only way to do great work is to love what you do. If you haven’t found it yet, keep looking.

🎓💙 A BLESSING FOR OUR   4th YEAR COLLEGE STUDENTS ! 🙏✨Five (5) deserving students from our community have been given a m...
11/09/2026

🎓💙 A BLESSING FOR OUR 4th YEAR COLLEGE STUDENTS ! 🙏✨

Five (5) deserving students from our community have been given a meaningful opportunity through the PBBM Presidential Scholarship.

Each scholar will receive ₱20,000.00 in educational assistance, providing a total of ₱100,000.00 in support for our five beneficiaries.

This initiative is made possible through the “Bawat Barangay Makikinabang Program” under the Presidential Assistance to Barangays – Socio-Civic Project Fund (SCPF), bringing valuable educational assistance closer to our students.

May this support help ease some of the financial challenges of pursuing your studies and encourage you to remain focused on achieving your goals. Continue to work hard, value your education, and make the most of every opportunity that comes your way.

Your dedication and achievements are a source of pride for your families and our entire barangay. Keep moving forward and continue inspiring other young people to pursue their dreams. 🎓🌟

Congratulations ! 💙

May you continue to succeed in your studies and build a bright future through education and determination.

We are proud of you and excited to see all that you will accomplish! 🇵🇭✨




GENERAL RABUS | Augusy 29,2026🧹🌿Maraming, maraming salamat po sa lahat ng nakiisa sa ating General Rabus sa buong Barang...
01/09/2026

GENERAL RABUS | Augusy 29,2026🧹🌿
Maraming, maraming salamat po sa lahat ng nakiisa sa ating General Rabus sa buong Barangay Cabariwan! ❤️

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa mga 4Ps beneficiaries, Walang Gutom beneficiaries, at sa lahat ng iba pang residente na naglaan ng oras, lakas at panahon upang makiisa sa ating paglilinis.

Sama-sama, bayanihan at pagkakaisa para sa mas malinis at mas maunlad na Barangay Cabariwan! 🇵🇭
Maraming salamat po sa inyong lahat! ❤️👏






GENERAL RABUS | August 29,2026🧹🌿Maraming, maraming salamat po sa lahat ng nakiisa sa ating General Rabus sa buong Barang...
01/09/2026

GENERAL RABUS | August 29,2026🧹🌿
Maraming, maraming salamat po sa lahat ng nakiisa sa ating General Rabus sa buong Barangay Cabariwan! ❤️

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa mga 4Ps beneficiaries, Walang Gutom beneficiaries, at sa lahat ng iba pang residente na naglaan ng oras, lakas at panahon upang makiisa sa ating paglilinis.

Sama-sama, bayanihan at pagkakaisa para sa mas malinis at mas maunlad na Barangay Cabariwan! 🇵🇭
Maraming salamat po sa inyong lahat! ❤️👏






Sa pagdiriwang ng iyong ika-60 kaarawan, nais naming ipabatid kung gaano ka kahalaga at kamahal ng iyong pamilya, mga ka...
27/08/2026

Sa pagdiriwang ng iyong ika-60 kaarawan, nais naming ipabatid kung gaano ka kahalaga at kamahal ng iyong pamilya, mga kaibigan, at ng buong Barangay Cabariwan.

Animnapung taon ay isang napakagandang paglalakbay—punô ng masasayang alaala, pagsubok na nalampasan, sakripisyo, at mga biyayang naging bahagi ng iyong buhay.

Bilang isang Barangay Health Worker (BHW), taos-puso kaming nagpapasalamat sa iyong dedikasyon at malasakit sa ating mga kabarangay. Sa bawat pag-aasikaso, pag-alalay, pagbisita, at pagbibigay ng serbisyo, ipinapakita mo ang tunay na kahulugan ng pagiging isang lingkod ng komunidad. ❤️

Maraming salamat sa iyong oras, sipag, kabutihan, at pusong laging handang tumulong. Ang iyong serbisyo at malasakit ay malaking bahagi ng ating barangay at tunay na pinahahalagahan ng mga taong iyong natutulungan.

Sa pagpasok mo sa panibagong yugto ng iyong buhay, dalangin namin na pagkalooban ka pa ng mahaba, malusog, masaya at mapayapang buhay, kasama ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay.

Nawa’y suklian ng Panginoon ang lahat ng kabutihan at pagmamahal na iyong ibinibigay sa iba. Patuloy kang maging inspirasyon sa ating komunidad.

Maligayang ika-60 kaarawan! 🎂🌹
Maraming salamat sa iyong walang sawang paglilingkod bilang BHW ng Barangay Cabariwan.

God bless you always, at nawa’y marami pang taon ng kaligayahan, kalusugan at makabuluhang paglilingkod ang ipagkaloob sa iyo. ❤️🙏

Happy 60th Birthday! Mahal ka namin🎉💐

-from your BCO FAMILY 💕😘🎁🎉🎂💐

🌧️🎉 HIMULOAN FESTIVAL 2026 🎉Kahit maulan, hindi naging hadlang ang panahon upang patuloy na makiisa ang Barangay Cabariw...
18/08/2026

🌧️🎉 HIMULOAN FESTIVAL 2026 🎉

Kahit maulan, hindi naging hadlang ang panahon upang patuloy na makiisa ang Barangay Cabariwan sa pagdiriwang ng Himuloan Festival 2026 ngayong Agosto 18, 2026.

Buong sigla itong nilahukan ng Pastoral Council ng Cabariwan, Barangay Council, Barangay Appointed Officials, kasama ang DLC and Majorettes ng Cabariwan Elementary School. ❤️

Bitbit ang mga goods at munting handog para sa St. Bernard Abboth Parish Church, ipinakita natin ang tunay na diwa ng pagbabahagi, pagkakaisa at pagmamalasakit sa kapwa.

Sa kabila ng ulan, tuloy ang ating pakikiisa at bayanihan. 🌧️💪❤️
Mabuhay ang Barangay Cabariwan! Mabuhay ang Himuloan Festival 2026! 🎊

15/08/2026

PWD Day Celebration 💙

Nakiisa ang mga Persons with Disabilities (PWD) ng Barangay Cabariwan sa pagdiriwang ng PWD Day bilang pagpapakita ng pagkakaisa, talento, at aktibong pakikilahok sa mga programa ng komunidad.

Mas ikinagagalak natin na nakapasok sa TOP 10 ang Barangay Cabariwan! 🏆👏

Congratulations sa ating mga PWD at maraming salamat sa lahat ng naging bahagi at sumuporta sa matagumpay na paglahok ng ating barangay! 💙
Mabuhay ang PWD ng Barangay Cabariwan! Mabuhay ang Cabariwan! 🎉





💛✨ SENIOR CITIZENS DAY 2026 ✨💛Noong Agosto 13, 2026, nakiisa ang mga Senior Citizens ng Barangay Cabariwan sa pagdiriwan...
15/08/2026

💛✨ SENIOR CITIZENS DAY 2026 ✨💛
Noong Agosto 13, 2026, nakiisa ang mga Senior Citizens ng Barangay Cabariwan sa pagdiriwang ng Senior Citizens Day, isang programa ng LGU Ocampo.

Isa sa mga naging makabuluhang bahagi ng pagdiriwang ay ang pagiging saksi sa pagdiriwang ng mga mag-asawang umabot sa Golden Wedding Anniversary—50 taon ng pagmamahalan, pagsasama, katapatan at pagharap sa bawat pagsubok ng buhay. 💍💛

Ang kanilang kwento ay nagsisilbing inspirasyon sa mga pamilya at sa buong komunidad na ang tunay na pagmamahalan ay pinatatatag ng pag-unawa, pagtitiwala, respeto at pagsasama sa hirap at ginhawa.
Saludo kami sa ating mga Senior Citizens at sa mga Golden Couples! 👏💛

Nawa’y patuloy kayong maging inspirasyon sa mga susunod na henerasyon.






🌾🏆 AGRI TRADE FAIR 2026 🏆🌾Noong Agosto 6, 2026, matagumpay na nakiisa ang Barangay Cabariwan sa ginanap na Agri Trade Fa...
15/08/2026

🌾🏆 AGRI TRADE FAIR 2026 🏆🌾

Noong Agosto 6, 2026, matagumpay na nakiisa ang Barangay Cabariwan sa ginanap na Agri Trade Fair ng LGU Ocampo.

Ikinagagalak naming ibahagi na nagwagi ang Barangay Cabariwan ng 4th Place sa Display! 🎉👏

Ang pagkilalang ito ay bunga ng sipag, dedikasyon at sama-samang effort ng buong Barangay Council, sa pangunguna ng Committee on Agriculture, Hon. Simplicio Irlanda, at sa pamumuno ni Punong Barangay Mylen B. Epenida.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa mga BHWs, Barangay Tanods, at lahat ng appointed officials ng Barangay Cabariwan na naglaan ng oras, lakas at suporta upang maging matagumpay ang ating pakikilahok. 🤝💚

Maraming salamat din sa Bagong Sta. Cruzan Farmers Association sa Panguguna ni President Lillian M. Vergara sa kanilang pakikiisa at pagtutulungan sa lahat ng aspeto ng aktibidad. 🌾

Ang 4th Place na ito ay tagumpay ng buong Cabariwan—patunay na kapag tayo ay nagkakaisa at nagtutulungan, maraming bagay ang ating kayang makamit! 🏆🌾

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay na ito! Mabuhay ang Barangay Cabariwan at ang ating mga magsasaka! 💚







15/08/2026

PWD Day Celebration 💙
Nakiisa ang mga Persons with Disabilities (PWD) ng Barangay Cabariwan sa pagdiriwang ng PWD Day bilang pagpapakita ng pagkakaisa, talento, at aktibong pakikilahok sa mga programa ng komunidad.
Mas ikinagagalak natin na nakapasok sa TOP 10 ang Barangay Cabariwan! 🏆👏
Congratulations sa ating mga PWD at maraming salamat sa lahat ng naging bahagi at sumuporta sa matagumpay na paglahok ng ating barangay! 💙
Mabuhay ang PWD ng Barangay Cabariwan! Mabuhay ang Cabariwan! 🎉





PWD Day Celebration 💙Nakiisa ang mga Persons with Disabilities (PWD) ng Barangay Cabariwan sa pagdiriwang ng PWD Day bil...
15/08/2026

PWD Day Celebration 💙

Nakiisa ang mga Persons with Disabilities (PWD) ng Barangay Cabariwan sa pagdiriwang ng PWD Day bilang pagpapakita ng pagkakaisa, talento, at aktibong pakikilahok sa mga programa ng komunidad.

Mas ikinagagalak natin na nakapasok sa TOP 10 ang Barangay Cabariwan! 🏆👏

Congratulations sa ating mga PWD at maraming salamat sa lahat ng naging bahagi at sumuporta sa matagumpay na paglahok ng ating barangay! 💙

Mabuhay ang PWD ng Barangay Cabariwan! Mabuhay ang Cabariwan! 🎉





Address

ZONE 1, Barangay Cabariwan, Camarines Sur
Ocampo
4419

Opening Hours

Monday 8:30am - 5pm
Tuesday 8:30am - 5pm
Wednesday 8:30am - 5pm
Thursday 8:30am - 5pm
Friday 8:30am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BCO-Brgy.Cabariwan Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category