04/10/2026
Akda ni: Zienna Jade Mabangis
Gov. Nonito D. Llanos Sr. National High School
Kiblawan South District
"๐๐ฎ๐ฅ๐๐ญ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐จ๐ฅ๐"
Sa lawak ng karagatan, sa tayog nang pinagmulan, nakatayo nang may dangal, isang parolang handang umakay mula sa madilim na buhay. Isang g**o na parang isang matatag na parola, na nagsisilbing haligi at inspirasyon na sa atin ay nagbibigay halaga. Mababakas sa kanyang mukha ang bigat ng mundong pasan pasan niya, kulobot na balat, malalim na mga mata, at posturang unti-unting nabubura. Ngunit ang larawang ito ay isang patunay, isang sagisag ng kanyang serbisyo at bakas ng kanyang mga sakripisyo patungo sa tagumpay.
Sa kabila ng mga pagpapahirap ng buhay, nanatili siyang nakatayo nang may paninindigan sa kanyang responsibilidad, at handang gumabay ng mga pangarap patungo sa nararapat na daan. Kapag ang mundo ay sinimulang balutin nang kamangmangan, kalituhan, kahirapan, at kadiliman, nagsisimula ang kaniyang serbisyo. Serbisyo ng isang g**ong walang inuurungan. Ang kanyang mga talumpati, leksyon, o mga salita na handang pumukaw sa natutulog na kaalaman ng mga estudyante, ay nagsilbing liwanag at gabay sa pag-unlad. Ang liwanag na dala ng isang g**o ay hindi lamang pampukaw ng natutulog na karunungan, ito ay nagbibigay halaga, at higit sa lahat pagmamahal para sa isa't isa.
Sa likod ng kanyang liwanag ay isang tinig, isang hudyat para sa mga naliligaw na landas ng mga takot na estudyante. Hindi napipigilan ang hudyat ng tadhana. Minsan nawawala tayo sa daloy patungo sa ating pangarap, ngunit nandiyan siya sumasagot at patuloy na umunawa. Kahit sa kakulangan ng kagamitan at pasilidad, ay kailanman hindi siya natitinag. Kahit sa mahirap na pag-unawa ng iilan, ay hindi siya sumusuko. Sa kanyang kadakilaan at katatagan ay nagpapaliwanag sa atin na may isang g**o na gagabay sa atin patungo sa tamang daan kapag tayo ay naliligaw sa maling kaalaman.
Sa paglipas ng panahon, pagbabago ay umusbong. Mayroon nang isang makabagong teknolohiya na nagpapadali ng pamamaraan sa paglilinang ng ating kasanayan. Gayunpaman, ang init ng pagmamahal mula sa puso ng isang g**o ay hindi kailaman mapapalitan ng anumang makinarya o teknolohiya. Ang pagtuturo ay hindi lamang isang responsibilidad na magbahagi ng leksyon, ito ay ang pagpukaw at ang pag-iwan ng marka sa puso't isipan ng bawat mag-aaral upang maiwasang matangay ng malaking alon patungo sa maling direksiyon. Sa pagtatapos ng bawat termino, ang mga mag aaral ay tatahakin ang iba't ibang landas. Maglalakbay sa sariling daan patungo sa tagumpay at pangarap na naghihintay, ngunit ang g**o ay mananatili paring nakatayo. Dahil hanggang may landas paring naliligaw ay hindi siya titigil maging isang parola, hindi dahil upang magpasikat, kundi upang magsilbing ating mapa. Sakopin man ng kadiliman ang bawat silid aralan ngunit ang kaniyang liwanag ay dadalhin ng
kanyang mga estudyante bilang isang simbolo at gabay ng kanilang kaalaman. Muli siyang maghihintay ng panibagong yugto sa kanyang panibagong responsibilidad. Ang isang g**o, ay ang ating parola. Hindi lamang mananatili para sa isang responsibilidad, kundi mula sa kanyang matayog na pinagmulan, siya ay tatayo, ng may dangal at katarungan, upang magsilbing gabay at liwanag sa madilim na daan.