07/08/2026
PAALALA SA PAMAMAHAGI NG RICE ASSISTANCE
Marami po ang nagtatanong kung bakit 5 kilo lamang ng bigas ang ipinamamahagi sa bawat benepisyaryo sa Odiongan, samantalang may ibang LGU na nagbibigay ng 10 kilo o higit pa.
Ang sagot po ay simple.
Pare-pareho ang pondong ibinigay ng National Government sa bawat LGU, ngunit hindi pare-pareho ang dami ng benepisyaryo. Sa Odiongan, may humigit-kumulang na 15,564 kwalipikadong benepisyaryo, samantalang sa ibang bayan ay mayroon lamang 4,000+ hanggang 8,000+.
Dahil mas marami ang ating benepisyaryo, kailangan nating hatiin ang pareho parehong pondo upang lahat ng kwalipikadong pamilya ay makatanggap ng ayuda.
Ang desisyong magbigay ng 5 kilo bawat benepisyaryo ay ginawa upang maging PANTAY, MAKATARUNGAN, AT WALANG MAIIWAN sa pagtanggap ng tulong...isang "Serbisyong Totoo at Odiongan Para Sa Lahat."
Kung hindi po nakalagay sa CBMS 2024 ang inyong household/family ay makipag-ugnayan sa inyong mga BNS dahil ang 2026 Updated Record po nila ay ginawa rin naming basehan sa pamimigay ng rice assistance.
If ever wala pa rin po ang household name ninyo sa record ng BNS, ay magpalista po sa kanila para ma validate at maisama sa datos ng mga kwalipikadong benepisyaryo.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta