Barangay New Asinan
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay New Asinan, Government Organization, 47 Gordon Avenue, Olongapo.
07/06/2026
BARANGAY PEACEKEEPING ACTION TEAM (BPAT) ACCOMPLISHMENT REPORT
Date: June 8, 2026
Sa patuloy na pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan sa Barangay Asinan, matagumpay na nahuli at natukoy ng mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) ang isa sa mga kabataang diumano'y sangkot sa insidente ng pambubugbog at pang-aagaw ng cellphone ng isang lalaki na naganap sa Volunteers Park noong Mayo 27, 2026.
Ang operasyon ay pinangunahan ni Chief BPAT Mhike Medina, kasama sina BPAT Romel Gaspar, BPAT Driver Cesar Rumeral, Alfredo Dela Torre, Desk Officer Lydia Martinez, BPAT Arnel Delo Santos, Purok Leader Jimmy Gamalindo, at Elite Team Leader Joel Dela Torre.
Sa pamamagitan ng masusing pagmomonitor, pangangalap ng impormasyon, at pakikipag-ugnayan sa mga residente at saksi, matagumpay na natukoy ang kinaroroonan ng suspek. Ito ay agad na inaresto at dinala sa kinauukulang awtoridad upang sumailalim sa kaukulang imbestigasyon at legal na proseso.
Ang pagkakahuli sa suspek ay patunay ng maagap at epektibong pagtugon ng BPAT at ng barangay sa mga insidenteng nakaaapekto sa kapayapaan at kaayusan ng komunidad. Patuloy na makikipag-ugnayan ang Barangay Asinan sa mga kinauukulang ahensya upang matiyak ang maayos na pag-usad ng kaso at mabigyan ng hustisya ang biktima.
Prepared by:
Chief BPAT Mhike medina
Barangay Asinan
06/06/2026
BPAT ACCOMPLISHMENT REPORT
Date: June 06, 2026
Ngayong June 06, 2026, habang nagsasagawa ng regular na pagpapatrolya at monitoring sa nasasakupan ng Barangay New Asinan, ang mga BPAT kasama ang mga Purok Leader ay matagumpay na natukoy at na-identify ang isang indibidwal na sangkot sa pananakit sa isang security personnel ng Volunteers Park na naganap noong May 28, 2026. Sa pamamagitan ng koordinasyon at pangangalap ng impormasyon, nakilala ang nasabing tao at naipasa ang kaukulang detalye sa kinauukulang awtoridad para sa nararapat na aksyon.
Sa parehong araw, nagsagawa rin ang mga BPAT ng Operation Bakal at Operation Establishment katuwang ang mga tauhan ng Police Station 3. Layunin ng operasyon na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan, maiwasan ang mga paglabag sa batas, at masiguro ang kaligtasan ng mga residente at mga establisyemento sa barangay.
Ang nasabing mga aktibidad ay pinangunahan nina Chief BPAT Michael Medina, Deputy BPAT Zaldy Barreda, kasama sina BPAT Reynan Reyes, BPAT Marvin Gaspar, BPAT Christopher Isabelo, BPAT Ruel Abad,BPAT Rolen gonzaga DESK OFFICER Rosally Abad At katuwang ang Ating Purok Leader ng barangay Jimmy Gamalindo.
Naging maayos at matagumpay ang Ating isinagawang pagpapatrolya at operasyon dahil sa pagtutulungan ng mga BPAT, Purok Leaders, at kapulisan. Patuloy na magsasagawa ng mga kahalintulad na aktibidad upang mapanatili ang seguridad, kaayusan, at kapayapaan sa komunidad.
Prepared by:
Chief BPAT Michael Medina Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT)Barangay New Asinan
04/06/2026
BPAT ACCOMPLISHMENT REPORT
Date: June 4, 2026
Sa patuloy na pagsasagawa ng tungkulin ng mga BPAT ng Barangay New Asinan, isang wallet ang napulot ni BPAT Rolen Gonzaga habang nagsasagawa ng monitoring sa nasasakupan ng barangay kahapon petsa June,03,2026 taong kasalukuyan .
Matapos mapulot ang nasabing wallet, agad sinurrender kay Chief Bpat Mhike Medina na nagsagawa ng beripikasyon upang matukoy ang may-ari nito. Sa tulong ng mga impormasyong nakapaloob sa wallet, matagumpay na natunton at naibalik sa tunay na may-ari ang nawawalang wallet Ngayong Araw Petsa June,04,2026.
Lubos na nagpasalamat ang may-ari ng wallet sa katapatan at maagap na pagkilos ni BPAT Rolen Gonzaga. Ang insidenteng ito ay nagpapakita ng integridad, katapatan, at dedikasyon ng mga BPAT sa pagbibigay ng tapat at maayos na serbisyo sa komunidad.
Prepared by:Chief BPAT Mhike Medina Barangay New Asinan
πβοΈ ππ¨π§ππ’π§π πππ§ππ¨π , πππ₯ππ€π’π§π ππ π’ππ’ π©ππ«π π¬π πππ’π§π π¦π π πππ -πππ«ππ₯!
Masaya nating naipamahagi ang school supplies para sa ating mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6.
Sa pangunguna ni Kap. Chico Elane at sa inisyatiba ni Kgd. Dianadel Estrella, Committee Chairman on Education, nagkaroon tayo ng pagkakataong makatulong sa paghahanda ng ating mga kabataan para sa bagong taon ng pag-aaral.
Hindi man kalakihan, ang bawat lapis, kuwaderno, at school supply na naipamahagi ay simbolo ng ating suporta at pagmamalasakit sa edukasyon ng bawat batang Asinan.
Ang mga simpleng ngiti at saya ng ating mga estudyante ang nagsisilbing inspirasyon upang patuloy tayong maglingkod at magbigay ng mga programang makatutulong sa ating komunidad.
Para sa edukasyon. Para sa kabataan. Para sa mas magandang kinabukasan.
02/06/2026
KALINISAN SA BAGONG PILIPINAS π€πΌπ€πΌ
Weekly Cleanup Drive of Barangay New Asinanπ€
June 2,2026
SERBISYONG SIGURADO π€π
31/05/2026
KALINISAN SA BAGONG PILIPINAS π€πΌπ€πΌ
Weekly Cleanup Drive of Barangay New Asinanπ€
May 31,2026
SERBISYONG SIGURADO π€π
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
47 Gordon Avenue
Olongapo
2200
