10/10/2026
𝐊𝐔𝐌𝐔𝐒𝐓𝐀 𝐊𝐀, 𝐓𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀?
Sa likod ng bawat responsibilidad sa trabaho, sa tahanan, at sa paghahanapbuhay, may taong napapagod, nahihirapan, at nangangailangan ding maunawaan.
Empleyado man, mamamayan, o magkakalabaw, bawat isa ay may pinagdaraanan na hindi laging nakikita o naibabahagi sa iba. Kaya ngayong World Mental Health Day, at hindi lamang sa araw na ito, piliin nating makinig nang walang panghuhusga, umunawa nang may malasakit, at mangumusta nang buong puso.
Dahil ang tunay na malasakit ay hindi pang-isang araw lamang.
Kaya ikaw, kumusta ka, talaga? Hindi kailangang magpanggap. May handang makinig at dumamay.