SB BUKAL Pagbilao, Quezon

Directions

SB BUKAL Pagbilao, Quezon Progressive, Inclusive, and Transparent Governance

Public Service Announcement:Help our Kabarangay to find their furbaby🐶 Pakicontact na lang po ang contact number na ito,...
03/11/2026

Public Service Announcement:

Help our Kabarangay to find their furbaby🐶
Pakicontact na lang po ang contact number na ito, if ever makita niyo ang kanilang fur baby🐾🐾🐾

ISANG MATAGUMPAY NA 2ND SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY AT STATE OF THE BARANGAY ADDRESS (SOBA) ni PB Juana G. Carlos! ✨Taus-...
01/11/2026

ISANG MATAGUMPAY NA 2ND SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY AT STATE OF THE BARANGAY ADDRESS (SOBA) ni PB Juana G. Carlos! ✨

Taus-pusong nagpapasalamat si Punong Barangay Juana G.Carlos, kasama ang buong Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Bukal, sa lahat ng mga kabarangay na nakiisa at dumalo sa ating asembleya.

Ang Barangay Assembly ay mandatong gawain ng DILG sa bawat barangay para dito ilahad, iulat at ilatag ang mga nagawa, ginagawa at patuloy na gagawin para sa pagsulong ng kaaayusan at progreso ng isang Barangay.

Sa pamamagitan ng matapat na ulat sa State of the Barangay Address ni PB Joan Glodoviza Carlos , muli nating naipakita ang kahalagahan ng transparency, pananagutan, at tapat na pamamahala sa ating komunidad,kung saan katuwang niya sa bawat gawain ng bawat komitehan ang mga Barangay Kagawad.

Taos puso din ang aming pasasalamat sa ating mga panauhin, walang iba kundi ang masipag at iginagalang nating Punong Bayan Mayor Angelica G. Portes at kinatawan ng Tanggapan ng Pangalawang Punong Bayan at Sangguniang Bayan ng Pagbilao, ang ating kabarangay na si EA Michael R. Cabangon,ganundin ang presensya ng kinatawan ng PNP Pagbilao Municipal Police Station.

Hindi lamang, accomplishments reports at mga natamong karangalan ang ibinahagi ng ating Punong Barangay sa kanyang ulat, bagkus tinalakay din niya ang ilang pangunahing issues at suliranin sa ating barangay.

Nagkaroon din ng pagkakataong mag-ulat si Sangguniang Kabataan Chairperson Kimberly Obciana patungkol sa katatayuan, mga proyekto at programa ng SK Bukal Council.

Maraming salamat din sa lahat ng nagbahagi ng kanilang mga tanong, mungkahi, at ideya sa bahagi ng open forum, dahil kinikilala po namin ang boses ng bawat isa. Nagkaroon din po tayo ng pamamahagi ng emergency go-bag sa mga kinatawan ng BBIs o CSO na dumalo sa asembleya at paggawad ng sertipiko ng pagkilala sa ating mga kabarangay na bahagi ng Senior Citizen Chapter 1 & 2 na nagdala ng tagumpay sa ating barangay.

Ang inyong presensya at aktibong pakikilahok ay patunay na isinasabuhay natin ang tema ngayong taon: “Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos.”
Patuloy po tayong magtulungan para sa mas progresibo, ligtas, at maunlad na Barangay Bukal! Mabuhay po tayon lahat! 🤝💙

"Give a man a fish and you feed him for a day; teach a man to fish and you feed him for a lifetime" "💫 Candle Making tea...
29/10/2026

"Give a man a fish and you feed him for a day; teach a man to fish and you feed him for a lifetime" "💫

Candle Making teaching session ng PWD Bukal Chapter sa pangunguna ni Kgwd. Edna T. Portes na siyang namamahala ng nasabing samahan. Nakasama po ntin sa nasabing gawain ang ilang miyembro at guardians ng Bukal PWD Chapter, sa patnubay ng Tanggapan ng MSWD Pagbilao, sa pamamagitan ni Mrs.Nimfa Orig at ni Bb. Riri Leynes. ⭐🫶

Maraming Salamat po, at nawa ang mga natutunan sa gawaing ito ay pagsimulan ng pangkabuhayan ng ating vulnerable sectors because PWD matters, sa abot ng kakayanan na matulungan by providing skills and capability trainings na mas magagamit ng pang mas matagalan.

Mula sa bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Bukal, Maraming Salamat Sacred Heart College Students🫶🫶🫶Ngayong araw, tinangg...
27/10/2026

Mula sa bumubuo ng Sangguniang Barangay ng Bukal, Maraming Salamat Sacred Heart College Students🫶🫶🫶

Ngayong araw, tinanggap ng mga kinatawan ng SB Bukal ang mga book donations para sa Bukal Mini Public Library and Learning Corner and supplies para sa BHS Bukal mula sa mga mag-aaral mula Sacred Heart College- 2nd Year Nursing Student (SHC-BSN 2-GROUP F) sa patnubay ni Sir Winston Santos. Ang mga nasabing mag-aaral ay kasalukuyang nagsasagawa ng kanilang community duty and engagement at inaaaral ang kalalagayan ng katatayuan ng mga mamamayan ng barangay.

Maraming Salamat sa inyo ', ang mga aklat na inyong donasyon ay malaking tulong sa paghubog pa namin sa aming Public Library at adbokasiya para sa mga bata at Kabataang Bukalins na "BRING BACK THE READING HABIT". 📖 At ang mga kagamitan gaya ng white board, stethoscope at oximeter ay malaking tulong para sa ating Bukal Health Station.

Muli, ang aming pasasalamat sa inyo. At salamat sa tiwala ng mga partner institutions (colleges) para sa inyong pagtitiwala sa aming barangay.
Patunay na ang partnership and cooperation between institutions can bring something good for the community.

23/10/2026

📢 ANUNSYO PARA SA MGA WATER CONSUMERS SA BARANGAY BUKAL! 💧

Upang mas mailapit ang kanilang serbisyo at mabilis na matugunan ang inyong mga hinaing, ang pamunuan ng Quezon Metropolitan Water District (QMWD) ay maglalagay ng Help and Inquiry Desk sa ating barangay.

Batid po namin ang inyong mga concerns, kaya naman personal na pupunta ang kanilang team para direktang sagutin at aksyunan ang mga sumusunod:
• 🔹 Water Billing Complaints
• 🔹 Payment Concerns
• 🔹 Other Service Concerns (mga ulat ng leak, mahinang tulo, o aplikasyon ng koneksyon)
📍 Saan: Barangay Bukal Hall Golden Meadows Subd.Brgy.Bukal Pagbilao, Quezon
📅 Kailan: October 26,2026 (Monday) at October 28,2026 (Wednesday)
⏰ Oras: mula ika-8:30am - 4:30pm

Hinihikayat po namin ang mga may reklamo o katanungan na pumunta at dalhin ang inyong pinakabagong Water Bill o Account Number para sa mas mabilis na transaksyon at masagot ang inyong mga katanungan.

Magandang Araw, Bukalins!Malugod po kayong inaanyayahan ng Pamahalaang Barangay sa ating gaganaping BARANGAY ASSEMBLY DA...
23/10/2026

Magandang Araw, Bukalins!

Malugod po kayong inaanyayahan ng Pamahalaang Barangay sa ating gaganaping BARANGAY ASSEMBLY DAY para sa ikalawang semester ngayong Taong 2026.

Ito ang pagkakataon upang mapakinggan ang ulat ng ating Barangay (STATE OF THE BARANGAY ADDRESS o SOBA) na ilalahad ng Punong Barangay Juana G. Carlos kung saan tatalakayin ang mga nagawa ng Sangguniang Barangay,mga mahahalagang usaping pampamayanan at marinig ang inyong mga suhestyon para sa patuloy na pag-unlad ng ating lugar.

Hindi lamang po ito paglalahad at pag-uulat ng mga nagawa ng Barangay, kundi maging mga suliranin at issues na ating kinakaharap sa pangkasalukuyan.

Kaya'tara na't makiisa sa 2ND SEMESTER BARANGAY ASSEMBLY DAY 2026.

#𝐃𝐈𝐋𝐆𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞𝐬 #𝐌𝐚𝐭𝐢𝐧𝐨𝐌𝐚𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲𝐚𝐭𝐌𝐚𝐚𝐚𝐬𝐚𝐡𝐚𝐧

📣📣 BOSES NG MAMAMAYAN, LAKAS NG BARANGAY!📣📣 Inaanyayahan ang lahat ng residente ng Barangay Bukal Pagbilao, Quezon na ma...
12/10/2026

📣📣 BOSES NG MAMAMAYAN, LAKAS NG BARANGAY!📣📣

Inaanyayahan ang lahat ng residente ng Barangay Bukal Pagbilao, Quezon na may edad 15 taong gulang pataas para sa 2nd Semester Barangay Assembly para sa taong 2026. Ito ang oras para sa tapat na ulat at bukas na talakayan para sa lahat.

Dito din nakatakdang ilahad ni Punong Barangay Juana G. Carlos ang kanyang STATE OF THE BARANGAY ADDRESS.

Ito po ay gaganapin sa ika- 31 ng Oktubre 2026 sa ganap na ika-4 ng hapon sa Bukal Multi Purposed Covered Court Golden Meadows Subd. Brgy.Bukal Pagbilao, Quezon.

Ang patuloy na pag-unlad ng ating Barangay ay magsisimula sa inyong pakikilahok!
Bukalins,MAKIALAM, MAKILAHOK at MAKIIISA, Barangay Assembly na!

Address

Phase 1 Golden Meadows Subd. Brgy. Bukal Pagbilao, Quezon
Pagbilao
4302

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SB BUKAL Pagbilao, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share