05/06/2026
Taos-pusong pasasalamat po kay Konsehal Joshua Gardon sa inyong ipinagkaloob na mga school supplies para sa mga mag-aaral ng Barangay New Banicain.
Ang inyong kabutihang-loob at suporta sa edukasyon ay malaking tulong upang mahikayat at masuportahan ang ating mga kabataan sa kanilang pag-aaral. Tunay na inspirasyon ang inyong malasakit para sa kinabukasan ng ating komunidad.
Muli, mula sa mga mag-aaral, magulang, at buong Barangay New Banicain, maraming salamat po sa inyong patuloy na paglilingkod at pagtulong sa ating mga kababayan. ❤️
03/06/2026
Sa lahat ng magpaparehistro sa national ID , narito ang requirement na kailangan dalhin.
Para sa edad 0 MONTHS OLD TO 4 YEARS OLD
- BIRTH CERTIFICATE at NATIONAL ID ng Magulang o Guardian
( Kung wala pang BIRTH CERTIFICATE ang BATA, Maari nyong gamitin ang kanilang IMMUNIZATION CARD O BAKUNA or Baptismal) Isang dokumento lamang ang kailangan. Tinatanggap din namin ang BARANGAY CLEARANCE.
Para sa edad 5 pataas
- BIRTH CERTIFICATE OR ANY ID ( KAHIT ISA LAMANG PO ) KAHIT ANONG KLASE NG ID AY AMING TINATANGGAP BASTAT WALANG MALI SA ID NA IPAPAKITA.
Note : KAILANGAN PO BUO ANG MIDDLE NAME SA ID ( Bawal po ang middle Initial lang )
Kung walang birthcertificate o kahit anong ID maaring manguha ng BARANGAY CLEARANCE upang magamit sa pagpaparehistro
Para sa mga gustong magpa check or verify ng kanilang ID. Pakidala lamang po ang inyong TRANSACTION SLIP o yung papel na binigay noong kayo ay nagparehistro.
Kung nawala na ito maari kayong magdala ng dokumento na parehas sa impormasyon na binigay ninyo sa national id ( Maaring ID or BIRTHCERTIFICATE) PATI NARIN SA MGA NAWALAN NG KANILANG NATIONAL ID.
Sa mga nabubura ang picture sa kanilang NATIONAL ID , Maaring dalhin o ipakita ito saamin para masukan kung available ang printed copy ng kanilang national id.
NOTE : PUMUNTA PO TAYO SA TAMANG ORAS.
(10:30am to 2pm)
June 3, 2026
📌Brgy. Banicain, Olongapo City
MARAMING SALAMAT PO.
01/06/2026
Ang buong Pamahalaang Barangay ng New Banicain, sa pangunguna ni PB Ven Viray, mga Kagawad, at mga kawani ng barangay, ay taos-pusong nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at mga mahal sa buhay ni Konsi Atty. Noel Atienza sa kanyang pagpanaw.
Mananatili sa aming alaala ang kanyang kabutihan, dedikasyon sa paglilingkod, at malasakit sa komunidad. Ang kanyang mga naiambag sa ating barangay ay magsisilbing inspirasyon sa marami.
Nawa’y pagkalooban ng Poong Maykapal ng lakas at kapanatagan ang kanyang naiwang pamilya sa panahong ito ng pagdadalamhati.
Paalam at maraming salamat sa iyong tapat na paglilingkod.
🕯️ Rest in Peace, Konsehal Noel Atienza. 🕯️
01/06/2026
LOST & FOUND DOG
Baka po may nawawalan ng a*o. May nakita pong a*o kanina at kasalukuyang nasa pangangalaga ng ating Barangay.
Maari po ninyo itong kunin sa ating Barangay Office. Mangyari lamang na magbigay ng sapat na patunay na kayo ang may-ari ng a*o.
Maraming salamat po.
01/06/2026
Flag Ceremony
June 1, 2026
01/06/2026
11th Regular Session
June 1, 2026
31/05/2026
week22, BARKADA2026_New Banicain
May 30, 2026
27/05/2026
📢 ANNOUNCEMENT!! 📢
Lahat po ng miyembro ng PWD ay inaanyayahang dumalo sa ating Emergency Meeting ngayong araw, May 27, 2026, ganap na alas-4:00 ng hapon sa ating Barangay Covered Court na pangungunahan ni PWD President Joy Landero.
Para naman po sa mga bedridden na miyembro, maaaring ang kanilang guardian o representative ang dumalo.
📌 Paalala:
✔️ Magdala ng ballpen
✔️ Magdala ng photocopy ng inyong PWD ID (back-to-back)
Maraming salamat po.
23/05/2026
🧹 CLEAN-UP DRIVE | May 23, 2026 🧹
Barangay New Banicain successfully conducted a clean-up drive together with barangay employees, Sangguniang Kabataan and Barangay officials led by Kagawad Zar P. Batapa and Kagawad Ernesto Nechaldas.
Thank you to everyone who participated in keeping our community clean, safe, and green! 💚
week21_BARKADA2026_New Banicain
May 23, 2026