28/01/2026
Mga Minamahal na Bukalins.
Bilang pakikiisa sa patuloy na programa ng ating Lokal na Pamahalaan,ang Sangguniang Barangay ng Bukal ay nakikiisa sa maigting na kampanya patungkol sa WASTE SEGRAGATION o paghihiwalay ng nabubulok sa hindi nabubulok na basura, gayundin ang maaaring mairesiklo o magamit muli.
Kaugnay po nito, ang aming pabatlang impormasyon sa lahat na magiging maigting at mahigpit na pagpapatupad ng paghhiwalay ng basura lalo't higit sa pagkokoleksyon ng mga basura. Kung hindi isasagawa ang paghihiwalay ng basura at patuloy na halo-halo ang inyong mga basura, ay maaaring hindi kunin ang inyong mga basura ng garbage collection team sa mga darating na araw.
Kaugnay pa rin po nito, ang mga recyclable materials naman ay maaari niyong ipunin at gamiting muli, o maaaring ilagay sa mga MRS o MATERIAL RECOVERY STORAGE ng ating Barangay.
Panghuling pabatla, amin ding pong maigting na ipinapaalala sa lahat ng mga mamumuhunan at mga may negosyo patungkol sa PAGBABAWAL NG PAGGAMIT NG PLASTIC sa inyong mga komersyo. Ang team ng ating Municipal MENRO ay supresang bumibisita sa mga negosyo at kung kayo ay mahuhuling patuloy na gumagamit ng plastic, ay maaari kayong maticketan at magbayad ng kaukulang penalty.
TULUNGAN, KOOPERASYON at DISIPLINA po ang ating kailangan mga Kabarangay. Ang pangalagaan ang ating kapaligiran ay tungkulin ng bawat mamamayan at hindi lamang ng naglilingkuran.