25/10/2026
Isang makasaysayan at makabuluhang pagtatanghal ang nag-iwan ng malalim na marka sa ating kultura at tradisyon!
Matagumpay na naidaos ng Dulayan Theater Organization, Inc. ang huling gabi ng “ANINO NG SUOB” isang natatanging kuwentong puno ng mga lihim, tradisyon, at mga aninong patuloy na sumasalamin sa ating nakaraan at sa kahulugan ng pag-ibig.
Isang mainit na pagbati at pagsaludo sa ating kababayang Pagbilaoin, ang mahusay na Direktor at Manunulat na si Propesor Marco Antonio Rodas! Ang iyong angking galing at dedikasyon sa sining ay tunay na karangalan at inspirasyon para sa buong bayan ng Pagbilao.
Ikinararangal ng LGU Pagbilao ang pagiging bahagi at pagsuporta sa sining at kulturang patuloy na nagpapayaman sa ating sining.
Maraming salamat at congratulations sa Dulayan Theater Organization, Inc. sa pagdadala ng de-kalibreng sining sa ating entablado!
Mabuhay ang Teatro ng Quezon!