Odiongan Municipal Nutrition Action Office

Call Directions Website

Odiongan Municipal Nutrition Action Office Welcome to the official page of Odiongan Municipal Nutrition Action Office.

🌸 BUNTIS CONGRESS 2026: Nurturing Moms, Protecting Babies in Odiongan! 🌸October 12, 2026In celebration of National Breas...
15/10/2026

🌸 BUNTIS CONGRESS 2026: Nurturing Moms, Protecting Babies in Odiongan! 🌸

October 12, 2026
In celebration of National Breastfeeding Month 2026, matagumpay na isinagawa ng LGU Odiongan, sa pangunguna ng Odiongan Municipal Nutrition Action Office (MNAO), ang Buntis Congress 2026 sa Odiongan Covered Court! 🎉✨

💖 Event Highlights
👥 100 Target Beneficiaries & Supportive Partners: Dumalo ang 50 pregnant women at 50 lactating mothers mula sa iba't ibang barangay sa Odiongan, katuwang ang kanilang mga asawa na nakiisa sa mahalagang kaganapang ito.

🎁 Care & Support: Nakatanggap ang mga nanay ng essential hygiene at nutrition kits, commodities, at valuable health guidance.

💃 Lively Atmosphere: Nagpakita ng energetic fitness dance performance ang Odiongan Dance Fitness Association (ODFA), kasabay ng pagpapakita ng inspiring video stories ng ating local breastfeeding moms!

💡 Key Topics & Expert Insights
Maraming natutunang mahahalagang tips ang ating mga mommy at daddy mula sa ating guest health experts:

👶 First 1000 Days & Maternal Nutrition – Ang mahalagang pundasyon para sa tamang paglaki at mental development ng baby.

🤱 Exclusive Breastfeeding & Complementary Feeding – Benepisyo ng breastmilk at tamang pagpapakain simula 6 months.

🧠 Behavioral Change in Parenting – Positive reinforcement, responsableng pagpapalaki ng anak, at ang mahalagang papel ng ama sa pamilya.

🦷 Oral & Dental Health – Tamang pangangalaga sa ngipin habang nagdadalang-tao.

💊 Rationale Use of Drugs – Ligtas na pag-inom ng gamot para sa mga buntis at breastfeeding moms.

🩺 HIV/AIDS & STD Awareness – Kahalagahan ng reproductive health at early screening.

🤝 Strong Community & Leadership Support
Isang malaking pasasalamat sa ating mga local leaders at medical experts para sa kanilang walang sawang suporta at inspiring messages:

• Hon. Joel F. Falogme (SB Member / Chairman, Committee on Health)
• Dr. Gaudencio D. Formadero (Municipal Health Officer / MNC Vice-Chairperson)
• Hon. Roger Q. Fodra, Jr. (Municipal Mayor / MNC Chairperson)
• Hon. Michael M. Arevalo (Municipal Vice Mayor)
• Dr. Winston, MD, MPH (Provincial DOH Office - Romblon)
• Mr. Nigel G. David (HRMA / MNAO)

Patuloy ang LGU Odiongan at DOH sa pagtataguyod ng mas malusog at mas ligtas na kinabukasan para sa bawat Odionganon pamilya! 🤱👨‍👩‍👧❤️✨


Isang inisyatibo ng  Municipal Nutrisyon Action Office (MNAO)  sa pamumuno ni Mayor Roger Q. Fodra Jr. para sa mga bedri...
08/10/2026

Isang inisyatibo ng Municipal Nutrisyon Action Office (MNAO) sa pamumuno ni Mayor Roger Q. Fodra Jr. para sa mga bedridden na senior citizens at may kapansanan na mag bigay ng suporta sa pamamagitan ng mga commodities. Ang opisina ay ng bigay ng diaper, bitamina, oatmeal, at Information, Education, and Campaign (IEC) materials ukol sa Pinggang Pinoy na malaking tulong upang maging gabay sa paghahanda ng masustansyang pagkain at mapanatili ang kanilang kalusugan at kagalingan kahit sila ay may nararamdaman.


Bilang bahagi ng layunin ng bayan ng Odiongan na labanan ang malnutrisyon, matagumpay na naisagawa ng Tanggapan ng Munic...
06/10/2026

Bilang bahagi ng layunin ng bayan ng Odiongan na labanan ang malnutrisyon, matagumpay na naisagawa ng Tanggapan ng Municipal Nutrition Office ang Pamamahagi ng Suportang Nutrisyon sa 66 Batang Kabilang sa "Vulnerable" noong Oktubre 5, 2026.

Ang aktibidad na ito ay para sa mga batang natukoy na kulang sa timbang at mula sa mga pamilyang nangangailangan sa iba't ibang barangay ng Odiongan. Sa pangunguna ng Municipal Nutrition Action Officer at sa tulong ng mga Barangay Nutrition Scholar, nakatanggap ang kabuuang 66 bata.

Bago ang pamamahagi, isinagawa muna ang pagtimbang at pagsukat ng bawat bata ng mga BNS upang malaman ang kanilang kalagayang nutrisyon. Nagkaroon din ng maikling pagtuturo sa mga magulang tungkol sa tamang pagpapakain, paghahanda ng masustansyang pagkain, at kahalagahan

Ang gawaing ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap at suporta ng ating butihing Mayor Roger Fodra at ng Tanggapan ng Municipal Nutrition Office upang matiyak na ang mga batang "vulnerable" sa Odiongan ay mabibigyan ng tamang nutrisyon para sa kanilang malusog na paglaki.



✨ PABASA SA SENIORS 2026: ISANG MATAGUMPAY AT MASIGLANG PAGDIRIWANG SA KOMUNIDAD NG ANAHAO! ✨September 21, 2026Puno ng g...
23/09/2026

✨ PABASA SA SENIORS 2026: ISANG MATAGUMPAY AT MASIGLANG PAGDIRIWANG SA KOMUNIDAD NG ANAHAO! ✨

September 21, 2026

Puno ng galak, sigla, at pagmamahal na idinaos ang "Pabasa sa Seniors 2026" sa komunidad ng Barangay Anahao! Isang espesyal na araw ito ng pagtitipon para bigyang-halaga ang ating mga mahal sa buhay na senior citizens sa pamamanan sa pamamagitan ng pagpapalakas ng espiritwalidad, pakikipagkapwa, kalusugan, at pagpapakita ng kanilang natatanging talento sa pagluluto.

Opening Prayer na pinangunahan ni Pastor Ely Escarilla, na nag-alay ng panalangin ng pasasalamat at gabay para sa kalusugan at mahabang buhay ng ating mga lolo at lola.

Naging mas makabuluhan ang kaganapan sa pagdalo at suporta ng ating mga dedikadong opisyal, kinatawan, at pinuno sa pamayanan:

Punong Barangay Capt. Lito Romero – Nagpaabot ng mainit na pagbati at patuloy na pagsuporta sa mga programa para sa senior citizens.

OSCA Head Nanie Noche – Nagbahagi ng updates at mga benepisyong nakalaan para sa ating mga nakatatanda.

Pres. Edna Fontelo (Senior Anahao President) – Nagbigay ng mensahe ng pasasalamat sa aktibong pakikilahok ng bawat miyembro.

Ms. Lorely Ann Mendoza (MNAO Representative para kay Mr. Nigel David) – Nagpaabot ng suporta at mahahalagang paalala ukol sa nutrisyon at kalusugan ng mga nakatatanda. Kasabay nito, pormal din niyang pinangunahan ang pamimigay ng mga IEC Materials (Pinggang Pinoy guide) at mahahalagang vitamins mula sa MNAO Office para sa ating mga senior citizens!

OFSCA President Edwin Gan – Nag-iwan ng inspirasyonal na mensahe ng pagkakaisa at pagkilala sa mahalagang papel ng mga nakatatanda sa lipunan.

Binigyang-diin din ang kapakanan at kalusugan ng ating mga seniors sa pamamagitan ng isang interactive at kapaki-pakinabang na pagbabahagi ng kaalaman na pinangunahan ni Dr. Venjune P. Tansiongco:

🍎 Wastong Nutrisyon: Edukasyon sa tamang pagkain at nutrisyon na angkop sa edad at pangangailangan ng mga nakatatanda. Pagbabahagi ng mga simpleng kasanayan at practical health tips para sa pag-iwas sa karaniwang sakit, tamang pag-eehersisyo, at pagpapanatili ng lakas ng katawan at isipan.

Kapanapanabik na Cooking Contest & Awarding Ceremony
Hindi nawala ang saya, amoy ng masasarap na putahe, at sigla sa ginanap na Cooking Contest! Ipinamalas ng ating mga lolo at lola ang kanilang walang kupas na galing at recipe sa pagluluto ng masusustansyang pagkain.

Pagkatapos ng masusing pagtikim at paghuhukom (Judging), pormal na ipinahayag ang mga nagwagi sa Awarding Ceremony:

🥇 CHAMPION / GRAND WINNER: Group 1 (Nagtamo ng kampeonato at dagdag na ₱3,000 cash prize!)

🎁 CONSOLATION PRIZE WINNERS: Nakatanggap ng ₱1,000 bawat kalahok na grupo bilang pagkilala sa kanilang mahusay na paglahok.

💚 Pangwakas na Salita
Sa pagtatapos ng programa, nag-iwan ng mahalagang Closing Remarks si Pres. Edna Fontelo, kung saan pormal niyang pinasalamatan ang lahat ng dumalo, nakiisa, at tumulong upang maging matagumpay, ligtas, at masustansya ang pagdiriwang na ito.

Maraming salamat sa ating mga senior citizens sa inyong walang kupas na sigla at inspirasyon sa komunidad ng Anahao! Hanggang sa muling pagkikita sa ating mga susunod na aktibidad! 👴


🎉 PABASA SA SENIORS 2026: ISANG MATAGUMPAY AT MASIGLANG PAGDIRIWANG SA KOMUNIDAD NG PROGRESO ESTE! 👵👴✨Naging puno ng sig...
18/09/2026

🎉 PABASA SA SENIORS 2026: ISANG MATAGUMPAY AT MASIGLANG PAGDIRIWANG SA KOMUNIDAD NG PROGRESO ESTE! 👵👴✨

Naging puno ng sigla, kaalaman, at saya ang ginanap na Odiongan Senior Citizens Nutrition Celebration Program ,
September 17, 2026, na ginanap sa Progreso Este, Odiongan, Romblon!

Sa ilalim ng temang "Healthy Seniors, Stronger Communities," matagumpay na naisakatuparan ang gawaing ito sa pagtutulungan at pakikipagkaisa ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), Municipal Nutrition Action Office (MNAO), at Rural Health Unit (RHU), kasama ang mainit na pagtanggap ng buong barangay ng Progreso Este. Ang programang ito ay naglayong bigyang-halaga ang kalusugan, wastong nutrisyon, at aktibong pamumuhay ng ating mga nakatatanda.

Maagang dumalo ang ating mga senior citizens mula sa Progreso Este at mga kalapit na lugar para sa registration. Pormal na binuksan ang okasyon sa pamamagitan ng pambungad na panalangin, kasunod ang sama-samang pag-awit ng Lupang Hinirang at Odiongan Hymn.

Mainit na tinanggap ni Mrs. Nanie F. Noche (OSCA Head) ang lahat ng dumalo at ibinahagi ang kahalagahan ng patuloy na pag-alaga sa ating mga nakatatanda.

Nag-iwan ng nakakainspirang mensahe si Mr. Edwin D. Gan (OFSCA President) ukol sa pagkakaisa at kahalagahan ng mga seniors sa komunidad.

Nagbahagi ng mahalagang mensahe para sa nutrisyon si Ms. Lorely Ann Mendoza (MNAO), na kinatawan ni Mr. Nigel G. David — kung saan namigay din ang MNAO ng mga babasahing leaflets ukol sa Pinggang Pinoy for Adults upang magsilbing gabay sa araw-araw na paghahanda ng balanseng pagkain sa bahay. 📄🥗

Part I: Edukasyon sa Kalusugan (Lecture): Naging lubos na kapaki-pakinabang ang itinurong kaalaman ni Dr. Venjune P. Tansiongco, kung saan itinampok ang mga praktikal na payo ukol sa wastong nutrisyon, pag-iwas sa sakit, at pagpapanatili ng malusog na pangangatawan sa kabila ng pag-edad.

Part II: Masustansyang Lutuin at Parangal (Cooking Contest & Awarding): Masayang ipinamalas ng ating mga nakatatanda ang kanilang natatanging galing at pagiging malikhain sa pagluluto ng mga masusustansya at masasarap na pagkain! Nagtapos ang programa sa pagkilala at pagpaparangal sa mga nagwagi at nakiisa sa paligsahan. 🏆🥦

Isang taos-pusong pasasalamat sa mga mamamayan at opisyal ng Progreso Este, sa ating mga Lolo at Lola na dumalo at nakiisa, sa mga organizers, bisita, at sa buong bayan ng Odiongan na sumuporta upang maging matagumpay, ligtas, at masaya ang kaganapang ito.

Patuloy nating alagaan at pahalagahan ang ating mga senior citizens — dahil ang malusog na seniors ay pundasyon ng isang mas matatag na komunidad! 👵👴


BNS 3RD QUARTERLY MEETING Venue: Barangay LibertadDate: September  14, 2026Matagumpay na ginanap ang 3rd Quarter Meeting...
15/09/2026

BNS 3RD QUARTERLY MEETING

Venue: Barangay Libertad
Date: September 14, 2026

Matagumpay na ginanap ang 3rd Quarter Meeting ng mga BNS sa Barangay Libertad.

Mainit at maayos na sinalubong ng barangay ang lahat ng mga BNS.
Nagbigay ng Welcome Remarks si Kagawad Boy Magramo at nagpasalamat sa patuloy na dedikasyon ng mga BNS sa kanilang serbisyo sa komunidad.

Dinaluhan ito ng mga BNS mula sa iba't ibang barangay kasama ang mga staff ng MNAO Office na sina Sir Bien Perez at Sir Mac Genric Rafael upang talakayin ang mga mahahalagang usapin para sa nutrisyon sa ating bayan.

MGA AGENDA NA TINALAKAY:

1.Update Reports of Hog Dispersal
2.BNS I.D and Uniform
3.Treasurer’s Report
4.Election of New BNS Treasurer
5.Nutrigold Updates / Report
6. Other Matters

Nagkaroon din ng pag-uulat at pag-update sa mga programa at aktibidad ng bawat barangay.

Maraming salamat po Barangay Libertad Council sa pangunguna ni Kap Luciano Fajarito sa mainit na pagtanggap at suporta sa mga BNS!

Mabuhay ang mga BNS! Mabuhay ang Barangay Libertad!


14/09/2026
4-Day Refresher Course para sa mga BNS, Pinangunahan sa Bayan ng OdionganSeptember 8-11, 2026 | Pinalakas ang kaalaman a...
14/09/2026

4-Day Refresher Course para sa mga BNS, Pinangunahan sa Bayan ng Odiongan

September 8-11, 2026 | Pinalakas ang kaalaman at kasanayan ng mga Barangay Nutrition Scholars mula sa Bayan ng Concepcion, San Andres, Looc, at Odiongan sa pamamagitan ng apat na araw na Basic and Refresher Course Training Workshop na ginanap sa VES Place, Tabing-dagar, Odiongan, Romblon.

Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Romblon ang training sa pakikipagtulungan sa Municipal Nutrition Action Office Odiongan, sa pangunguna ni MNAO Nigel David, Department of Health, at National Nutrition Council na naglalayong mas maihanda ang mga BNS sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon sa barangay.

Sa loob ng apat na araw, tinalakay ang mga pangunahing kaalaman at praktikal na kasanayang kailangan ng mga BNS sa kanilang araw-araw na tungkulin sa barangay. Kabilang dito ang Barangay Nutrition Scholar Program at ang papel ng BNS bilang katuwang ng pamahalaan sa pagtukoy at pagtugon sa mga usaping pangnutrisyon sa komunidad, gayundin ang mga basic concepts sa food and nutrition na mahalaga sa pagbibigay ng wastong impormasyon at gabay sa mga pamilya.

Binigyang-pansin din ang paghahanda sa mga BNS sa kanilang mga roles and functions, kabilang ang kanilang pakikibahagi sa pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon at iba pang gawaing may kaugnayan sa kalusugan sa antas-barangay. Tinalakay rin kung paano naiuugnay ang Barangay Nutrition Program sa Local Development System upang maging bahagi ng mas malawak na pagpaplano at pagtugon ng barangay sa mga pangangailangan ng mga residente.

Kasama rin sa training ang paksang “Barangay Nutrition Scholar in Action,” na nakatuon sa aktuwal na aplikasyon ng kaalaman ng mga BNS sa kanilang mga barangay. Isinagawa rin ang hands-on demonstration sa tamang pagsukat ng height at length, isang mahalagang kasanayan sa pangangalap ng datos para sa pagtukoy at pagmamanman sa nutritional status ng mga bata.

Sa pamamagitan ng kombinasyon ng lecture, talakayan, at praktikal na pagsasanay, nabigyan ang mga kalahok ng pagkakataong mas maunawaan hindi lamang ang kanilang mga tungkulin bilang BNS kundi pati ang wastong paraan ng pagsasagawa ng mga gawaing bahagi ng kanilang serbisyo sa barangay.

Sa naging mensahe si Mayor Toto Fodra Jr., binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng mga BNS sa pangangalaga sa kalusugan at nutrisyon ng mga bata, lalo na sa pagtugon sa malnutrition at stunting. Naniniwala siyang kabataan ang pag-asa ng bayan, at mahalaga ang tulong ng mga BNS upang maisakatuparan ito. Patuloy ring nakatuon ang Pamahalaang Bayan ng Odiongan sa kalusugan at nutrisyon ng mga Odionganon, kabilang ang pagbibigay ng mga kinakailangang training upang higit pang mapahusay ang serbisyo sa mga barangay.

Samantala, ipinahayag din ng Provincial Government of Romblon ang buong suporta nito sa patuloy na pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon sa mga bayan at barangay sa lalawigan. Sa mensaheng ipinahatid ni G. Edrilon Silanga ng Provincial Health Office, sa ngalan ni Governor Trina Firmalo-Fabic, kinilala ang kahalagahan ng mga BNS bilang katuwang ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa nutrisyon at kalusugan.

Naging bahagi ng training bilang mga tagapagsalita sina Carmen Chita Gumban, Edrilon Silanga, Janine Pamela Montojo, at Shyrose Mayuga, na nagbahagi ng kaalaman at gabay sa iba't ibang aspeto ng Barangay Nutrition Scholar Program at pagpapatupad ng mga gawaing pangnutrisyon sa barangay.

Sa patuloy na pagtutulungan ng municipal at provincial government at ng mga BNS, inaasahang mas mapapalakas ang paghahatid ng mga serbisyong pangnutrisyon hanggang sa antas-barangay. Sa ganitong paraan, mas nagiging handa ang mga BNS na gampanan ang kanilang tungkulin bilang katuwang ng pamahalaan sa pangangalaga sa kalusugan at nutrisyon ng mga bata at pamilya.


Flag Raising CeremonySeptember 14, 2026 | Pinangunahan ng Office of the Municipal Accountant ang Flag Raising Ceremony n...
14/09/2026

Flag Raising Ceremony

September 14, 2026 | Pinangunahan ng Office of the Municipal Accountant ang Flag Raising Ceremony ngayong ikalawang Lunes ng Setyembre.

Kasabay nito, nagpaabot ng pasasalamat ang Gender and Development (GAD) Office sa Mayor’s Office at mga Municipal Unit Heads sa kanilang suporta sa matagumpay na pagkumpleto ng limang sessions mula Hulyo hanggang Agosto. Kinilala rin ang mga presenters, proponents, learning coaches, at Monitoring and Evaluation Team na naging katuwang sa presentasyon at proposal defenses para sa taong 2027.

Hinikayat din ang lahat ng project proponents at iba pang units na makiisa sa Two-Day Seminar-Workshop sa September 22–23, para sa pagbabalik-tanaw sa mga commitments at pagpapatibay ng mga hakbang tungo sa pagkamit ng LGU GAD Agenda. Nagpaabot din ng pasasalamat sa Municipal Economic Enterprise and Development Office (MEEDO), Facility Managers, Municipal Administrator, Monitoring Teams, at PDC sa kanilang suporta at pakikiisa.

Samantala, nagpasalamat ang Municipal Nutrition Action Office (MNAO) sa Punong Bayan at Municipal Agriculture Office sa patuloy na paglalaan ng pondo para sa Hapag Community Garden, gayundin sa Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) para sa monitoring at sa mga hurado ng Hapag Garden Contest.

Bilang pagkilala sa mga nagsikap at nakilahok, isinagawa rin ngayong araw ang Awarding Ceremony ng Hapag Community Garden Contest, na ginanap noong August 20–29, 2026, kung saan iginawad ang mga cash prize sa mga nanalo.


Address

Second Floor, Left Wing, Odiongan Covered Court, JP Laurel Street, Barangay Liwanag
Odiongan
5505

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639399811651

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Odiongan Municipal Nutrition Action Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share