12/10/2026
Isang mahalagang paalala para sa lahat ng residente ng Barangay Bigo Pagbilao, Quezon :
Inaanyayahan po kayong makiisa at dumalo sa gaganaping Barangay Assembly Day para sa ikalawang semester ng taon 2026;
Petsa : Oktubre 24, 2026, Sabado
Lugar : Bigo Basketball Court
Oras : 1:00 ng hapon
Tema : โTayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidadโ
Ang Barangay Assembly ay isang mahalagang pagkakataon kung saan ang bawat mamamayan ay maaaring magpahayag ng kanilang saloobin, mungkahi, at hinaing upang mas mapabuti ang mga programa at serbisyo sa ating barangay .
Dito rin inihahayag ang mahahalagang ulat tulad ng pinansyal na kalagayang ng barangay , mga proyekto at plano at ibang pang isyung dapat talakayin ng taumbayan .
Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok , naipapakita natin ang malasakit sa ating pamayanan . Hindi sapat ang reklamo, kailangan ang partisipasyon, Sama-sama nating tukuyin ang mga suliranin at sama-sama rin tayong maghanap ng mga konkretong solusyon .
Inaanyayahan ang bawat kabarangay na may edad 15 taong gulang pataas upang maging bahagi ng makabuluhang talakayan .
Dahil ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa bukas na usapan , tapat na ugnayan at kolektibong pagkilos . Makialam! Makilahok! Makiisa!