01/04/2026
Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013
Pinapaalalahanan ng PRO 8 ang lahat ng motorista na mahigpit na ipinagbabawal ang pagmamaneho habang nasa ilalim ng impluwensya ng alak o ipinagbabawal na gamot.
Ang ganitong gawain ay nagdudulot ng panganib sa buhay ng driver at ng ibang gumagamit ng kalsada.
Ito ay saklaw ng Republic Act 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 na layong maiwasan ang mga aksidenteng dulot ng kapabayaan.