08/01/2026
Study Hub para sa Kabataan ng Sta. Rita 📚🖨️
Handog ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Sta. Rita, sa pangunguna nina SK Chairperson Hon. Precious Nina O. Delos Reyes, at Hon. Hazel Anne M. Correa, Committee Chairperson on Education, kasama ng buong SK Council—isang proyekto para sa mas maayos at produktibong pag-aaral ng kabataan.
Bagama’t hindi pa ito tapos, ang proyektong ito ay inihahanda upang maging malaking tulong sa akademikong pangangailangan ng mga mag-aaral, kabilang ang libreng printing services para sa kanilang mga school requirements, at sa paghubog ng kanilang kinabukasan.
📢 Maghintay lamang po sa mga susunod na update para sa opisyal na pagbubukas.
Lubos na pasasalamat sa buong SK Council, Barangay Council, at lalo na sa ating Punong Barangay sa patuloy na suporta sa mga programang para sa kabataan.
04/11/2024
HANDA-AWIT: Flag Ceremony for the Month of November 🇵🇭
As November unfolds, may this month bring gratitude, unity, and continued progress. Happy November, Batang Sta. Rita!
31/10/2024
Isang taon na ang nakalipas, Batang Sta. Rita! 💗
Taos puso po akong nagpapasalamat, kasama ang Sangguniang Kabataan at Sangguniang Barangay - Barangay Sta. Rita sa pagtitiwala sa aming kayayahan at dedikasyon para sa serbisyo publiko.
Patuloy po tayong magseserbisyo hanggang sa abot ng ating makakaya, umaraw man o bumagyo. ✊
Ikaw, anong favorite SK - Sta. Rita project ngayong taon?
07/10/2024
HANDA-AWIT: Flag Ceremony for the Month of October 🇵🇭
October marks the beginning of new opportunities and meaningful connections. Let’s work together to make this month productive and inspiring. Happy October, Batang Sta. Rita!
21/09/2024
Ang boto ng Kabataan ay mahalaga, para sa kinabukasan ng lahat! 🇵🇭
Dumalo si Hon. Hazel Correa sa Youth Voter’s Education na pinangunahan ng Kaya Natin Youth Olongapo nitong September 21, 2024 sa SMX Olongapo City Central kasama sina KK Coordinator Sywel Dela Flor, KK Vice Coordinator Aaron Alagad, KK Secretary Nicole Abejo, at KKPYL Jhade Abuyo.
Maraming salamat po sa pag-imbita Kaya Natin Youth Olongapo, sa pamumuno ni Andre Anesco, KNY Chairperson at sa pangangasiwa ni Hon. Lugie Lipumano-Garcia.
Halina’t magparehistro bilang botante, Batang Sta. Rita! 🙌🏻
14/09/2024
Libreng Bola, pero hindi ka bobolahin! 🏐
Naghandog si Hon. Hazel Anne Correa ng volleyball para sa mga mag-aaral ng Tabacuhan Elementary School kahapon, September 13.
Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng suporta para sa mga kabataang mag-aaral, lalo na sa kanilang aktibong pakikilahok sa sports, bilang bahagi ng kanilang physical development.
12/09/2024
Isang matagumpay na Medical Mission para sa optical, dental, at medical services ang pinangunahan ni City Councilor Lugie Lipumano kahapon, Setyembre 12, sa Barangay Sta. Rita Covered Court.
Kasama sa pagtulong at pakikiisa sa nasabing aktibidad ang Barangay Council, Sangguniang Kabataan na sina Hon. Hazel Anne Correa, Hon. Mark Troy Andaya, at SK Secretary Julier Samonte. Nagbigay din ng suporta ang mga Barangay Health Workers at BPAT upang maisakatuparan ang proyekto.
07/09/2024
Clean-up Drive and Planting of Seedlings 🌱
Nakiisa si Hon. Hazel Anne Correa, bilang kasapi ng Sangguniang Kabataan – Barangay Sta. Rita, sa isinagawang clean-up drive at pagtatanim ng mga punla sa Mayumi Street kanina, September 7, 2024 na pinangunahan nina Hon. Rowena V. Cerezo, Punong Barangay, at Hon. Joshua Gardon, Barangay Kagawad.
Nakiisa rin ang lahat ng opisyal at empleyado ng Barangay Sta. Rita sa nasabing aktibidad bilang bahagi ng kanilang layunin na mapanatiling malinis at luntian ang kanilang komunidad.
17/08/2024
Register na, Batang Sta. Rita!
17/08/2024
The Google Form link will be posted at 8 PM, today! 💗
05/08/2024
HANDA-AWIT: Flag Ceremony for Month of August 🇵🇭
May this month be a time of growth, inspiration, and shared accomplishments for everyone. Happy August, Batang Sta. Rita!