02/07/2026
ANUNSYO ❗️❗️❗️
Magandang araw, mga Kabataan ng Barangay Wawa!
Marami po kaming natatanggap na katanungan tungkol sa Bagong Pilipinas Barangay Presidential Scholarship Program.
Sa kasalukuyan, wala pa pong natatanggap na opisyal na advisory, memorandum, o guidelines ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Wawa kaugnay sa naturang programa. Hinihiling po namin ang kaunting paghihintay hanggang sa mailabas ang opisyal na anunsyo mula sa kinauukulang tanggapan.
Sa oras na mayroon nang opisyal na advisory at buksan na ang aplikasyon, agad po namin itong ipo-post sa Official page ng SK Barangay Wawa, kasama ang kumpletong detalye, requirements, at proseso ng pag-aapply.
Gayundin, hinihiling din po namin ang inyong kaunting paghihintay para sa Financial Assistance Program na kasalukuyang inihahanda ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Wawa para sa ating mga kabataan. Sa sandaling maaprubahan at maging pormal ang implementasyon nito, agad din po namin kayong bibigyan ng kumpletong impormasyon sa pamamagitan ng ating opisyal na page.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala at suporta. Abangan lamang po ang mga susunod naming opisyal na anunsyo.
- Sangguniang Kabataan ng Barangay Wawa, Orani, Bataan