08/10/2026
Hinikayat ni Romblon Vice Governor Armando Gutierrez ang mga kooperatiba sa lalawigan na maghanap ng mga grant at bumuo ng malalaking income-generating projects upang mapalakas ang kanilang operasyon at madagdagan ang benepisyo para sa mga miyembro.
Sa kanyang mensahe sa ika-20 Ragipunan o Romblon Provincial Cooperative Congress, ibinahagi ni Gutierrez ang isang halimbawa ng kooperatiba sa kumpanyang dati niyang pinagtatrabahuhan na nakatanggap ng grant mula sa isang multinational company para sa isang income-generating project.
Photos Courtesy: Romblon Provincial Information Office