Olongapo City Information Center

  • Home
  • Olongapo City Information Center
Call Directions Website Contact the organization

Olongapo City Information Center The Official Page of the Olongapo City Public Affairs Office. pls.
(1)

"LIKE" the Official Page of the Olongapo City Public Affairs Office. & kindly promote na rin po sa mga friends niyo ang page...

17/10/2026
SDO OLONGAPO 2026 CONVERGENCE CUM EDUCATION PARTNERS RECOGNITIONIsinagawa ng DepEd Schools Division Office (SDO) ng Olon...
16/10/2026

SDO OLONGAPO 2026 CONVERGENCE CUM EDUCATION PARTNERS RECOGNITION

Isinagawa ng DepEd Schools Division Office (SDO) ng Olongapo City ang 2026 Convergence cm Education Partners Recognition noong Oktubre 16, 2026 sa SMX Convention Center.

Layunin ng pagtitipon na kilalanin ang mahahalagang ambag at suporta ng mga katuwang ng sektor ng edukasyon sa pagpapatupad ng mga programa at gawaing pang-edukasyon sa lungsod. Dito, pinarangalan ang mga education partners na patuloy na nag-aambag sa pagsusulong ng de-kalidad na edukasyon sa Olongapo City.

Sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Imelda P. Macaspac, PhD, CESO V, layunin ng pagtitipon na higit pang mapagtibay ang ugnayan at pagtutulungan ng mga education partners para sa matagumpay na pagsasakatuparan ng mga programang pang-edukasyon at patuloy na pag-unlad ng sektor ng edukasyon sa lungsod.

IP MONTH CELEBRATION SA OLONGAPOIsinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Olongapo, sa pangunguna ni Mayor Atty. Rolen C. Paul...
16/10/2026

IP MONTH CELEBRATION SA OLONGAPO

Isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Olongapo, sa pangunguna ni Mayor Atty. Rolen C. Paulino Jr., at City Agriculture Department, ang aktibidad na bahagi ng Indigenous Peoples (IP) Month Celebration ngayong Oktubre 16, 2026 sa Iram Elementary School.

Sa tulong ni IP Representative Barry Esteban, layunin ng pagdiriwang na bigyang-halaga at kilalanin ang kultura, tradisyon at mahalagang ambag ng mga IPs sa komunidad. Nakibahagi rin dito ang mga IP Councils bilang katuwang sa pagsusulong ng mga programa para sa kanila.

Patuloy na binibigyang-daan ang mas malawak na pagkilala sa ambag ng IPs at ang pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor para sa matagumpay na pagdiriwang ng IP Month sa lungsod.

15/10/2026

🚨ATTENTION: RESIDENTIAL FIRE ALERT🚨
October 15, 2026 | 1800H

Multiple 911 calls reporting a residential fire at Alaska St. Upper Kalaklan.

Responding units:
CDRRMO Fire and Rescue Bravo Team, BFP Olongapo, Barangay Kalaklan, OTMPS and OEDC.
For emergencies, Dial 911


DUGOYANIHAN SA OLONGAPO! Isang donasyon, maraming buhay ang maaaring mailigtas!Sa pamumuno ng City Blood Council, ang at...
15/10/2026

DUGOYANIHAN SA OLONGAPO!

Isang donasyon, maraming buhay ang maaaring mailigtas!

Sa pamumuno ng City Blood Council, ang ating butihing Mayor Rolen Paulino Jr. at City Health Officer, Dr. Rodrick Bustamante, matagumpay ang Barangay Blood Donation Caravan sa East Bajac Bajac noong Oktubre 15, 2026

Kaagapay rito ang James L. Gordon Memorial Hospital Blood bank at Philippine Red Cross Olongapo Chapter bilang facilitators.

Gordon College, Matagumpay na Naitawid ang 3-Araw na ALCUCOA Accreditation EvaluationMatagumpay na natapos ang tatlong a...
15/10/2026

Gordon College, Matagumpay na Naitawid ang 3-Araw na ALCUCOA Accreditation Evaluation

Matagumpay na natapos ang tatlong araw na evaluasyon sa Gordon College na nagtapos sa isang Exit Conference kasama ang Association of Local Colleges and Universities Commission on Accreditation (ALCUCOA) noong Oktubre 15, 2026 sa GC Function Hall.

Naging matagumpay ang prosesong ito para sa Institute of Graduate Studies (IGS), College of Hospitality and Tourism Management (CHTM), at College of Computer Studies (CCS)

Taos-pusong pasasalamat sa pamumuno ni Olongapo City Mayor at GC Board of Trustees Chairperson Hon. Rolen C. Paulino Jr., College President Dr. Imelda DP. Soriano, Committee on Education Chairperson Hon. Cristabelle Marie Paulino, pati na rin sa buong ALCUCOA team, mga opisyal, g**o, kawani, at mga estudyante ng Gordon College!

Patuloy tayong magsisikap at mangangarap para sa mas mataas na kalidad ng edukasyon!

OLONGAPO CITY FIESTA 2026: 2ND DYIPNI FESTIVAL LAUNCHINGMatagumpay na inilunsad noong Oktubre 15, 2026, sa SMX Conventio...
15/10/2026

OLONGAPO CITY FIESTA 2026: 2ND DYIPNI FESTIVAL LAUNCHING

Matagumpay na inilunsad noong Oktubre 15, 2026, sa SMX Convention Center, ang Olongapo City Fiesta 2026: 2nd Dyipni Festival, na naglalayong muling ipagdiwang ang makulay na kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan ng mga Olongapeño. Dinaluhan ang mahalagang okasyong ito bilang pagsisimula ng mga paghahanda para sa kapistahan ng lungsod, sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Olongapo sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Atty. Rolen C. Paulino Jr. at Olongapo City Fiesta 2026 Executive Committee Chairman Ruben C. De Guzman.

Dito, muling ipinakilala ang tema ng pagdiriwang na “2nd Dyipni Festival,” na sumasalamin sa makulay na diwa at natatanging dyipni ng Olongapo. Layunin ng pagdiriwang na higit pang bigyang-pansin ang mga lokal na tradisyon at palakasin ang pakikilahok ng iba’t ibang sektor ng komunidad sa mga aktibidad na nakahanay para sa City Fiesta 2026.

Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan at ng Olongapo City Fiesta 2026 Executive Committee, inaasahang magiging makabuluhan at masigla ang pagdiriwang ngayong taon. Sa sama-samang pagkilos ng mga tanggapan at mamamayan, patuloy na isusulong ang diwa ng pagkakaisa at pagmamalaki sa kulturang Olongapeño, bilang bahagi ng pagpapanatili ng mga tradisyong nagbibigay-buhay sa pagkakakilanlan ng lungsod.

15/10/2026
Nagpapasalamat si Mayor Rolen Paulino Jr. sa pagpapahiram ng SBMA sa kanilang dredging machine na ngayon ay nasa mouth o...
15/10/2026

Nagpapasalamat si Mayor Rolen Paulino Jr.
sa pagpapahiram ng SBMA sa kanilang dredging machine na ngayon ay nasa mouth of Kalaklan river para masimulan na ang paghuhukay sa lugar

15/10/2026

Paunawa mula sa JLGMH ukol sa isang post sa isang pasyente ng Dental Dept

PALIWANAG NG JAMES L. GORDON MEMORIAL HOSPITAL KAUGNAY NG REKLAMO SA DENTAL DEPARTMENT

Nauunawaan po namin ang pangamba at pagkadismaya ng isang magulang, lalo na kung kalusugan ng kanyang anak ang nakataya. Kaugnay nito, agad naming hiningi ang paliwanag ng aming Dental Department upang mabigyang-linaw ang nangyari.

Nais po naming bigyang-diin na ang bata ay personal na nakita at paunang nasuri ng ating dentista. Sa nasabing pagsusuri, napansin ang pamamaga sa mukha ng bata. Dahil dito, ipinaliwanag sa magulang na kinakailangan muna ng karagdagang dental assessment upang matukoy ang nararapat na gamot at gamutan bago maaaring isaalang-alang ang pagbunot ng ngipin.

Mahalagang maunawaan na hindi lahat ng namamagang ngipin ay maaaring agad bunutin. May mga kondisyong nangangailangan muna ng masusing pagsusuri at naaangkop na paggamot upang matiyak ang kaligtasan ng pasyente.

Binigyan din po ang magulang ng dental record form na kinakailangang sagutan upang maisagawa ang pormal na konsultasyon, maitala ang mahahalagang impormasyon tungkol sa kondisyon ng bata, at makapagbigay ang dentista ng nararapat na reseta at gamutan.

Gayunman, batay sa isinumiteng ulat, umalis ang magulang kasama ang bata nang hindi nasasagutan ang nasabing form, kaya hindi naipagpatuloy ang konsultasyon at pagbibigay ng kinakailangang reseta.

Mayroon din pong ibang mga pasyenteng naroroon sa klinika na nakasaksi sa pangyayari at maaaring makatulong sa pagpapatunay ng mga pangyayaring ito.

Tungkol naman sa hinaing sa naging pakikitungo, hindi po namin ito binabalewala. Patuloy naming binibigyang-diin sa aming mga kawani ang kahalagahan ng maayos, magalang at may malasakit na pakikipag-usap sa bawat pasyente at kanilang pamilya.

Hinihikayat po namin ang magulang na makipag-ugnayan sa Office of the Chief of Hospital upang higit na mapag-aralan ang kanilang karanasan at mabigyan ng kaukulang aksyon.

Nais naming ipabatid na ang bata ay hindi basta binalewala o tinanggihang matingnan. Ang mga hakbang na ipinaliwanag ng ating dentista ay bahagi ng proseso upang matiyak na ligtas at naaangkop ang gamutang matatanggap ng bata.

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Olongapo City Information Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Olongapo City Information Center:

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share