Barangay Liwanag, Odiongan

Directions

Barangay Liwanag, Odiongan Official FB Page of the Barangay Local Government Unit of Brgy Liwanag, Odiongan, Romblon

πŸ’» β‚±100,000 BARANGAY PROJECTBukod sa β‚±100,000 na inilaan para sa limang (5) piling Barangay Scholars, matagumpay na ring ...
13/10/2026

πŸ’» β‚±100,000 BARANGAY PROJECT

Bukod sa β‚±100,000 na inilaan para sa limang (5) piling Barangay Scholars, matagumpay na ring naisakatuparan ang isa pang β‚±100,000 na proyekto para sa Barangay Liwanag!

Sa pamamagitan ng pondong ito, nakabili ang ating barangay ng 1 Laptop, 1 Projector, at 1 Printer na magsisilbing dagdag na kagamitan para sa mas maayos, mabilis, at episyenteng pagsasagawa ng mga gawaing administratibo at paghahatid ng serbisyo sa ating mga kabarangay. πŸ’»πŸ“½οΈπŸ–¨οΈ

Taos-pusong pasasalamat kay Pangulong Ferdinand β€œB**gbong” Marcos Jr. para sa suportang nakatulong sa pagsasakatuparan ng proyektong ito.

Patuloy ang Barangay Council ng Liwanag sa pagsusulong ng mga proyektong kapaki-pakinabang sa komunidad at sa pagpapabuti ng serbisyo publiko.

Barangay Liwanag, Padayon! πŸ«ΆπŸΌπŸ’™

08/10/2026

πŸ“’ PAANYAYA SA LAHAT

Magandang araw po!

Bukas po ay gaganapin ang 2nd Barangay Assembly ng KALAHI-CIDSS dito sa ating barangay. Sa pagpupulong na ito, ipapaliwanag at tatalakayin ang proyektong ipatutupad sa Barangay Liwanag.

Inaanyayahan po ang bawat isa na dumalo, makinig, at makilahok sa talakayan kasama ang ating mga panauhin at mga kinatawan ng KALAHI-CIDSS.

Hinihikayat din po ang lahat na magtanong at magbahagi ng mga saloobin upang mas maging malinaw sa bawat isa ang proyekto at ang mga prosesong pagdaraanan nito.

πŸ“… Bukas, October 9, 2026
⏰ 9:00 AM
πŸ“ Barangay Liwanag Session Hall

Ang inyong presensya at pakikilahok ay mahalaga sa matagumpay at maayos na pagpapatupad ng proyekto sa ating barangay.
Maraming salamat po, at inaasahan po namin ang inyong pagdalo!

Barangay Liwanag, Padayon! πŸ’š

The Barangay Council of Liwanag extends its warmest congratulations to Engr. Angelica G. Elisan for passing the Septembe...
02/10/2026

The Barangay Council of Liwanag extends its warmest congratulations to Engr. Angelica G. Elisan for passing the September 2026 Civil Engineering Licensure Examination! πŸ‘·β€β™€οΈβ€οΈ

Your achievement is a testament to your hard work, perseverance, and dedication. May this remarkable milestone open doors to greater opportunities and inspire the youth of our community to pursue their dreams with determination and faith.

We are proud of your success and wish you a bright and fulfilling career as a Civil Engineer!
To God Be the Glory! πŸ™βœ¨

Congratulations, Engr. Angelica!
Barangay Liwanag, Padayon! β€οΈπŸ’›

🏘️ BARANGAY DEVELOPMENT COUNCIL (BDC) MEETING PARA SA 20% DEVELOPMENT FUND PROJECTMatagumpay na isinagawa ang Barangay D...
18/09/2026

🏘️ BARANGAY DEVELOPMENT COUNCIL (BDC) MEETING PARA SA 20% DEVELOPMENT FUND PROJECT

Matagumpay na isinagawa ang Barangay Development Council (BDC) Meeting ng Barangay Liwanag, Odiongan, Romblon noong Setyembre 16, 2026, ganap na alas-2:00 ng hapon.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga panukalang proyekto ng Barangay na popondohan sa ilalim ng 20% Development Fund, bilang bahagi ng maayos at participatory na pagpaplano para sa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nakiisa, lalo na sa ating mga Civil Society Organizations (CSOs), sa kanilang mahalagang oras, aktibong pakikilahok, at mga suhestiyon na nakatulong sa makabuluhang talakayan.

🀝 Sama-sama sa pagpaplano, sama-sama sa pag-unlad!

πŸ’š Barangay Liwanag, Padayon!

🏘️ BARANGAY DEVELOPMENT COUNCIL (BDC) MEETING PARA SA KALAHI-CIDSS SUBPROJECTMatagumpay na isinagawa ng Barangay Liwanag...
18/09/2026

🏘️ BARANGAY DEVELOPMENT COUNCIL (BDC) MEETING PARA SA KALAHI-CIDSS SUBPROJECT

Matagumpay na isinagawa ng Barangay Liwanag ang Barangay Development Council (BDC) Meeting noong Setyembre 16, 2026, alas-9:00 ng umaga, sa Barangay Session Hall.

Dinaluhan ito ng mga miyembro ng BDC at ating mga Community Volunteers bilang bahagi ng paghahanda para sa maayos, participatory, at transparent na pagpapatupad ng KALAHI-CIDSS Subproject sa barangay.

Pinangunahan nina Ma’am Jaysabel Venus at Sir Lito ang pagpupulong at ginabayan ang mga kalahok sa masusing pagtalakay, pagpaplano, at pagtatalaga ng mga kinakailangang gawain para sa matagumpay na pagpapatupad ng subproject.

πŸ“Œ Community Sub-Project Management Committee (CSPMC)
Chairperson: Gabriel T. Villanueva

πŸ“‹ Proposal Preparation Sub-Committee (PPSC)
β€’ Emelia F. Panagsagan – Head
β€’ April Ann M. Asis – Member
β€’ Prudencio G. Pastrana IV – Member

πŸ”§ Operation and Maintenance Sub-Committee (OMSC)
β€’ Margie P. Dalisay
β€’ Jonas C. Fabello
β€’ Elmer V. Fallarna

Lubos na nagpapasalamat ang Sangguniang Barangay ng Liwanag sa lahat ng dumalo, lalo na sa ating mga Community Volunteers, sa kanilang oras, aktibong pakikilahok, at mahalagang ambag sa pagpaplano para sa KALAHI-CIDSS Subproject.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagpaplano, pakikilahok, at pagtutulungan ng komunidad, masisiguro natin na ang subproject ay tutugon sa pangunahing pangangailangan ng ating barangay at maisasakatuparan nang maayos, malinaw, at may pananagutan.

🀝 Bayanihan para sa mas maunlad at mas matatag na Barangay Liwanag!
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa!

Barangay Liwanag, Nakikiisa sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill! 🌏🚨Ngayong araw, nakiisa ang Baranga...
10/09/2026

Barangay Liwanag, Nakikiisa sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill! 🌏🚨

Ngayong araw, nakiisa ang Barangay Liwanag, sa pangunguna ni Punong Barangay Kap. Luis Fabic, sa isinagawang 3rd Quarter Simultaneous Earthquake Drill na ginanap sa Romblon Provincial Hospital.

Sa naturang aktibidad, nasaksihan ng mga kalahok ang iba’t ibang rescue operations at emergency response procedures, kabilang ang tamang paraan ng pagresponde at pagsagip sa mga taong na-trap dahil sa lindol.

Ang pagsasanay na ito ay mahalaga upang mapalawak ang kahandaan, kaalaman, koordinasyon, at mabilis na pagtugon ng bawat isa sa oras ng sakuna.

Sa sama-samang paghahanda, mas nagiging ligtas at matatag ang ating pamayanan. πŸ’ͺ🚨
Barangay Liwanag, Padayon! 🌟

Limang Pangarap. Limang Pag-asa. Isang Hakbang Tungo sa Tagumpay!Noong Agosto 11, 2026, matagumpay na natanggap ng ating...
07/09/2026

Limang Pangarap. Limang Pag-asa. Isang Hakbang Tungo sa Tagumpay!

Noong Agosto 11, 2026, matagumpay na natanggap ng ating 5 scholars ang tig-β‚±20,000 grant mula sa Bagong Pilipinas Barangay Presidential Scholarship Program ni Pangulong B**g B**g Marcos.

Ang grant ay iniabot nina Punong Barangay Luis Fabic at ng Sangguniang Barangay bilang suporta sa kanilang pag-aaral.

πŸ“š Ang edukasyon ay puhunan sa kinabukasan. Sa bawat tulong, may pangarap na mas napapalapit sa katuparan.

Congratulations to these young, bright men from Brgy Liwanag! El Jireh F. Fabito - Rank 10, August 2026 Food Technologis...
18/08/2026

Congratulations to these young, bright men from Brgy Liwanag!

El Jireh F. Fabito - Rank 10, August 2026 Food Technologists Licensure Examination

Seth Jacob A. Tan - Board Passer, Architecture Licensure Examination

Your hard work and diligence have paid off, and we look forward to your accomplishments as licensed professionals! Congratulations as well to your proud families!

1st Semester Barangay AssemblyMarch 28, 2026We would like to express our gratitude to our speakers, especially Sir Danny...
28/03/2026

1st Semester Barangay Assembly
March 28, 2026

We would like to express our gratitude to our speakers, especially Sir Danny Lanogon, Sir Fojas, SB Kaila Yap , and the residents of Barangay Liwanag.

We also give thanks to the representatives from BDO for their visit.

Above all, our sincere thanks to our Punong Barangay, Kap. Luis Fabic, and the entire council.

Address

Liwanag
Odiongan
5505

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Liwanag, Odiongan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share